CHAPTER 8

3234 Words
Chapter 8: THE PAYMENT Naalimpungatan ako ng maramdaman ang marahang tapik sa aking braso. Pupungas-pungas akong umangat sa pagkakayuko mula sa tabi ng kama ni Mama. Kinusot ko ang mga mata ko at mahinang humigab. "Hija, pasensya na at ginising kita. Kanina pa kasi tumatawag sa'kin ang Tito mo, eh. Kailangan ko na talagang umuwi sa'min," pagpapaalam niya sa akin. "Okay lang po, Tita, mamaya pa naman po ulit ang alis ko. Hihintayin ko na din po munang dumating sina Mark para may magbantay kay Mama," saad ko at sumulyap kay Mama na natutulog pa din. Magaan ang kamay na inayos ko ang nagulong kumot kung saan ako yumuko at nakatulog kanina. "Salamat po sa pagbabantay kay Mama ngayong araw." "Alam mo na ba kung bakit inilipat ng kuwarto ang Mama mo?" Tita Lauren asked that made me stop. Biglang bumalik sa aking alaala ang biglaang pagtawag sa akin ni Mark habang umiiyak noong nakaraang araw. Sobrang takot ko nang araw na iyon dahil akala ko ay kung ano na'ng nangyaring masama kay Mama. Sobra ang pagdadasal ko noon habang nasa biyahe at halos umiyak na ako habang nagmamadaling pumasok sa loob ng hospital. Mabuti na lamang talaga at walang anumang masama ang nangyari at inilipat lang si Mama sa private wing ng hospital. Halos bumagsak ako noon nang makahinga ako ng maluwag dahil sa sobrang kaba. Natakot lang talaga siguro si Mark noon at nag-panic sa nangyayari kaya't agad niya akong tinawagan. Malaki ang bagong kuwarto ni Mama na halos triple sa dati niyang silid. It has its own bathroom, flat screen TV, refrigerator, couch and another extra bed. May nurse call system, radio and direct dial telephone at may free wifi din. Noong una ay naisip kong baka nagkamali lang sila ng inilipat na pasyente ngunit matapos ang tatlong araw ay wala paring kumakausap sa amin at nagpapaliwanag kung bakit inilipat dito si Mama. "H-Hindi pa po, Tita. Balak ko nga pong magtanong mamaya dahil baka po namali lang sila," I answered. Napakapit ako sa pantalon ko upang ihanda ang sarili ng makita ang malalim ng paghugot ng hininga ni Tita. Inilibot niya ang tingin sa paligid ng buong silid. "This room is too big, Aisha. I also talked to your mother's doctor and I found out that she really needs to undergo a surgery as soon as possible. But in the current state of your life, I know you can't afford everything you have to pay for here in the hospital. Huwag niyo nang hintayin pang mahuli ang lahat dahil habang tumatagal ay lalo lang manghihina si Ate," Tita Lauren tried to touch my hand ngunit agad ko iyong iniwas sa kanya. "I am here, Aisha. Handa akong tumulong sa inyo bilang kapatid ni ate Lories." "Salamat na lang po sa pag-aalok niyo ng tulong pero hindi ko po matatanggap iyan, Tita Lauren." Hirap akong napalunok dahil sa pakiramdam na may nakabara sa aking lalamunan. I took a deep breath before I continued, "Sapat na po ang pagbabantay niyo kay Mama bilang tulong sa sitwasyon namin ngayon. Lubos na po ang naitulong niyo at sobrang nagpapasalamat po ako lalo na at... ipinangako niyo sa aming hindi niyo babanggitin ang kalagayan ni Mama kay Doña Luisa." "Siyempre naman, hija, pamilya pa rin tayo kahit na ano'ng mangyari." She smiled. "At ang pamilya ay palaging nagtutulungan kahit na ano pa'ng mangyari. Let me help you, Aisha, especially my sister. Pinapangako kong walang malalaman si Mamá na kahit anong tungkol dito." Agad akong umiling sa sinabi niya. "Hindi na po, Tita. Ayaw ko po'ng suwayin si Mama. Kabilin-bilinan niya po sa aming magkakapatid na huwag tumanggap ng tulong o kahit na ano'ng bagay mula sa inyong mga..." Tumikhim ako. "Herrera. Sabihin niyo na pong mataas ang pride namin pero sigurado po akong mas gugustuhin pa ni Mama ang m-mamatay kaysa