Parang walang nangyari no'ng nakauwi kami sa bahay. Pareho na kaming kalmado at syempre satisfied. Makahulugan kaming nagngitian ni Igop bago tuluyang nagsibaba ng sasakyan. Natigilan ako nang matanaw ko ang kotse ni Mommy katabi ng sasakyan kong ginamit kanina na minaneho ng isa sa mga bodyguard pauwi na nauna pa sa'kin. Buong akala ko ay next week pa babalik si Mommy kaya nakapagtatakang nandito ito ngayon. Hawak-kamay kaming pumasok ni Igop sa loob ng bahay at agad sumalubong sa'min ang nag-alalang si Mommy. Nabitiwan ako ni Igop dahil mabilis akong niyakap ni Mommy. "Thank God, you're here." "Bakit po?" Kumawala ako sa kanya at nagtatanong na napatitig sa stress niyang mukha. "That damn bastard called me! The audacity of the jerk to ask me to introduce you to him!" nanggigigil

