"Here." Sambit ni Vaun at iniabot ang mug sa akin. "Inumin mo na 'yan bago pa lumamig." "Teka, bakit tsaa ito? Hindi ba at sabi mo ay kape ang ititimpla mo sa akin?" Tanong ko. "Eh baka kasi hindi ka lalo maka tulog kapag nag coffee ka. Kaya't chamomile tea na lang ang tinimpla ko para sa 'yo. Mas okay na inumin 'yan lalo na't hindi ka maka tulog." "Hindi naman ako umiinom ng tsaa eh." Reklamo ko. "Hindi ako umiinom ng ganito." "I-try mo muna, mahihimbing ang tulog mo sa chamomile tea na 'yan." Naupo ito at inilapag sa mesa ang mug na para sa kaniya naman. Tsaa din ang laman no'n base sa amoy. Kaamoy ng laman ng mug ko. "Pangalawang tea ko na ito, kapag hindi pa ako nakatulog rito, ewan ko na lang." Nasa balcony kami ngayon ni Vaun at nag papahangin dahil pareho kaming hindi pa makat

