HUXLEY Hindi ko alam kung anong nakain ni Miss Guevarra at bakit ako pa ang napili na magiging contestant sa Individual Quiz. Nakakainis talaga. Napasubo na naman ako. At bakit hindi naman ako tumanggi kanina? Pasado alas onse na ng gabi, ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Laging nagpa-flash sa aking isipan ang mukha ni Miss Guevarra. "Huxley, Huxley.. Umayos ka. H'wag mong sabihin na attracted ka sa teacher mong 'yon?" "Stick to your plan, Huxley." Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa fridge para kumuha ng maiinom. Hindi ko akalain na naroon pala si Kuya sa sala, kasama ang isang babae, at masayang naglalampungan ang dalawa. "Oh, bro, hindi ka pa pala natutulog?" tanong niya sa akin nang mapadaan ako sa kanila. "Nope. Hindi

