HUXLEY Isang minuto na lang at matatapos na ang laro. Medyo tensyonado na rin ang mga teammates ko dahil lamang pa ng dalawang puntos ang kabila. Kaya kailangang maka three points ako para maipanalo namin ang laro. Mas lalong humigpit ang depensa ng aming kalaban pero alam kong kaya ko 'to. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ni Miss Guevarra at saglit na nagtama ang aming paningin. Ngumiti siya sa akin sabay nag-thumbs up. At nang muli kaming bumalik sa ball game, hindi ko maiwasang kabahan dahil mahigpit talaga ang labanan. Magagaling din 'tong taga TVL pero sana naman umayon sa akin ang pagkakataon. Kasalukuyang nasa amin ang bola, kailangan nalang maging alerto ako dahil alam kong ako ang inaasahan ng team namin. "Huxley, shoot!" Narinig ko ang malakas na tilian ng mga kaklase

