Nagpapalakad-lakad si Liam ng pabalikbalik sa kwartong kinaroroonan. Kinakabahan siya at nanlalamig ang kanyang boses katawan. Ngayon kasi ang araw nang kasal nila ng pinakamamahal na asawa. Kagabi niya pa ito hindi nakikita dahil sa tradisyon na 'yan. "Isang ikot pa Liam, babatukan na kita diyan." Pananakot ni Enan sa manugang. "Umupo ka nga muna dito. Parang malapit ka nang matae diyan." Hinilamos ni Liam ang mga palad saka umupo, "kinakabahan lang ako, 'Tay. Natatakot akong baka hindi ako siputin ni Celine sa simbahan." Kabadong Ani Liam. Kagabi pa siya kinakabahan. Mas lumala yata ngayon. Parang nanlalamig ang buong kalamnan niya. Hindi siya mapakali. Kinukumbensi niya ang sarili na sisiputin siya ni Celine sa simbahan pero hindi niya maiwasan na matakot. Malakas na tumawa si Ma

