"GRACIA..." bulalas at hindi makapaniwalang saad ni Jen. Napatayo pa sa kinauupuan niya ang dalaga at kunot ang noo na tinitigan ang kasama. Kasalukuyan silang nasa lawn at nag papahinga. Sinamahan niya kasi si Gracia kanina na mag lakad-lakad sa gilid ng Rancho. Pagkatapos ng halos bente minutong pag paparo'ot parito nila ay nag aya na rin itong umuwi dahil pagod na rin. Pinagpapawisan na rin si Jen. Mabuti iyon at naarawan siya at ng tumaas naman ang resistensya ng katawan niya. "Are you kidding me?" tanong nito. "Bakit mo ba 'to ginagawa sa 'kin?" inis na tanong nito. Hindi talaga siya makapaniwala rito maging sa asawa nitong si Octavio. Sa pagkakaalam niya kasi, sa darating na araw ng kasal nito'y si Jesusa raw na bestfriend nito na nasa Madrid ang magiging Made of Honor nito. But t