ang tumanggap ng kahit na ano'ng mula sa inyo," magalang na saad ko na may kaunting diin. "At sana din po ay huwag niyo na ng babanggitin pa ang bagay na ito kay Mama dahil sasama lang loob niya," I added. "Talaga? Kung ganoon ay sige. I will not force you but I hope you'll think about this carefully because no matter how hard you try to refuse my help, you know to yourself that you need it." She plastered a tender smile on her face that I almost believe that it's true. Kumuyom ang mga kamay kong nakapatong sa aking hita at pilit na kinalma ang aking sarili. "Hindi po namin ibibigay ang bahay at lupa, Tita. Alam kong may kapalit ang lahat ng ipinapakita niyo sa'min pero 'wag na kayong umasa." I gritted my teeth. "Nagpapasalamat po talaga ako pagbabantay niyo kay Mama pero sa tingin ko po ay kailangan niyo ng umalis.." "Hindi niyo na nga mabayaran ng maayos ang kuryente niyo at naka-sangla pa ang Café kaya paano niyo nagawang kumuha pa ng ganitong klase ng kuwarto sa ospital? Ang lakas lang ng loob niyo. Hindi niyo ito kakayanin ng walang kahit na anong tulong na hinihingi mula sa amin, tandaan mo 'yan." Her smile turned into smirk. "Matalino kang bata, Aisha. Sana mas gamitin mo ang utak mo ngayon." My jaw clenched as I tilted my head. I pressed my lips into a thin line. Sabi ko na nga ba. "Huwag mo na sanang hintayin pa'ng maubos ang lahat sa inyo bago kayo lumapit sa amin." She touched a few strands of my hair bago siya tuluyang lumabas ng silid. Napa-iling na lang ako at sunod-sunod na huminga ng malalim. Hindi ko lubos maisip na may ganoon kaming klase ng kamag-anak. Nakababatang kapatid siya ni Mama ngunit imbes na mag-alala siya sa kalagayan ngayon ng kaniyang kapatid ay ginawa pa niya itong opportunity para manipulahin kami. Hindi na nga kami naghahabol ng pamana sa amin ni Lolo, pati ba naman bahay namin ay nais pa nilang kuhanin sa amin? Napabuga ako ng hangin upang mapigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. I held Mama's right hand and looked at her peaceful face. She looks so pale at malaki na din ng ipinayat niya simula ng manatili siya dito sa hospital. "'Ma, pangako kong gagawin ko ang lahat para matuloy ang surgery mo. Hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa mga Herrera kahit na ano'ng mangyari kasi alam kong ayaw niyong magkaroon ng kahit na anong utang na loob sa kanila. Hintay ka lang muna, 'Ma, ha? Kaunting hintay lang at magiging maayos na din ang lahat." I sniffed and smiled. Hinalikan ko muna ang likod ng palad ni Mama bago punasan ang mga takas na luha sa aking mga mata. Nagpapasalamat talaga ako na tulog si Mama ngayon at hindi niya narinig ang mga pinagsasasabi ng sarili niyang kapatid dahil alam kong masasaktan lang siya at mabuti din dahil paniguradong hindi niya gugustuhing marinig ang mga sinabi ko. Ayaw niya kasing tinitingnan siya ng kahit na sino bilang mahina. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Nichol. Nakasuot siya earpiece at deritso lang na naupo sa sobrang kama na katapat ng kay Mama. Tumayo na ako mula sa silyang aking inuupuan at napag-desiyunang bumili na ng makakain para eksaktong dating ni Mark ay kakain na lang kami. "Nichol, ikaw na muna ang magbantay kay Mama. Bibili lang ako ng pagkain natin," I said. Nakatingin lang ako sa kanya at nag-iintay ng respond kung narinig ba nito ang sinabi ko. Akmang uulitin ko ang sasabihin ko ng tamad na tumingin siya sa akin at tumango. ---- Mabilis akong nakabili ng pagkain dahil may karinderyang malapit sa hospital. Naglalakad na ako pabalik sa silid ni Mama ng mamukhaan ang sekretarya ni Mr. Radcliffe na may kasabay na Doktor sa paglalakad. Abala sila at seryusong nag-uusap kaya't hindi ako nakita ng babae. At imbes na