Samirah's POV:
"Samirah! Anak! Labas ka muna! May sasabihin lamang ako!" Sigaw ni Inay habang kumakatok sa pinto ng aking silid. Bumangon ako sa aking kama at pinagbuksan siya ngunit hindi siya ang bumungad sa akin kundi si Juno. Napairap na lamang ako sa hangin. Tampo pa rin ako sa kaniya noh! Akmang isasara ko na ang pinto ngunit inipit niya ang kaliwa niyang kamay.
"Wait lang, Mirah! Mag-usap naman tayo oh! Sorry na! Sorry talaga! Hindi ko naman sinasadyang magalit eh! Iniisip lang talaga kita!" Pakiusap niya habang nakaipit pa rin ang kaniyang kamay sa pintuan. Hayst! Kainis! Iipitin ko talaga siya!
"Ano na naman ba?!" Pinagbuksan ko na siya, konsensya ko pa kung sakaling maipit Yan. Bigla siyang lumuhod kaya mas lalo lang ako'ng nainis. Kailangan pa talagang lumuhod?
"Mirah, sorry na. Kausapin mo naman ako oh. Please..."
"Ayoko nga..."
"Dali na! Sorry na talaga!"
"Ayoko.."
"Please... Ano ba'ng gusto mo'ng gawin ko? Kahit ano, basta pansinin mo lang ako." Napangisi ako sa kaniyang sinabi, may naisip ako'ng kalokohan mwehehehe!
" Sige ba... Hmmm... I dare you to... Kiss your crush ayieee! Bukas sa-" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil bigla akong hinalikan ni Juno. Oo, halik! As in!
Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako makagalaw. Kakaiba rin yung bilis ng t***k ng puso ko ngayon, para ba'ng gusto na niyang lumabas dahil sa lakas ng t***k. Gusto ko man siyang itulak pero may something na pumipigil sa akin. Nakapikit lang siya at hanggang ngayo'y hindi pa rin inaalis ang pagkakalapat ng aming mga labi. Shemay! Yung very first kiss ko!!
Dahan-dahan siyang lumayo at nagmulat ng mata. Bigla siyang ngumiti ng abot hanggang tenga pero ako, hindi pa rin ako makagalaw at makapagsalita. Walang masabi!
"So? Okay na tayo? Napatawad mo na'ko ha? Bye!" Huli niyang sinabi bago tumakbo palabas ng kuwarto. Napahawak ako sa aking labi at nanghihinang napaupo sa sahig. Y-yung first kiss ko, w-wala na.
"Oh, anak? Anong nangyari sayo? Okay na ba kayo ni Juno?" Hindi ko namalayan ang pagdating ni Inay dahil iniisip ko pa rin yung kiss na yun. Hinalikan ako ni Juno, edi... ako yung crush niya? Pero.... imposible! Pero feeling ko rin, crush nya'ko kasi bakit nya ako hinalikan, diba? Kaya ba siya ganun ka-protective? Nagseselos siya kay Kaivin? Pero, hindi! Hindi! Wag assuming, okay? Baka kaya ka niya hinalikan kasi, gusto niya na magkabati na kayo. Oo nga! Tama! Ba-
"Samirah!!!"
"Ay! Kiss!" Agad kong naitakip ang aking mga kamay sa bibig ko nang marealize ang kalandiang nasabi ko. Ano ba yan! Ipapahamak ako ng bibig na 'to!
"Anong kiss?" Tanong ni Inay habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin. Naku! Anak pa naman 'to ni Detective Conan!
"W-wala yun Inay. A-ano kasi..." Ano ba'ng maipalusot? "Ayun! Yung kaklase ko kasi na si Hyen, nagtatanong ng title nung story na nabasa ko sa w*****d. May kiss po kasi dun sa title." Inay maniwala ka, maniwala ka...
" Ahh ganun ba... Akala ko kasi, hinalikan ka na ni Juno." Saad ni Inay na nakapagpalaglag sa akin mula sa kama. Sabi na nga ba't anak to ni Detective Conan!
" Aray!" Ansakit!
"Oh, Samirah! Ano ba'ng nangyayari sayong bata ka?!" Agad na lumapit si Inay sa akin at inalalayan ako sa pagtayo. "Okay ka lang?" Tango lamang ang naisagot ko sa kaniya habang himas-himas ang pang-upo ko, namula yata.
