From security guard balik ulit bilang kitchen boy sa Camp Peralta. Nakakamiss din pala ang mga ginagawa ko dati, gumising ng madaling araw at maglakad na paakyat ng bundok para sa trabaho. Parang ganito rin do'n ng na sa Dumangas pa ako, maaga akong magigising kahit pang gabi ang shift ko. "Mabuti pinayagan ka ng asawa mo," pahikab na sabi ni Vanessa. Halos mag aalas tres trenta pa lang kasi at literal na literal ang hamog na parang nanghehele. Kasama ko siya ngayon papuntang Camp Peralta. Total, 'yong Tiyo niya rin naman nag pasabi na kung gusto ko na bumalik sa Campo. "Syempre, supportive ang Ate Suralin ko." Singit ni Teresa na may dala dalang basket, agahan at lunch namin ni Tatay. Halos bente minutos na kaming naglalakad pero hindi naman kami nagkikibuan ni Tatay. Nagpatiuna i

