"KUMUSTA?" Nabaling ang atensyon ni Miguel sa babaeng nagsalita sa kaniyang tabi. Halos may dalawang minuto rin siyang napatitig dito ng mataman bago unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Elvie!" "Akala ko nagkaroon ka na ng amnesia." natatawa pang saad ng dalaga. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ng binata sa kaniya. "Ang tagal mo kasing nakatitig sa 'kin e! O baka, nagagandahan ka na naman sa 'kin." pagbibiro pa nito nang maalala ang gabing sinabihan siya ni Miguel na maganda raw siya. Banayad na nagpakawala ng paghinga ang binata 'tsaka umangat ang kamay at hinawakan ang tagiliran na medyo kumirot nang bahagya siyang matawa. Ang ngiti sa mga labi ni Elvie ay kaagad na napalis at tumayo sa kaniyang puwesto. "Teka, masakit ba ang sugat mo?" tanong nito. "Um, h-hindi

