000008x Galawang Esquivel Itinulak ko sya gamit yung buong lakas ko. Sabi ko hindi na ako uulit! Kailangan kong maging matatag kahit na ang galing galing niyang humalik, hindi pwede! “Wala akong responsibilidad sayo! Napakakapal ng mukha mong magsabi ng ganyan?! Stalker ka, bwisit!” tinalikuran ko sya at nagsimulang maglakad palayo. Naramdaman ko na lang namang nagkabuhol yung mga paa ko sa di malamang dahilan at muntik na namang masubsob. Muntik dahil may sumalo na naman sa akin. “Tatalikuran mo ako pero kakailangan mo din pala ako sa huli.” At yun ay si Dreigo. Napaka-clumsy ko talaga. Nakaflat shoes na ako nito ha! “Hindi kita kinailangan. Hindi ko sinabing saluhin mo ako. Lumayo ka sa akin, susuntukin talaga kita! Bakla ka, walangya!” humiwalay ako sa pagkakahawak nya sa balika