"Tao po! Tita Cara!" Sigaw ng isang pamilyar ba boses mula sa labas. Sabay kaming napatayo ni Inay sa kama at napalabas ng silid. Anong ginagawa nun dito?
"Anak, mag-ayos ka! Mukhang si Kaivin 'yon!"
"Okay na 'to na Inay! Hindi po ba ako maganda?" Nakabusangot ko'ng tanong sa kaniya.
" Naku! Hindi! Sobrang ganda kaya ng anak ko! Syempre, saan pa ba magmamana? Eh diba'y sa akin lamang! "Natawa naman ako dahil sa kahanginan ni Inay.
Lumabas na si Inay para pagbuksan si Kaivin ng gate kaya sumunod naman ako at sumilip.
"Ahh... Magandang hapon po, Tita Cara. Dadalawin ko lang po sana si Sami." Nakangiting ani Kaivin bago nagmano kay Inay.
"Magandang hapon rin, Iho. Pasok ka." Pumasok na si Kaivin. Bigla naman ako'ng kinurot ni Inay sa baywang at ngumiti ng nakakaloko. Ang hilig mangurot! Ang saket!
"Uhm... Sami" Kamot batok na wika ni Kaivin sabay abot ng isang kumpol na rosas na may kasamang tsokolate. Kinuha ko iyon at ngumiti ng napakatamis sa kaniya. Ang sweet nemen!
"S-salamat. Hmm... Upo ka." Umupo na kami sa nag-iisang sofa sa sala namin. Dumating na rin si Inay na may dalang mga pang-meryenda.
"Oh, kumain kayo. Iho, masarap ang mga 'yan."
"Halata nga po eh." Natatawang sabi ni Kaivin.
"Oh sige, ako'y babalik muna roon sa kusina. Samirah...." Sabi ni Inay saka ako binigyan ng nanunuksong tingin. Ay ewan, Inay!
Bumalik na sa kusina si Inay kaya kami nalang ni Kaivin ang naiwan rito. Oo, kilig ako!! Napalingon ako kay Kaivin at kitang-kita ko kung paano siya nasasarapan sa gawa ni Inay na special banana cue at lumpiang shanghai. Napangiti ako ng dahil doon, ang cute niya!
"Say 'ahh'" Gulat ako'ng napatingin sa kaniya nang itapat niya sa aking bibig ang lumpiang shanghai.
"Ahh hindi na, sa-" Hindi ko na naituloy ang nais ko'ng sabihin dahil bigla niyang sinubo sa'kin ang shanghai. Shemay! Mabubulunan ako sayo!
"Sarap, diba?" Nag-okay sign naman ako sa kaniya. Totoo naman kasi na masarap talaga magluto si Inay. Kumuha rin ako ng banana cue at isinubo sa kaniya. Hehe, para kaming mag-jowa!
Busy kami sa paglalandian ay este sa pagsusubuan nang biglang umeksena si Inay. Sunod-sunod ako'ng napaubo dahil sa pagkagulat. May lahi rin talagang kabute 'to! Bigla-bigla nalang sumusulpot!
"Hay, naku! Anong tamis! Ang daming langgam, jusko!"
Imbes na painumin ako ni Kaivin, inuna pa ang pagtawa. Ang sweet naman! Talaga!
"Inay! Ihatid ko lang po si Kaivin sa labas!" Pagpapaalam ko kay Inay mula sa sala.
"Sige! Ay, Iho ika'y mag-iingat sa pag-uwi ha!" Sigaw ni Inay na nasa kusina.
"Sige po, salamat po Tita! Bye po!"
Sabay na kaming nagtungo sa labas ni Kaivin. Nasa labas na kami ng gate nang bigla siyang magsalita.
"Uhmm.. Sami, thank you. Thank you for this short moment. Nag-enjoy ako at saka ang sarap ng luto ni Tita ha." Natawa naman ako sa kaniya. Siya pa talaga yung nag-thank you?
"Ano ka'ba? Ako nga dapat yung magte-thank you eh, kasi dinalaw mo'ko tapos nagdala ka pa ng bulaklak at chocolate. Salamat Kaivin ha. Ako rin thankful sa sandaling to." At the same time, kinikilig.
"Mirah..."
Lumingon muli ako sa kaniya, dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha at hinawakan ang kanan ko'ng kamay hanggang sa naglapat na ang aming labi nang hindi ko namamalayan.
Bago tuluyang naglapat ang aming mga labi, isang pamilyar na bulto ng tao ang nahagip ng aking paningin.