"SHHAAAIIII"
Napabangon ako sa lakas ng boses ng tita Kong impakta.
"Shai pag Di ka bumaba diyan kakaladkadin Kita magmadali ka"
" opo bababa na po" nakasimangot Kong sabi.
eh kasi naman kala mo naman Kung anong nangyayari Yun pala uutusan na naman ako, Kung magtanong kayo Kung bakit ko sinabihan ng impakta Ang tita ko kasi totoo naman parang akong Hindi kamag anak Kung itrato ako.
Lagi kasi nila akong inuutusan na kala mo Isa akong kasambahay dito ni Hindi nga mautusan Yung kanyang malditang mga anak haysss nakakainis talaga.
Bumaba na ako upang simulan ngayon Ang panibagong kahindik hindik na kabanata ng buhay ko.
"Mommy I will go na kasi I'm going to buying na ng clothing with the friending"
Sabi ni annaliza, Ang panganay na anak ni tiya
Napangiwi nalang ako sa paraan ng pagsasalita Niya na conyo Mali Mali naman Ang grammar niya Kung makaenglish tsk
"okay my dear princess" Sabi naman ng magaling Kong tiyahin sabay halik naman SA kanya ni Anna.
"o ano pang tinatayo Tayo mo diyan bruha Hala at maglinis mg bahay ayy bumili ka muna ng almusal natin baka kasi magreklamo ka na pakainin mo kami"
" ano po bang bibilin kong ulam" matamlay ko namang sagot eh pano kasi sila na naman Ang uubos nun
"tinatanong pa ba iyun edi manok o baboy tapos Ang luto ay adobo"
"pero tiya 150 pesos Lang po Ang natira na pera sa sweldo ko"
" edi pagkasiyahin mo Kung di kasya edi kalahati Lang tapos Yung natitirang pera ibili mo nang sahog kalahati Lang na manok ha kasi Di ka naman kakain eh" tingnan mo Ito sakin Ang pera pero sila Ang nakikinabang kasasabi Lang kanina na kakain din po ako
"eh pano po ako tiyang Wala po akong kakainin"
"madali Lang naman yan eh di manok din Ang iuulam mo-"
pinutol ko agad Ang sasabihin Niya
" yeheyyy thank you tiyang Sabi ko na nga ba-"
" -kaso itlog ng manok nga Lang atleast manok din"
napangiwi ako sa aking narinig kala ko naman makakain ako ng masarap na ulam
" Di mo pa kasi ako pinapatapos magsalita eh tch"
"opo bibili na po magbibihis Lang"
Umakyat na ako sa sira sirang maliit na kuwarto ko na akala mo Ang titira ay isang aso SA sobrang liit.
Bale Ang bahay nila tiya ay 2 storey house may kalakihan din, gawa siya SA kahoy.
Nung sinuot ko Lang ay isang loose shirt, maluwag na pants, sinabayan ng radiatic type glasses at sumbrero nagmukha akong tomboy pero straight naman ako
Bumaba na ako at nadatnan si tiyang na nagcecellphone at tuwang tuwa kala mo naman magandang cellphone Yun naman pala de keypad Lang naman
"tiyang aalis na po ako" paalam ko
"o siya sige pakibilisan ha may dadating na bisita Tayo mamaya hikhikhik" Sabi niya sabay hagikgik
Lumabas na ako sino Kaya Yung sinasabi ni tiyang na bibisita mamaya baka manliligaw ni tiyang pero Di pwede masyadong matanda na si tiyang Kung liligawan siya
Haysss wag ko nalang isipin Yun Di naman Yun importante.
Naglalakad ako ngayon dahil Wala naman akong pamasahe habang naglalakad ako may nakikita akong magjowa na nagdadate,naghoholding hands while walking ba yun pero Ang nakikita ko ngayon ay holding hands while kissing at tska holding hands while gapangan
Iniwas ko nalang Ang aking birheng Mata SA malalaswang tanawin
Nakalimutan ko pala araw ng mga puso ngayon Kaya sari saring pagmamahalan este paglalapangan sa paligid
Napahinto ako dahil may tumigil na tricycle na SA harapan ko
"magandang Umaga sayo aking irohhhgg"
"Ang baho ng hininga mo piding magsepilyo ka nga" Sabi ko habang takip takip Ang aking ilong sobrang baho kasi ng hininga niya tska Di yata to nagsisipilyo kakulay na ng ginto Ang ngipin Niya
"grahhbeehh kah naman sah ahkihn Shai" Sabi niya na abot Ang mabahong hininga SA aking harapan
"totoo naman Ang sinasabi ko eh tsk Bahala ka nga diyan may bibilhin pa ako"
inis na Sabi ko dahil nakakahilo Ang kanyang mabahong hininga
"tekah lahng Shai suhmahbay kah nah sah ahkihn tohtal pahpuntah nahman akoh sah pahlengkehh"
" Ang baho talaga ng hininga mo" pabulong Kong Sabi
" may sinasabi ka ba Shai"
" ahh Wala Sabi ko sige sasabay ako pero Wala akong pambayad hah" Ayan nagaya ko tuloy Yung pagsasalita Niya na laging may "h"
"anoh kah bah ohkay Lang yuhn nohh"
Hay kesa maglakad ako titiisin ko nalang Ang baho ng hininga ng katabi ko
Di na ako nagpatumpik tumpik pa at sumakay na ako Sayang din Ang opotunidad eh
Kung tinatanong niyo Kung Sino itong si piding ay siya Ang manliligaw ko sa aming Lugar SA totoo Lang may itsura siya ng konti, tae nga may itsura siya pa Kaya hehe Ang sama ko naman
