"Bat kaya hindi mo e sama tong si Selene sa tambayan ng mga kaibigan mo Matt? At nang hindi naman ma inip sa bahay.” sabay subo ng mama ko ng pagkain.
Sinulypan ko naman ito na tahimik lang at tila.
sarap na sarap sa adobo na niluto ni mama.
Ngayon lang ata nakakain ng adobo to? " Wala bang adobo sa maynila?" Nag angat ito ng mukha, takang tumingin saken, habang puno at nakaumbok pa ang pisngi nito ng pagkain. Ang cute niya.
Mahina itong umiling." Anu yun? "
Pigil ko ang pagtawa sa sagot niya.
“Ah Iha yang ulam natin ngayon adobo tawag diyan.”
“Hindi ko alam pasensya na. Pero masarap po, sa bahay kasi hindi nag luluto si mama, palaging nasa ibang bansa.”
“Siguro lumaki kang hindi kumakain o nakakain ng pagkaing mahirap.”
Naramdaman ko ang manipis na kirot ni mama sa aking tagiliran.
“J-Joke lang naman yun.” bawi ko.
"Bukas c Matteo na din mag hahatid sayo sa munisipyo.”
“Sakto, dadaan ako sa talyer ni Stanley.”
Pagkatapos naming kumain ay nag bulontaryo itong mag ligpit pero di ko siya hinayaan."Akin na po mahal na prinsesa." pag bibiro ko.
“Ha? Huwag na nakakahiya-”
I took the plate from her hands. My hand almost touched hers — it’s obvious she’s not used to doing household chores; her hands are so smooth like they’ve never done any housework."
“Bat ba na pili mo ang lugar namin?”
"It just so happened that the person I'm going to investigate is from here."
“Hanggang kailan ka rito sa baryo singko?”
Nag simula na ako mag hugas ng pinggan, gusto ko lang naman malaman, wala naman sigurong masama?
“Don't know."
" Matteo tama na yang pang iimbistiga mo.”
Hindi ko akalain na nakikinig pala si mama.
"Pumanhik ka na roon sa kwarto at naayos ko na ang higaan mo.”
“Thank you po.”
I watched her walk away as I wiped my wet hands. I can’t deny it — she’s beautiful. But someone like me… I’m worlds apart from the life she live.
Isa siyang prinsesa at ako naman ay malamang isang alipin. Pero kung siya lang naman ang pag sisilbihan ko? Why not?
Nang gabi ay hindi ako maka tulog hindi ko alam kung bakit? Pa ikot ikot ako sa higaan. Bat kasi sumasagi sa isip ko ang mukha niyang iyon?
Haist!
Nadatnan ko siyang nag kakape sa lamesa ng umaga. Napakusot ako sa mata kasi sobrang aga naman nagising ng prinsesa.
"Good morning.” bati ko.
“Good morning too.”
Matamis na naman siyang ngumiti. Selene is so simple yet pretty and cute." Anu height mo? “ biglang wala sa sarili kong tanong, gusto kong kurutin ang sarili.
“5ft.. may problema ba sa height ko?”
Bigla nalang siyang sumimangot sa tanong ko.“Bawal ba magtanong?.. Okay sege ikaw na naman mag tanong.” inilapit ko nang bahagya ang aking mukha sa na kasimangot niyang mukha.
Napa kurap-kurap ito. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.
“Naka ligo ka na ba anak? “
Napatindig ako ng diretso nang marinig na naman ang boses ni mama.
“Y-yes... Ah.. No, maliligo na po.“
Napahawak ako sa sariling dibdib. Kumalma ka Matteo.
“Marunong ka naman sigurong umangkas sa motor?” tanong ko sa kanya habang nakatayo sa harapan nang aking lumang motor.
Napansin ko na nag iisip muna ito. “Trust me.“Inalalayan ko siya sa pag angkas.“Humawak ka nang mahigpit sa akin. Kung ayaw mo malaglag.” kailangan kung kunin ang dalawang kamay nito at e akap sa katawan ko.
He looked like someone you'd never want to let go of. If only time could slow down — just for this moment. But Municipal office wasn’t that far. A few more minutes on the road, and we were already there.
It was as if my hands had a mind of their own, pulling me into a tighter hug around him. I couldn’t help but think — it must feel nice to have a friend like this, someone this striking. I could feel his toned abs under my touch — six-pack and all. A true probinsyano, yet he always smells so good.
I shut my eyes tightly and rested my head against his back. I was already halfway through secretly swooning over him when the motorcycle suddenly came to a stop — and my face ended up pressed right against his back.
Hindi naman masakit.
