-THE GIRL IN A PICTURE. THE EDITOR FROM HELL. THE FAIR LADIES. THE FISH BOWL EXPERIMENT. A SLY EXIT-
HULING klase ni Felix ang English class bago ang scheduled nilang lunch break. Although naririnig naman si Felix sa sinasabi ng teacher sa harap ng klase, busy rin siya sa pag-drawing ng mukha ng isang batang babae sa blangkong pahina sa likod ng notebook binder niya. Pinagkokopyahan niya ang litrato na nakaipit sa likod ng school I.D. niya. Cute na morena ang batang babae. Mga sampu o labing-isang taon pa lang ito kung pagbabasihan ang picture. Sino kaya ang batang babae ito sa buhay ni Felix? Walang nakakaalam sa mga kaklase o acquaintances ng binatilyo sa school. Pag tinatanong naman siya, tikom ang bibig niya. Sinasadya pa niya minsan na ilihis ang topic.
Sinulat sa pisara ng teacher nilang si Mr. Donald Aguirre ang ‘poetry writing’ in curve script na nilagyan pa niya ng underline. Pinagpag pareho ni Mr. Aguirre ang dalawang kamay na puno ng marka ng yeso habang hinaharap ang klase. “You guess it right. We’ll be doing a poetry writing activity.”
Rinig na rinig ang ungol ng di-pagsangayon ng mga estudyante sa loob ng classroom. Halata sa mga mukha na hindi sila excited sa naisip na activity ng kanilang teacher.
“I appreciate your enthusiasm. It really warms my heart.” Nakangiti pa ang teacher habang pinagmamasdan ang reaction ng klase. May ilang natawang estudyante sa sarcastic approach ni Mr. Aguirre. “But don’t fret. We’re not going to do it right now. I’ll give you until next week to prepare and you will present your masterpieces, up front, on Monday.”
Napaisip na ang ilan sa mga estudyante. Parang mine-mental check na nila kung kakayain ba sa schedule nila this week ang pinapagawang poem ni Mr. Aguirre.
Naramadaman ni Felix na nag-vibrate ang phone niya. Palihim niyang tiningnan kung sino ang nag-message sa ilalim ng arm ng inuupuan niyang silya. Group chat message lang pala iyon ng editor nila sa school paper na si Carol. Nire-remind silang mga kasama sa staff ng meeting sa upcoming edition ng The Good News. Gaganapin lang iyon sa school cafeteria. May nakadagdag pang ‘attendance is a must’ ang message ni Carol. Napailing na lang si Felix. Wala siya sa mood um-attend. For sure, pipilitin na naman siya ni Carol na ma-interview niya ‘yung mga sasali sa Miss Teen Earth, parte ng mga funded activities ng The Good Earth Academy sa magaganap na Foundation Day sa darating na Friday. Ayaw pa namang pumayag ni Carol na basta lang niya i-cover ‘yung mismong pageant night lang. ‘Yung babanggitin lang ang mga pangalan ng runners-up at crowned title holder sa article. Dapat makuha rin niya ang kanya-kanyang perspective ng mga candidates. Para may depth daw ‘yung article. Pero gusto sana niyang tumanggi.
Ang gusto lang naman kasi ni Felix, makapagsulat siya. Ma-feature ang gawa niya sa school paper sa buwanang publication nito. Whether kung short story ba ito o isang essay article sa kung anong topic na interesting sa kanya. Pero kapag ang pinapagawa na kanya ni Carol na article ay may involvement nang pakikipag-interact sa ibang tao. Lalo na sa mga hindi naman niya kilala o nakakausap man lang, gumagawa siya ng alibi para i-assign sa iba ‘yung article. Pero mukhang hindi na siya palulusutin this time ni Carol.
Ilan sa mga sasali sa Miss Teen Earth ay kaklase niya sa English class. Kasama na du’n ang mag-best friend na sina Chloe at Jill. Palihim niyang tiningnan ang dalawa. Magkatabi ng upuan ang mag-best friend. Sa likod naman nakapuwesto ng upo sina Reginald at Francis. Si Reginald, nanliligaw (o binabakuran, according sa kasama niya sa The Good News na si Ricky) pa lang kay Chloe. Si Francis, may pa-‘press release’ na exclusively dating na daw sila ni Jill. Binibigay ni Reginald ang hawak nitong long-stemmed rose na malamang kinuha lang nito sa lawn ng school. Parang nahihiya (o nag-aalangan) kinuha naman ito ni Chloe. Si Francis naman, naka-lean sa upuan ni Jill para mayakap ito sa likod. Ninanakawan niya kasi ng halik si Jill sa pisngi na kunyari naman ay pinipigilan ito. Makakaya ba ni Felix na iprisinta ang sarili sa dalawang ito para ma-interview sa gagawin niyang artikulo sa school paper?
Alam ni Felix na nakapuwesto sa likod niya si Carol. Pa-simple niya itong tiningnan. Tama ang hula niya. Nakasimangot itong titig na titig sa likod niya. Kung may mga laser lang ang mga mata nito, nakagawa na siguro ito ng butas sa batok niya. Kaagad niyang binawi ang tingin at sinubukan mag-concentrate sa sinasabi ni Mr. Aguirre sa harap ng klase.
“The good thing with this poetry writing activity, it will serve as your mid-term exam.” Sabi ni Mr. Aguirre habang kinukuha ang isang fish bowl na nakalagay sa desk na puno ng mga nakatiklop na maliliit na colored paper. “No need to answer kilometre-long questionnaires. No need to study nightly leading to the examination day. You could spend the rest of your free time watching your favorite Kdramas. Playing your favorite mobile games. Or even,” tumingin si Mr. Aguirre sa gawi nina Francis at Jill, “kissing your significant other on the cheek until it becomes red with rashes.”
Nagtawanan ang karamihan sa mga estudyante. Halatang nakikisakay naman si Jill na pabirong tinulak palayo si Francis na tumatawa na rin.
Ipinakita ni Mr. Aguirre ang fish bowl na hawak sa harap ng klase. “Inside this fish bowl are pieces of colored paper which I folded origami style. Inside it I wrote down the topic or subject which your poetry will center on. It can be any topic. It could be about family, your pet, your favorite book, movie, band, it could be anything under the sun. You just have to pick one folded paper in this fish bowl and whatever topic inside the paper will be the subject matter of your poem.”
Pinalapit muna ni Mr. Aguirre ang mga estudyante sa unahang row para dumukot ng paper nila sa loob ng fish bowl. Nagsimulang magkuwentuhan ang mga estudyanteng hindi pa pumipila sa harap. Si Felix naman itinuloy ang na-udlot na pag-drawing niya sa batang babae. Habang pinagmamasdan niya ang pinagkokopyahang larawan nakalagay sa likod ng kanyang I.D., hindi namalayan ni Felix na lumalakbay na pabalik ang isip niya. Ang larawan sa likod ng I.D. niya ay biglang kumilos. Tumatakbo ito palayo sa kanya habang sumisigaw ng ‘Ikaw na ang taya, Felix! Ikaw naman ang humabol!’.
Natigil ang pagde-daydream ni Felix nang malakas siyang tapikin sa likod ng katabi niya ng silya na si Miggy. “Dude! Ikaw na bubunot!”
Hinihimas ang likod na tinapik ni Miggy na lumapit si Felix kay Mr. Aguirre at pumili ng kanyang papel sa loob ng fish bowl. Sinikap pa niyang kunin ang papel na nasa pinakailalim. Kulay fuchsia pink ang nakuha niyang papel. Inalis niya agad ang tupi ng nabunot niya habang naglalakad siya pabalik sa upuan. Pero natigil siya nang makita ang assigned topic na nakasulat sa papel na nabunot niya. ‘Your crush’.
Your crush? Your crush? Sinong crush naman ang puwede kong gawan ng poem? Halos sigaw ng isip niya habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa nakasulat sa paper niyang hawak. ‘Yung reaction niya parang life sentence ang nakalagay duon sa papel.
Nakita niyang nagtaas ng kamay si Amelia, ang kaklase niyang unang bumunot sa fish bowl. “Mr. Aguirre, can we swap with someone if the topic on our own paper isn’t to our liking?”
“Yeah. I’ll allow it. But in turn, I’ll be expecting a lot on the poem you’ll present in class on Monday.” Sagot naman ng teacher.
Si Francis naman ang sumunod na nakita ni Felix nagtaas ng kamay. “If the topic is about crush, are showbiz celebrities allowed?”
Nag-react naman duon si Jill at tumingin pa kay Francis. Nakaporma ng ‘O’ ang bibig.
