Bebe Josh’s POV Le Meridien Country Club, Tagaytay City 08 May 2017 (Le Meridien Country Club, Outside of Reception) Pinagbuksan ako ni Jun ng pinto ng sasakyan nang makababa ito. Ibinigay niya ang susi sa isang lalaki at ito na ang nag-park sa pulang sasakyan ni Jun. “Do you like Italian food??” bigkas ni Jun habang naglalakad kami papasok ng reception area. “Of course hubby, it’s my favourite....” tugon ko sa kanya. “I know right....” he said kasunod ng pag-ngiti niya. Napayuko na lamang ako habang pinipigilan ko ang aking pagkakilig. Ayeeee.... “I love you Jun....” sa aking isip. Hmmm... mukhang na-research lahat ni Jun ang tungkol sa akin, napansin ko mula kaninang umaga hanggang ngayon ay umaayon talaga sa lahat ng gusto ko ang pinapakita niya sa akin...