Inayos ko muna ang damit ko na medyo nagkanda gusot sa pag kakaupo ko sa motor niya. Ipinarada niya muna ito di kalayuan , may kalumaan na ang munisipyo at tila hindi pa ito na binigyan ng budget sa pag papagawa.
I checked my bag, pen, and notes, and I also prepared some questions.
When I turned to look at him, he was already talking to a man. He didn’t look like he was around his age, but I heard he call him 'Ninong.
“Aba! at binata na talaga ang inaanak ko, nag aangkas na nang babae sa motor niya.”
Tama ba ang narinig ko? "Alam mo kasi Iha, ngayon lang nagdala ng babae yan dito.
“Ay hindi ko po siya syota ninong.. Siya po ang tinutukoy ni mama na titira muna sa amin while ginagawa project niya.”
Natawa nang pagak ang ninong nito. “Siya nga ba iho. Pasensya ka na Iha, natuwa lang ako at meron nang girlfriend ang inaanak ko. . Mauuna na ako sa inyo.”
Kumaway ito bago pumasok sa munisipyo.
Sa gwapo niyang to, wala pa siyang girlfriend?
“Nga pala, ihahatid kita sa bahay bago ako pumunta sa talyer, pag na abutan mo si mama pakisabi na may importante lang na inasikaso.”
At tinuruan pa talaga akong magsinungaling. “Sabi ng mama mo, e sasama mo daw ako.”
“No.”
“Why?”
“Batsa hindi pwede ang babae don.”
“E susumbong kita kay mama mo.”sabay irap ko.
“Hey! Bat ang tigas ng ulo mo. Bawal nga e.”
Padabog akong umalis sa harapan niya, di ko naman akalaing na susunod pala ito.
“Okay fine.”
Palihim akong napangisi.
So that’s why women aren’t allowed — all I can see are men. Is this the repair shop he was talking about? Halos ka edad niya lang ang mga ito.
Tumayo ang Isa sa kanila at sinalubong kami.
“Yan na ba ang prinsesa mo?" sambit ng isang binata.
"Tumigil ka Sancho." simangot niya. "Diyan ka na at huwag ka na summa, babalik din ako ka agad.“
"Hoy anu ka ba? Baka mamaya makuha pa ng iba yan, ikaw din." Nagtaas baba ang kilay ng kaibigan niya. "Kagabi lang para kang iwan na hindi makatulog-"
Pinigilan niya ang bunganga nito, tila may ayaw malaman.
"Huwag kang makinig diyan, halika ka na nga..." nakasimangot niyang sambit.
Eto ba ang sinasabi niyang talyer? Sa likod ay mga puno ng niyugan. Tas may nag iisang malaking bahay sa gitna na napapalibutan ng mga nagtatayugang mga puno.
Nang pumasok kami sa mismong talyer ay may isa pang binatang nasa ilalim ng isang sirang sasakyan, tila ma tiyaga niya itong kinukompuni.
“Si Stanley. " sabi nung Sancho. “Sila may ari ng nag iisang talyer dito sa baryo.. Pinsan ko.”
Hindi lang man ito nag aksaya ng oras para mag hi o makita ako.
“Babe.."
Namilog ang mga mata ko nang may isang di ka tangkarang babae ang bigla nalang pumulupot sa leeg ni Matt. Anu nga ulit tinawag niya? Babe?
" Mahiya ka naman sa bisita Madeline.” saway ni Sancho.
Humarap sa akin ang babae, pero nanatiling nakapulupot ang mga braso nito, kay Matt na tila pikon na pikon sa ginagawa nito sa kanya.
“You must be..?"
"Selene.”
“Ah, yung sabi ng babe ko na boarders nila pansamantala?"
Iritadong sinamaan siya ng tingin ni Matt.
Hindi ko makuha kung bakit inis na inis to sa babae. Akala ko ba girlfriend niya?
“Kailan ka lang dumating?.. Im hoping na sana di ka mag tatagal sa lugar namin.”
Yung binatang busy sa talyer kanina hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. “Isang buwan. If hindi ko matapos yung report ko.”
Mapakla itong ngumiti.
Wala itong suot pang itaas at halos marumi din ang maong nitong suot, puno ng grasa. At habang nag pupunas ng mga kamay nito ay di ko maiwasang pagmasdan ang katawan nito.
“Tara na!”
Halos masubsob ang mga paa ko nang hilain ako nito.
“What is your problem?”
Parang wala itong narinig. Kung kami ang magsyota iisipin ko na nag seselos to, pero imposible na yun.
“ANG SABI KO, TARA NA! AT UULAN.”
Matigas niyang sambit.