0000010x The Dragon “Hindi ko din alam. Tulong?” isa-isa kong binubunot yung damo sa gilid ko dahil hanggang ngayon, hindi pa din ako makaisip ng paraan para mapalayas sa buhay ko si Dreigo. Sabi ko pa naman pagkaraan ng ilang araw titigilan din ako nun. “Paano ka namin tutulungan, aber?” tanong ni Kiel habang nakahilata sa blanket na nakalatag sa tapat ng puntod ni Loislane. May ginagawa sa ipad niya. “Hindi ko din alam. Gulong gulo na ako.” Napadapa lang ako sa tabi ni Kiel dahil nagugutom na ako, ang tagal-tagal ng mga kasama namin. “Asan na ba yun si Pao?” “Ewan ko, iniwan lang naman natin yun kila Kuya Gage.” Ngayon lang kami bumisita kay Lois. Pinahupa muna namin yung dami ng tao nung mismong araw ng Patay. She can understand us, pare-pareho naman kami ng opinyo. Besides, may k

