CHAPTER 14

1133 Words

JENINE Makalipas ang ilang minuto at nasa tapat na kami sa gate ng mansyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Huxley. "Here we are," wika ng lalaki saka bumaba at binuksan ang pintuan ng passenger seat at back seat. "Naku, napakalaki pala talaga ng bahay niyo, Huxley!" bulalas ni Leslie. "At napakaganda pa." Tahimik lang ako habang papasok kami sa loob. Mas lalo akong namangha sa laki at lawak ng kanilang bahay. Halos wala man lang sa kalingkingan nito ang buong bahay namin sa Sampaloc. Maayos ang disenyo sa labas maging sa loob at lahat ng mga kagamitan ay puro mamahalin. Masaya kaming sinalubong ng ina ni Huxley. "Hello Miss Guevarra, mabuti naman at nakarating kayo," anito saka iginiya kami at pinaupo sa malambot na sofa bed. Mayamaya'y nagsipagdatingan na ang mga estudyante ko, kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD