BIGLANG napalingon si Jen sa may gawi ng pintuan nang maulinagan niyang bumukas iyon at pumasok doon ang asawa. Kunot ang noo na napatitig siya rito. "Ano ang ginagawa mo?" nagtatakang tanong nito sa asawa. Mabilis siyang napaupo sa kama. "A, I-I'm sleepy?" patanong ding sagot nito 'tsaka naglakad palapit sa kama para sana doon ay humiga na. Bigla namang naalerto si Jen at kaagad na pinigilan ito. "Hep! Hep! Hep!" aniya. "At sino naman ang may sabi sa 'yo na dito ka matutulog?" tanong nitong muli. Mabilis na nangunot ang noo ni Esrael at napatitig sa asawa na ngayo'y nakaluhod sa ibabaw ng kama. "What do you mean?" "What I mean mister, bakit dito ka matutulog?" "Of course, this is the only room and bed." magkasalubong pa rin ang mga kilay na saad nito. "Why, is there a problem with t

