"Na-expelled ka ulit?" Mom asked disappointed.
Nadisappoint din tuloy ako sa sarili ko. Pinipilit ko namang lumayo sa g**o. Kasalanan ko bang ito ang lumalapit sa'kin?
"Sorry mom." Nakayukong sabi ko.
"Anong dahilan?" Tanong ni papa.
"Napa-away po ako pero hindi naman ako ang nag simula. Pinalibutan nila ako, muntik pa akong masaksak mabuti nalang at may special ability ako," paliwanag ko.
"Masaksak?!" Gulat na tanong nila.
Ilang beses na akong nae-expelled at pare-parehas lang ang rason pero hindi pa naman umabot sa puntong papatayin ako.
"Mabuti nalang at wala ka na sa school na yun. Itsura palang ng mga students alam ko ng tarantado sila," galit na ani ni papa. "Sa lagay ng record mo nak, baka wala ng school ang tumanggap sayo. Mabuti pa siguro dalhin ka na namin sa--" Napahinto si papa nang mag salita si mom. "Ano bang sinasabi mo? Mas delikado dun."
"Ilang dekada na ang nakalipas. Siguro naman ay may mas malakas na kaysa sa kakayahan niya," sagot ni papa.
"Hindi nga natin alam kung anong nangyayari dun."
"Mas delikado siya dito, malapit ng lumabas ang kakayahan niya. Paano kung napakalakas nito? Alam mo ba kung ano ang gagawin nila kay Briella?"
Naka-kunot lang ang noo ko habang nakikinig sa pagtatalo ng parents ko. Ano bang kakayahan ko? Engkanto ba ako or something?
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni mama?"
Mama? Edi si lola? Sabagay si lola ang laging nagsa-sabi about sa kakayahan thingy and ibang mundo daw na hindi ko naman maintindihan. Kahit bago siya mamatay ay yun ang sinasabi niya.
"Pero sinabi rin ni mama na kailangan si Briella dun. Nakalimutan mo na ba ang nakita niya?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni papa. Nakita? Anong nakita?
Natahimik si mom dahil sa sinabi ni papa.
"It's time. Doon naman talaga sya nabibilang," papa added.
"Saan ako nabibilang? Anong kakayahan? Anong nakita ni lola?" Sunod-sunod na tanong ko kaya napatingin silang dalawa sa'kin.
"Iayos mo ang gamit mo anak. Sa boarding school ka na mag-aaral." Nagulat ako sa sinabi ni mom.
Kanina lang nagtatalo sila tapos ngayon ipapadala ako sa boarding school?!
Ang dami kong tanong pero hindi na nila sinagot kaya sinunod ko nalang ang gusto nila.
"Siguro naman bukas sasagutin na nila ang mga tanong ko," bulong ko sa sarili ko bago pumikit at natulog.
"El."
Pagdilat ko nasa ibang lugar na ako.
Wtf? Nasa kwarto ako kanina, ah? Paano ako napunta dito? Na-kidnap ba ako habang tulog ako? Binuhat ako ni papa? Pero imposibleng hindi ako magising dahil...
"El."
Lumingon ako sa paligid ko nang marinig kong may tumawag sa'kin pero wala naman akong nakitang ibang tao bukod sa'kin.
Teka-- Nasan ako?! Bakit muka akong nasa palasyo?
"El, dito."
Saang dito?
Hinanap ko ang pinagmu-mulan ng boses.
"El."
"Sino ka?!" Sigaw ko pero wala akong narinig na sagot. Nag echo ang boses ko sa buong lugar kaya medyo kinilabutan ako.
"Tulungan mo ko."
Ayun na naman!
Mabilis akong naglakad kung saan ko naririnig ang boses na tumatawag at nanghihingi ng tulong sa'kin. Mabuti nalang at may special ability ako.
Nakarating ako sa dulong bahagi ng mansion o palasyo-- Hindi ko naman kasi alam kung nasaan ako. Mabilis kong binuksan ang pintuan pero hagdan ang bumungad sa'kin. Hindi na ako nag dalawang isip. Bumaba na agad ako para tulungan ang babaeng tumatawag sa pangalan ko.
Napatigil ako nang makitang parang kulungan ata tong napuntahan ko. Nasaan ba talaga ako? Bakit may kulungan dito?
"May tao ba dito!" Malakas na sigaw ko.
"El." Mahina ang boses na narinig ko pero dahil malakas ang pandinig ko ay narinig ko parin ito at nanggagaling ito sa pinaka-dulong selda.
Tumakbo ako papunta dito at isang babae ang nakita ko. Ang babaeng ilang araw ng nagpapakita sa panaginip ko.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang alarm clock ko.
Panaginip na naman pala.
Sino kaya yun? Bakit siya lagi ang panaginip ko? Bakit lagi siyang nanghihingi ng tulong sa'kin!
___
Habang papunta kami sa bago kong school binabasa ko ang binigay nilang envelope sa'kin.
