Pauwi na si Celine galing construction site kung saan nagta-trabaho ang kanyang tatay. Dinalhan niya kasi ito ng tanghalian dahil nakalimutan nitong dalhin kaninang umaga bago ito umalis. Hindi naman gaanong malayo ang site sa bahay nila kaya nilakad niya lang iyon. Exercise na din para sa kanya.
Hindi naman gaano katirik ang araw kahit alas-onse na nang-umaga. Malayo pa lang si Celine ay kitang-kita niya na ang mga marites sa kanilang baranggay na nagkukumpulan sa harap ng tindahan ni Ate Nena. Katapat lang kasi ng tindahan ang bahay nila kaya gustuhin niya mang iwasan ang mga chismosa ay wala talaga siyang takas.
Huminga siya ng malalim at hinanda ang sarili. Alam niyang siya ang inaabangan ng mga ito na dumaan doon para kutyain at pahiyain lang. Ganon naman sila palagi.
"Uy, nandito na ang inosente kuno pero kering-keng naman." Pangunguna ni Aling Jenna. Ang leader ng mga marites sa baranggay.
"Mukhang anghel lang ang mukha pero nasa loob naman ang kulo." Segunda ni aling Lisa.
"Bumukaka kasi kaagad. Hindi manlang inisip tatay niyang nagkanda kuba-kuba na sa construction para lang iahon sa hirap ang anak na walang ginawa kundi ang bumukaka lang at magpasarap sa maynila." Pagpaparinig naman ng isa pang marites na si Grace.
"Ganyan kasi kapag walang nanay. Hindi nababantayan kaya napapariwara." Si Aling Violeta, may hawak pa itong bigas na nakasupot.
"Kaya nga," sang-ayon ni aling Jenna. "Wala na ngang nanay, disgrasyada pa."
Doon lang nagpantig ang tenga ni Celine. Kaya niyang sikmurain kung ano mang masasamang salita ang ibato sa kanya pero hindi niya mapapalampas kapag nadawit na ang magulang niya, lalong-lalo na ang Ina.
"Huwag niya ho'ng dinadawit dito ang nanay ko." Palaban na buwelta ni Celine. "Huwag po buhay ko ang bantayan niyo kundi mga anak niyo." Ani niya pa. "Hindi ko naman pinag chismisan ang mga anak niyo na high school palang may-anak na."
"Aba! Wala talagang respeto sa nakakatanda. Talagang walang modo." Tinuro-turo pa talaga siya ni aling Jenna.
Totoo naman kasi ang sinabi niya. Ang anak ni Aling Jenna na si Jenny ay high school palang nang nagbuntis ito. Ngayon nasa grade 11 na ito at isang taon gulang na din ang anak.
"Yung respeto po ay para lang sa mga taong karespe-respeto. Hindi ho yun para sayo." Sagot niya. "Hindi po lahat ng mga matatanda ay kailangan respetuhin. Tulad niyo po."
Tumalim naman ang mga mata ni aling Jenna. Tanda na inis ito sa sinabi niya. Akmang susugurin niya nito ng sawayin siya ni Aling Nena, ang may-ari ng tindahan.
"Huwag mong ituloy yang binabalak mo, Jenna. Alam mo kung anong kayang gawin ni Enan kapag sinaktan mo yang anak niya." Saway ni Ate Nena. Kababa palang nito galing tricycle at buhat pa nito ang mga pinamalengke. "Ikaw itong nagsisumula pero ikaw naman ang pikon... Mag si alis na kayo sa harap tindahan ko, tinataboy niya ang swerte."
Umirap naman si Aling Jenna. Magaling lang talaga ito pagdating sa salita pero tiklop naman kapag pinatulan.
"Tara na kayo," tawag nito sa mga katulad niyang marites, bago tumingin sa kanya sa galit na paraan. "Disgrasyada!" Anito saka tumalikod kasama ang mga alipores.
Bumuntong hininga si Ate Nena saka umiling, "Wala na talagang pag-asa ang mga 'yun.... Paspasensyahan mo nalang, Celine. Mga inggit lang 'yun sayo."
Si Ate Nena ay kaibigan ng kanyang yumaong nanay kaya naman malapit ang loob niya dito. Yun sa kwento ng tatay niya. Hindi naman kasi niya naabutan ang kanyang nanay. Namatay kasi ito noong pinanganak siya. Ito kasi ang nag-aalaga ka kanya dati noong bata pa siya tuwing nasa trabaho ang tatay.
"Sanay na po ako sa mga 'yun. Ako pa naman ang pulutan araw-araw." Sabay na natawa si Celine at Nena.
"Tulungan mo nga ako dito saglit, Beng." Marahan na pakiusapan ni ate Nena. "Mga magagaan lang ang dalhin mo ha at huwag ang mga mabibigat. Si tamtam na ang bahala diyan. At tsaka bumili ako ng mangga. Nasabi kasi ni Enan na gusto mo raw kumain nu'n."
Nakangiti ang dalaga habang sumusunod kay Nena. Masaya ito dahil makakakain na din ito ng mga. Celine has been craving manggo. At dahil hindi naman season ng mangga ngayon sa palengke lang makakabili nu'n.
"Salamat po dito sa mangga ate Nena." Masayang pagpapasalamat ng dalaga. Bitbit na nito ang supot ng mangga.
