Kuya Jun's POV Jun's Rest House, Tagaytay City 09 May 2017 (Jun's dirty kitchen) "Sir Jun, nagustuhan ng mga anak ko ang ginawa niyong biko at suman nang huling maparito kayo sa Tagaytay...." masiglang pagkakasaad sa akin ni Mang George habang inaabot niya sa akin ang mga pinamalengke niya para sa lulutuin kong almusal at pananghalian. "Talaga po?" "Oo, Sir...." "Uhmmm, gusto po ba ninyong gumawa ulit ako para sa atin???" "Kung hindi nakakaabala sa inyo Sir, ba't naman ako tatanggi..." nakangiting bigkas ni Mang George. "Siya nga pala Mang George, kamusta 'yong bisita ni Jin kagabi?" "Okay na siya Sir, pagdating namin kahapon sa hospital eh wala pang dalawang oras ay gusto nang makauwi ng batang iyon... ang sabi niya, doctor daw ang kanyang tiyuhin at may-ari daw sila ng

