JENINE Napalundag ako sa tuwa nang maipanalo ng team ni Huxley ang kanilang basketball championship. Buti na lang at hindi nawalan ng focus si Huxley kahit ilang ulit na silang nalamangan ng kalaban sa scoreboard. "Ano beshie, hindi mo ba babatiin ang mga estudyante mo?" tanong sa akin ni Leslie. "Mamaya na besh, kita mo naman madaming tao eh." Makalipas ang ilang minuto, "O tayo na besh," yaya nito sa akin. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at tinungo ang direksyon nina Huxley. Nakasunod naman sa akin si Leslie. Ngunit, bahagya akong napaatras nang makita kong hinalikan ni Sabrina si Huxley. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa aking puso ngunit ayaw ko namang ipahalata lalo na sa kaibigan ko. "Huxley, congratulations to you and to your team. You did a great job," bati

