Deene's POV Alas-kwartro palang ng madaling araw ay gising na gising na kami ni Violet. Maaga daw kasi siyang aalis dahil uuwi pa siya sa bahay niya at kailangan din daw niyang pumasok ng ala-sais sa trabaho. Nasa kusina kami at nagluluto siya ng breakfast. Sinabi ko namang magpadeliver kami pero ayaw naman niya. Di din siya makapaniwala na mag-isa akong nakatira dito pero di ako marunong magluto. "You should enroll in a cooking class, love. Para hindi kana puro padeliver." Sabi niya habang nagpepreto ng bacon at sunny side up, ako naman ay naglagay na ng dalawang plato sa mesa at nagtitimpla ng kape ni Violet at gatas ko. Napaikot naman ang mga mata ko. "Mag-isa lang naman ako, i don't need to cook for myself kung isang tawag lang naman may food na ako." Pangangatwiran ko pa. "What i

