Nag sisimula na ang ceremony ng makabalik ako. Medyo natagalan din kasi talaga ako sa cr dahil nga sa nangyari. Kaagad akong naupo sa pwesto ko. Sinilip ko pa si Ella, pero wala s'ya sa upuan n'ya. Nasaan kaya s'ya? samantalang nauna s'yang lumabas sa akin sa cr ah? Hindi kaya't umalis na ito dahil sa nangyari? at wala ng balak pang umattend ng graduation? Huwag naman sana.Sayang naman ang pagkakataon at ang pinaghirapan n'ya kung gano'n. Nag simula na ang pag tawag sa mga studyante kada section, inuna iyong ABM o Accountancy Business and Management na strand kung saan kabilang si Maureen. At nang tawagin ang pangalan nito, ay pumalakpak ako ng malakas. Proud na proud talaga ako sa best friend ko. Naging saksi rin ako sa pag hihirap at pag susumikap nito sa pag aaral. Lalo na't hin