Zeraph Academy
Yan ang nakalagay sa unahan ng papel na nasa loob ng envelope para itong invitation-- ay hindi parang! Dahil invitation talaga siya.
Ang sabi sa letter ay invited daw ako sa school nila. Nakalagay pa ang pangalan ko sa letter. Bukod sa letter ay may map rin kung saan ko mahahanap ang school. Map talaga eh, no? Hindi ba uso gps sa school na to?
"We're here." Napatingin ako sa labas ng huminto ang kotse na sinasakyan namin.
"Ha? Anong we're here eh gubat to, pa? Nawawala tayo?" Takang tanong ko.
"Hindi anak. Dito na ang school mo," si mom ang sumagot.
"Dito? Saan?" Nagpalinga linga ako pero wala naman akong nakitang school.
"Sa gubat anak, kailangan mong pumasok diyan," papa answered.
Napa-oh ako sa sinabi niya. Siguro nasa gitna ng gubat ang school. Ang weird naman!
"Anak, may ipapaalala lang kami sayo bago ka umalis. Lagi mong tatandaan ang mga bilin na to. Matagal na itong sinasabi ng lola mo. Espesyal na bata ka Briella at hindi ka lang isang normal na tao kaya piliin mo kung sino ang mga pagkakatiwalaan mo sa bagong school na papasukan mo. Pwede ka nilang gamitin o kaya ilagay sa kapahamakan lalo na kapag nalaman nila ang kakayahan mo kaya itago mo ito," mahabang paalala ni mama sa'kin.
She sounds like lola dahil sa mga sinasabi niya.
"Anak, tatandaan mo. Hindi mo ipapakita sa kanila ang kakayahan mo maliwanag?" Papa asked.
"Opo," sagot ko kahit hindi ko naman sila maintindihan.
"Sige na, bumaba na tayo," mom said.
Bumaba kami at binuhat ko ang backpack ko na naglalaman ng gamit ko. Damit at mga importanteng bagay lang ang pinadala nila mom sa'kin dahil yun lang daw ang kailangan ko kaya ang dala ko lang ay backpack at shoulder bag.
"Hanggang dito na lang kami," ani ni papa na huminto sa b****a ng gubat.
Eh? Bawal ihatid hanggang sa loob ng school? Ang weird talaga ng school na to ah.
Hindi na ako nagtanong dahil baka strict lang talaga ang school. Niyakap ko si mama at papa. Mga ilang minuto kaming nagyakapan bago ako bumitaw. Gusto kong umiyak sa harapan nila pero hindi ko ginawa. Mami-miss ko sila dahil for sure tuwing holiday lang ako makaka uwi.
"Mag-iingat po kayo dito," ani ko sa mga magulang ko.
"Ikaw ang mag-ingat anak, maraming mangyayari sa bagong school mo," papa replied.
Hay! Eto na naman sila sa mga bilin nilang nakakalito. Ano ba tong school ko? School ng mga kriminal?
"Pwede po ba kayong bumisita sa school?" I asked.
"Hindi anak, hindi kami makakapasok," may halong lungkot sa tono ng boses ni mom.
"Ako nalang po ang bibisita sa inyo," I smiled. Kung kailangan kong tumakas, tatakas ako maka-uwi lang.
Nagulat ako nang biglang maiyak si mom at yakapin ako. Naiyak nadin ako dahil kahinaan ko talaga ang parents ko. Wala naman kasi akong ibang kasama kundi sila lang dahil special nga ako. Mahirap makipag kaibigan lalo na nung bata ako dahil may mga bagay akong hindi ko pa kayang kontrolin.
Yumakap narin si papa samin at hinagod-hagod ang likod naming dalawa.
Ilang minuto kaming umiyak bago magtawanan. Diba parang mga baliw.
"Bago ka umalis mangako ka samin ng papa mo," ani ni mom bago kumalas sa pagkakayakap sakin.
"Ano po?" Pinunasan ko ang pisngi ko.
"Babalik ka dito ng buhay."
Natigilan ako sa sinabi niya. Saan ba talaga ako papasok?! Bakit ganito ang sinasabi nila!
"Saan ba ako papasok," nakasimangot na sabi ko sa seryosong muka nila.
"Basta mangako ka anak," papa said.
"O-opo," sagot ko nalang para naman mapanatag sila.
"Sige na, lakad na. Baka magbago pa ang isip ko," pagpapa-alis ni mom sa'kin.
Tumango ako at kumaway. "Bye!"
Tumalikod ako at naglakad na pero nakakailang hakbang palang ako ay nakaramdam nako ng kakaiba sa paligid ko. Bumigat ang hakbang ko at nagsimula akong mahilo.
Lumingon ako sa parents ko pero wrong move dahil mas lalo lang akong nahilo. Nagsimulang mag doble ang paningin ko.
I open my mouth but no voice came out. I want to shout for help.
Napaluhod ako at ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay ay ang muka nila mom and papa na umiiyak.