dumeritso ako sa paglalakad ay kumaliwa ako upang magtago habang nakasunod pa din ang tingin sa Doktor at sa sekretarya ni Mr. Radcliffe. I don't know why or who I am hiding. Basta bigla nalang akong kinabahan at naramdaman ko na lang na kailangan kong magtago. Pero bakit nga ba nandito ang sekretarya ni Mr. Radcliffe? Is it possible that he's here too? Pero posible din namang may ibang sadya ang sekretary niya kaya siya nandito, 'di ba? Napatango ako at kumalma na ng malampasan na ng dalawa ang daan patungo sa kuwarto ni Mama. Napahawak ako sa batok ko ng may maramdamang pamilyar. "Who are you hiding from?" Literal akong napatalon sa gulat sa baritonong boses na biglang nagsalita mula sa aking likuran. Mariin akong napapikit at napahawak sa tapat ng aking dibdib dahil sa biglang pagbilis ng t***k nito. Kunot-noong lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. My jaw almost dropped and my whole face turned bright red when I recognized who it was. "M...M-Mr. Radcliffe!" I gasped. At kagaya ng normal na araw tuwing nakakita ko siya ay nakasuot na naman siya ng itim na suit. But he never fails to amaze me. He really looks good on his black suit that matches his cold eyes and stoic face. I suddenly wondered kung ngumingiti ba siya, 'yong genuine at hindi pilit at bastang ngisi lang. "Are you hiding from me?" His eyes narrowed while looking down at me. "You seems scared." And suddenly, what happened days ago creeps into my mind. Ilang gabi ko ding napapanaginipan ang nangyayari noong araw na iyon. Pero sa panaginip ko ay hindi ako nakakaramdam ng takot o ano mang pandidiri bagkos ay kakaibang klase ng gutom ang nararamdaman ko. I bit my lower lip when I felt something on my throat. "H-hindi. Nagulat lang ako at... at nandito ka. Ang buong akala ko kasi ay hindi na tuloy ang d-deal natin," I said in a small panicky voice. "Our deal goes on, you've already signed the contract so there is no turning back. I just have something important to deal with in Singapore first," he answered using his baritone voice. I lowered my head when he tilted his head and stare at me with his cold and deep set of eyes. Flush creeps across my cheeks. Halos makahinga ako ng maluwag ng maramdamang umalis ang tingin niya sa akin. "Ate?" I heard Mark's voice from my back. His forehead was creased when I turned to him but immediately changed into a wide smile when he confirmed that it was really me. "Ate!" masayang saad niya at lumapit sa akin upang salubungin ako ng mahigpit na yakap na tila ba natutuwa siyang makita ako. Naguguluhan man sa kanyang ginawa ay yumakap pa din ako pabalik sa kanya. Bumitaw lang sa akin si Mark when we heard someone clearing his throat. Nagtatakang bumaling siya lalaking nasa harapan namin si Mark bago tumingin sa akin ng may pagtatanong sa kanyang mga mata. "I'll wait for you at the parking lot," Mr. Radcliffe said on his monotone voice. "S-sige," I answered while nodding my head. Mr. Radcliffe glanced at Mark and slightly nodded at him before he started walking away from us. Tila nabunutan ako ng kalahating tinik sa aking lalamunan ng tuluyan na siyang mawala sa aking paningin. He's just too much for me to handle. Parang habang tumatagal ay palakas ng palakas ang epekto niya sa akin. "Sino 'yon, Ate?" Mark asked with curiosity on his voice. "S-sino?" wala sa sariling tanong ko. "Ganiyan ka po pala kapag nakakakita ng pogi?" I heard him said with a tone of teasing kaya agad akong pinamulahan. "H-ha? Hindi! Boss ko ko 'yon! Ano ba 'yang sinasabi mo?" I exclaimed as I tried so hard not to stutter. "Huh? Akala ko po chinese boss mo, Ate? Mukha naman pong kano 'yon, eh," Mark pointed out. Naglumikot ang mata ko sa paligid na tila naghahanap din ng kasagutan sa kaniyang tanong. Pinigilan ko ang kamay kong kumamot sa gilid ng aking noo dahil alam kong alam niyang ginagawa ko lang iyon tuwing kinakabahan o nagsisinungaling ako. I gulped. "B-bagong boss ko s-sa... sa bagong trabaho ko." Mark tilted his head. "Ano po ba'ng bagong trabaho mo?" Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi sa kawalan ng sasabihin. Bakit ba kasi kailangan pa niyang makitang kausap ko si Mr. Radcliffe? 'Yan tuloy ay ginigisa niya ako ng tanong. I inhaled frustratingly. "Bakit ba ang dami mong tanong, ha!? Kailan ka pa naging tsismoso?" "Wala, Ate, curious lang po ako. Masyado ka po kasing kinakabahan," he answered chuckling before he added, "Nga pala, Ate, may good news ako!" "Oh, talaga? Ano 'yon?" I immediately asked to change our topic. "Hulaan mo." He grins that made my brow arched. "Sabihin mo na. Dami mo pang alam na pauso, eh!" Pabirong sumimangot ako dahilan para matawa siya. "Scholar na ako!" sigaw niya habang ang kamay ay nakataas sa hangin. "S-scholar?" I mumbled with my eyes popping out. "Opo!" he proudly noodded. My brows furrowed immediately as my nose crinkled. "Hi...Hindi sila basta-bastang n-namimigay ng scholarship pa-paanong... p-papaanong..." I am lost of words because of my shock. Hindi ko na nga halos matapos ang salitang nais kong sabihin dahil sa kanyang ibinalita. "Hindi ko din po alam, Ate. Basta kaninang umaga pinatawag ako sa Principal's office. Akala ko may nagawa ako o maniningil na naman ng tuition fee, pero hindi! Nakilala ko ng personal si Mr. Stryker, Ate, iyong may ari ng University!" nanlalaki ang mga matang saad niya. "Tapos... tapos nag-offer siya sa akin ng scholarship. Libre na daw ako sa lahat hanggang sa makapagtapos ako kapag pumayag ako basta daw ay medisina ang kukuhanin ko." He gigled and clapped his hands together. "Hindi mo na kailangan pang isipin ang tuition fee ko at mga kailangang bayaran sa university, Ate! Ang kailangan na lang gawin ay ang mag-aral ako ng mas mabuti pa! Ang suwerte ko, Ate!" He beamed in happiness. Halata ang kasiyahan at excitement sa buong mukha niya ngunit hindi nawala ang pagkakakunot ng noo ko. I just can't really believe what he said because it's so impossible. Mga sobrang matatalinong tao at gifted lang ang binibigyan ng University ng scholarship k-kaya imposible. Hindi naman sa hindi matalino si Mark pero mga may kakaibang klase ng talino at husay lang ang binibigyan nila nang ganitong klase ng opurtunidad. Mga tipong papantayan na si Einstein sa taas ng IQ at kasing galing ni Bo Jackson at Michael Jordan pagdating sa sports. "Maganda ngang balita 'yan pero ang tanong ay gusto mo ba'ng maging doctor? Dahil kung hindi ay tanggihan mo na iyan. Ayos lang naman sa akin na mahirapan ako, Mark, huwag mo akong isipin dahil gusto kong matupad mo ang mga pangarap mo," I said as I maintain the eye contact between us. I what him to be honest with me. "Opo, Ate. Gusto ko pong maging doktor." He smiled with his eyes and mouth dahilan para makahinga ako ng maluwag. I really appreciate na iniisip niya ako at gusto niya akong tulungan pero mas gusto kong maging masaya sila at matupad nila ni Nichol ang pangarap nila dahil alam kong iyon din ang gusto ni Mama para sa kanilang dalawa. "Gusto kong tumulong sa mga taong may sakit na tulad ng kay Mama. Alam ko kasi, Ate, kung gaano kasakit para sa isang anak ang makitang nahihirapan na ang magulang niya ng dahil sa cancer. Gusto ko silang bigyan ng lakas at pag-asa. Gusto ko... gusto ko silang alagaan at pagalingin gaya ng kung gaano ko kagustong alagaan at pagalingin si Mama," he added. I bowed my head to hide my teary eyes from him. "T-talaga? Mabuti naman kung ganoon." I messed up his hair and forced a