"nanditoh nah Tayoh Shai" dahil SA sobrang panlalait ko Di ko na pala namalayan na nandito na kami sa palengke
"maraming salamat talaga piding ha Ang bait mo talaga"
"dagdag pogi points ako no" mahanging pagkakasabi Niya
Pogi daw tssskk
" alam mo palabiro ka talaga points Lang walang kasamang pogi heheh"
" Ang sama mo naman sakin eh tot-"
Pinutol ko na Ang sasabihin Niya dahil Wala na akong time eh
" ah sige una na ako hah meron pa akong bibilhin byyeee" patakbo na akong umalis doon baka Kung ano ano pa sabihin nun
Naghahanap ako ng murang manok na kalahati Lang pero wala akong makita. napunta na tuloy ako sa pinakadulo na tindahan
Ayun buti meron pang manok dito
"Ale magkano po kalahati nitong manok"
"ahh Ineng last na iyang paninda Kong Yan Kaya ididiscount na Lang Kita 90 pesos nalang para sayo iha" Sabi ni ateng tindera
" ahh sige po kukunin ko na"
Habang tinatadtad ni ale Ang manok nagpaalam muna ako na binibili muna ako ng sahog
"Ate magkano po itong patatas" tanong ko sa parang masungit na tindera
"60 kilo niyan" Sabi niya sabay irap ehh Kung hambalusin ko Kaya Ang malaclown niyang mukha tch kala mo aattend ng birthday party sa kapal mg mukha este make up
"ahh dalawang piraso Lang po" malumanay Kong Sabi kahit nakakainis na Ito
"oh Ito 17 pesos" masungit na Sabi niya
"tska po pala 5 pisong mantika at durog na paminta"
" oh Ito 25 lahat kasi tres Ang paminta"
sabay abot sakin ng mga binili ko
Bumalik ako Kay Ale para bayaran na Yung manok
"ahh ale Ito po pala Yung bayad SA manok" sabay abot SA kanya ng 100 pesos at sinuklian ako ng 10 pesos
Pagkatapos Kong bumili ay tiningnan mo muna Yung mga pinamili ko Kung Tama at Tama naman lahat
Di nalang ako nagtricycle dahil Mahal Ang bayad bibili pa ako ng itlog pangulam ko
Nakarating naman ako ng matiwasay SA bahay pero may narinig naman akong hagikgikan sa loob Sino Kaya yun
"tiyang Ito na po Ang pina-" nagulat ako SA aking nakita
Nanlalaki Ang Mata ko SA nakikita ko Anong ginagawa ng matandang Ito dito
" oh andiyan ka na pala Ang tagal mo Hala kausapin mo itong si Patricio at kanina ka pa hinahanap" kinuha na ni tiya Ang mga pinamili ko
Habang ako ay nandito parin SA aking kinakatayuan
"nandito ko na pala iha ano gusto mo ba ituloy-"
PAKKKK
" Ang lakas pa talaga ng loob mong pumunta dito pagkatapos mo akong pagtangkaang gahasain" gigil na gigil Kong Sabi
" anong nangyari dito Oh my Guds anong nangyari sa inyo Patricio bat kayo nakasalampak sa sahig" tarantang pagkakasabi no tiyang
Kala mo naman sobrang yaman Hindi m
naman
"anong ginawa mo Shai SA kanya"
"sinampal ko Lang naman siya ehh"
PAKKKKKKK
Nanlalaki Ang Mata ko habang hawak hawak ko Ang pisngi ko na sinampal ni tiyang
"bakit mo siya sinampal pano Kung di ka na pakasalan nito lalo na tayong Di umangat SA buhay" nanggagalaiting Sabi ni tiyang
anong Sabi niya papakasalan yang matandang Yan I'll better die than marrying that maniac oldman Yan tuloy lumalabas Ang talino ko tch
"ano pong ibig niyong sabihin"
"pinagkasundo na Kita dito Kay Patricio na ipakasal ka"
" ANOOOOO nasisiraan na ba kayo ng bait tiyang ipapakasal niyo ako sa manyak na iyan" galit na Sabi ko
Di ko na sasabihin ang pangyayaring Yun dahil masyadong nakakadiri Basta Ang nangyari ay minamanyak Niya ako
NAgulat yata si tiyang na sinigawan ko siya Di ko na kasi matiis Ang kabaliwan Niya
"wala ka nang magagawa-"
"meron Ang tumanggi Hindi kayo ako Kaya wala kayong pakialam Kung ano Ang gawin ko sa buhay ko lagi niyo na Lang inaalila na akala niyo Di niyo ako kamaganak na tunay na Kung ituring niyo parang ba-sa-han *hik* ni Hindi ko naramdaman na parte ako ng pamilya niyo" mahaba Kong salaysay habang pinupunasan ko Ang mga Luha ko
" marunong ka nang sumagot sagot sa akin ha Hala sige lumayas ka dito Di na Kita kailangan masyado Kang palamunin at pabigat
"Di niyo na kailangang sabihin pa dahil kusa ko na yang gagawin"
mabilisan akong umakyat at nagimpake ng mga damit at isinilid SA sira sira Kong bag at isinama Ang kakaunti kong pera
Pagkatapos ay nagsuot ako ng jacket dahil malamig sa labas
Dali Dali akong bumaba para umalis dito sa impyernong buhay at bahay na ito
"babalik ka din dito impakta ka at kakailanganin mo din Ang tulong ko"
Di ko na pinansin Ang sinasabi niya at Dali daling umalis dun dahil nandun parin Yung manyak na matanda dun
Di ko Alam Kung saan ako pupulutin nito paliko na Sana ako SA isang Kanto ng may humarang saking limang lalaki..