Nangiti si Mr. Aguirre bago sumagot. “What’s the thrill if it’s a celebrity? It has to be someone that you personally know.”
“Celebrity pala, ha? Huwag kang pupunta sa bahay mamaya. Ipapahabol kita sa Doberman namin.” Inis na sabi ni Jill kay Francis.
“Nagbibiro lang, my Cinnamon Stick! Nagtampo ka naman agad.”Niyakap pa ni Francis ang kunyari lang naman na nagtatampo na si Jill.
Walang gana na lumakad pabalik sa seat niya si Felix. Nasagot na ‘yung itatanong niya sana kay Mr. Aguirre. Thanks to Francis. Ano na ngayon ang gagawin niya?
Napansin niya ang seat mate niyang si Miggy na palihim na inuusyoso ang dino-drawing niya sa notebook. Sinita niya agad ito. “’Wag mo ngang tingnan ‘yan!” Isinara agad ni Felix ang notebook pagkaupo niya.
“Ba’t ka ba nahihiya sa drawing mo, eh, maganda naman?” Tanong ni Miggy na parang ‘di apektado sa pagsusungit ni Felix.
“Basta.” Matipid na sagot niya. Tiningnan niya ulit ang nakasulat sa nabunot na papel. Parang kusang mababago nakasulat dito pag tinitigan niya.
“Anong topic nabunot mo?” Tanong ni Felix sa katabi.
“Food.” Proud pang ipinakita ni Miggy ang nakalagay sa colored paper na nakuha niya. “May naiisip na nga akong simula du’n sa poem ko, eh. ‘I love ice cream because it’s cold, sweet and delicious’.” Tumawa pa ito ng malakas. Halata kasing mahilig sa pagkain si Miggy at medyo bilugan ang katawan nito. “Sa ‘yo? Ano nakalagay?”
Ayaw sanang ipaalam ni Felix ‘yung nabunot niya pero unfair naman kay Miggy dahil sinabi nito ‘yung kanya. “My crush.”
‘Yung reaksyon ng mukha ni Miggy ay parang meron siyang sinabing napaka-unfortunate na nangyari sa kanya. “Hala! Crush? Meron ka ba nu’n?”
Sinimangutan na lang ni Felix ang katabi at hindi na sumagot.
Napatingin siya ulit sa puwesto nina Chloe. Narinig niya itong sinasabi ang nabunot niyang topic sa fish bowl kina Jill. “Ang corny nga, eh. Family. Would you imagine gagawan ko ng poem sina Mommy and Daddy? Parang ang cringey gawin.”
“Did everyone got their colored papers?” Tanong ni Mr. Aguirre sa harap ng klase habang itinataas ang hawak na fish bowl na may mga laman pang papel.
“Yes, Sir!” Halos in unison na sagot ng mga estudyante.
Saka naman tumunog ang school bell. Isa-isa nang tumayo ang mga estudyante at kanya-kanyang bitbit ng mga gamit.
“I’ll just discuss the mechanics of the poem tomorrow. Enjoy your lunch!”
“Thank you, Mr. Aguirre!” Sagot naman dito ng ilan sa mga estudyante.
Mula sa likod ni Felix, tumayo na si Carol sa upuan nito at nagsimulang mag-roll call. “To all staff of The Good News, we’ll have a quick meeting to discuss this month’s edition of our paper in lieu with the upcoming Foundation activities this Friday. Meet-up place will be at the cafeteria. Please be there Pepper Trinidad, Ricky Enriquez, Felix de Jesus...”Nire-repeat lang naman nito ‘yung na-forward niyang message sa group chat nila kanina.
Si Felix naman nang marinig na nagtatawag na ang editor niya sa school paper. Pasimpleng sumabay sa mga lumalabas sa classroom at nang nasa pinto na ay tumakbo siya ng mabilis palayo.
“...attendance is a must!” Pagtatapos ng announcement ni Carol. “Kumpleto na ba tayo?” Tanong ni Carol sa staff niya na nakatayo sa paligid niya.
“Parang wala si Felix.” Inform sa kanya ni Pepper.
“Sandali.” Tiningnan ni Carol ang chair na inupuan ni Felix kanina. Di na ito okupado. Wala na rin ito sa loob ng classroom. Napahawak sa sentido sa ulo si Carol na parang bigla itong sumakit. “Tinakasan na naman ako ng mokong na ‘yun.”