smile. "Kaya, ikaw, dapat mag-aral ka ng mabuti para matulungan mo sila pagdating ng panahon. Ang ganitong klase ng opurnity ay hindi dapat sinasayang, okay?" "Oo, naman, Ate. Pinapangako kong mas gagalingan ko pa sa school para sa inyo, kay Nichol, kay Mama at lalo na para sa 'yo. Para 'di masayang ang lahat ng sakripisyo at paghihirap mo para sa amin, mas gagalingan ko pa. Hinding-hindi ko kayo bibiguin," he assured and pushed his chest out while his fist in the air. "Napakalaking opurtunidad nito para sa akin. Pangarap ito ng maraming kaabataan at ngayong nasa harapan ko na ay hinding-hindi ko na ito papalagpasin pa. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging deserving ako!" "Dapat lang." I chuckled. I bit my cheeks inside and fixed my gaze. "Mark, nandoon na si Nichol sa loob. Kayo na muna ang bahala kay Mama, ha. Nasa labas kasi ang b-boss ko at k-kailangan pa naming mag-usap t-tungkol sa t-trabaho." "Ganoon po ba? Sige po. Gusto ko na din itong ibalita kina Mama at Nichol, siguradong matutuwa sila!" He nodded excitedly. Ibinigay ko na sa kanya ang binili kong pagkain at pinauna siyang maglakad bago ako umalis sa puwesto ko. I went down to the parking lot and after a few minutes of searching, I found Mr. Radcliffe leaning against his car. He was staring at the floor while tapping his shoes. Bumagal ang paglalakad ko habang papalapit ako sa kanyang puwesto. Nahigit ko ang aking hininga habang pinagmamasdan ang inosente niyang mga mata na ngayon ko lang nalamang tinataglay niya. He looks like he's in deep thoughts. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? I cleared my throat to get his attention. His innocent eyes turned blank in an instant. His head slowly turn to me. Umalis siya sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan at umayos ng tayo. He stepped closer to me "Come with me," he muttered with his guttural voice. "H-Ha?" wala sa sarili sambit ko dahil sa pagkabigla sa kanya. "My Secretary is talking to the hospital owner right now for your Mother's surgery, as we have agreed. I promise you the best neurosurgeon this country can offer." Napayuko ako at napapikit ng makaramdam ng kaginhawahan dahil sa sinabi niya. I suddenly thought that it might not be a coincidence that he showed up today and suddenly Mark received a scholarship since that school is well known and doesn't just give scholarships to anyone. "'Yong scholarship ni Mark..." I paused. "Ikaw ba ang may gawa niyon?" "Yes." Hinawi ni Mr. Radcliffe ang mga buhok kong nakalagay sa aking balikat at inilagay iyon sa likuran. Sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. "P-pero sobra na iyon..." my voice weakened. "There is nothing too-much at what I did because that's what is in the contract you signed." My heart beat faster when I saw him staring openly at my neck as if something special was there. I bit my lower lip when I saw his eyes was shaded with a different kind of glint. "Don't worry. I don't do things for free... " Hindi ko siya napigilan ng bumaba ang kanyang mukha patungo sa aking leeg. My lips parted at the anticipation. "'Cause you're the payment," he whispered against my skin. Pinigilan kong mapaungol ng dampian niya ng maliliit na halik ang sensitobong parte ng aking leeg. Wala sa sariling akong tumingala upang bigyan siya ng access. Humawak ako sa dulo ng coat niya upang may makapitan ako at mukuhanan ng lakas dahil sa labis na panghihina. I almost groaned when he suddenly pulled away. Nakita ko ang multong ngisi sa labi niya dahil sa naging reaksyon ko. "Now, come with me and do what you have to do," he ordered. My eyes followed the way his tounge licked his lower lip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD