JENINE Nasa labas na ako ng pintuan ng guidance office nang bigla naman akong nag-aatubiling pumasok. Siguro hihintayin ko na lamang na magreklamo si Huxley sa ginawa kong pagsuntok sa kanya, tutal naman at may video record ako sa pinagagawa nu'n at ng mga kaklase niya. Bumalik na lamang ako ng faculty room. Bukas na ako papasok sa klase at baka muli na naman akong ma high blood sa mga estudyante kong pasaway. Kinagabihan sa bahay, habang busy ako sa paghahanda ng aking Powerpoint Presentation, bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Huxley. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang number ko. "Tumawag ako Miss Guevarra dahil gusto kong humingi ng tawad sa inasal ko at ng aking mga kaklase kanina," wika nito. Actually, hindi lang naman kanina, sabi ng isip ko. Ngunit hindi ko na