"Naku, walang anuman." Tugon ni Nena. "Nga pala, nasabi doon sa baranggay hall kanina na may pre-natal daw bukas. Nabalitan mo na ba?"
Tumango ang dalaga. "Opo. Sinabihan po ako ni tatay kahapon. "
"Sige, umuwi kana at magpahinga. Masama sa buntis ang magpagod ng sobra."
"Salamat po ulit sa mangga."
Pagka-uwi niya ng bahay ay agad niyang nilantakan ang mangga na bigay ng ate Nena niya. Magkasama din itong bangoong kaya sobrang saya niya.
Celine is currently three months pregnant. It was hard for her, of course. Mahirap dahil bata pa siya. Teenage pregnancy, they say. She just turned twenty years old months ago.
Pero kahit mahirap ang sitwasyon niya, hindi niya naisipan na ipalalag ang bata sa sinapupunan niya. Kahit pa naging ganito ang kinahantungan niya ay hindi siya pinagalitan ng tatay niya. It was actually her father who convince her to take care of the child. Her father just asked her what happened. Ikwenento niya lahat ng detalye sa gabing iyon. Kasama na ang panloloko ng boyfriend niya kasama ang pinsan niya.
Walang sinabi ang tatay niya tungkol doon. Pero nangako at tatay na pagtutulungan nilang buhayin ang bata sa sinapupunan niya kahit pa magkanda kuba-kuba pa daw siya. Celine was really lucky to have her tatay. I may lacked with luxury but her tatay's loves payed it all. Walang tutumbas sa pagmamahal ng magulang kahut pa ang pinakamahal na diyamante sa mundo.
Hindi niya akalain na sa isang gabing pagkakamali ay magbubunga iyon. The night she gave her virginity to some stranger she just met randomly at the club. Dahil sa kalasingan ay nawala siya sa tamang huwisyo. She just think was her bleeding ang shattered heart. All her senses just came to her when morning comes. Sa sobrang takot niya noong araw na 'yun ay tumakbo siya. Sino ba naman ang hindi matatakot kung magigising ka nalang isang umaga na may katabi kang lalaki na hubo't hubad pa.
Kung hindi lang sana siya niloko ng boyfriend niya noon ay hindi sana siya hahantong sa ganito. Kung hindi lang siya naglasing sana nag-aaral pa siya ngayon. But no matter how her what if's are, she didn't regret one bit.
Nanghihinayang lang pero wala siyang pinagsisisihan.
She knows her mistakes. Alam niyang mali siya. Naging pabaya siya. Sa murang edad ay buntis siya imbes na mag-aral para makatulong sa magulang. Ito din ang rason kung bakit niya hinahayaan na kutyain siya ng mga marites gang. It's for her ease the guilt she's been carrying.
That, she promise to herself. Oras na naka graduate ako, bibigyan niya ng magandang buhay ang tatay. Iyong hindi na nito kailangan magtrabaho sa construction site para lang may maipakain at matustusan lang ang mga kailangan niya.
Celine unconsciously rubbed her belly, still eating a manggo.
"Paano kaya kung magkita ulit kami ng tatay mo anak?" Wala sa sariling sabi niya, "tatanggapin ka kaya niya? Aakuin niya ba ang responsibilidad niya?"
"Alam mo ate beng, malapit kanang ma mental. Kunakausap mo na po ang sarili mo."
Muntik nang mabitawan ni Celine ang mangga na hawak dahil sa gulat.
"Tamtam!" She shouted because of the sudden voice that appears from no where. "bakit ka naman sumusulpot bigla. Muntik na akong maihi dahil sa gulat!"
Si Tamtam ang bunsong anak ng ate Nena niya. Katulad din ni Ate Nena ay Beng din ang tawag nila sa kanya. Kung saan nila nakuha ang palayaw na 'yun, ay hindi niya alam.
Tinawanan lang siya ni Tamtam. Nawawala pa ang mga mata nito sa pagtawa.
"Ang epic ng mukha mo ate beng," tawa nito. "Ang panget tingnan."
Inirapan niya ang bata. Tamtam was only nine years old. "Bakit kaba nandito? Trespassing ka ha." Pabirong pagtataray niya
Umupo sa tabi niya ang bata. "Kanina pa kaya ako tawag nang tawag sayo hindi ka naman sumasagot. Kaya sabi ni nanay na pasok nalang daw ako baka daw kasi may ginagawa ka kaya hindi mo rinig ang pagtawag ko."
"Ano ba ang kailangan mo?"
Tamtam smile cheekily, "mag papatulong ako sa assignment ko. English kasi kaya sabi ni mama sayo na ako magpatulong."
Kinurot ni Celine ang matambok na pisngi ni bata.
"Walang libre ngayon, lahat may bayad." Biro niya dito. Palagi kasing magpapatulong si Tamtam sa kanya sa mga assignments nito.
"Sasamahan po kita bukas sa plasa para sa prenatal niyo po. Wala naman akong klase bukas. Tapos bibilhan din po kita ng taho. Binigyan kasi ako ni ate Tanya ng pera kahapon bago umalis."
Umakto siya na parang napipilitan. "Sige na nga..."
"Yehey!" Galak na sigaw nito. "Pero isang cup lang ng taho ate Beng ha. Tag-isa lang tayo."
Tumawa siya, "Binibiro lang kita. Ano ba ang assignment mo?"
"Ito po," ipinakita nito ang notebook.
"Ah, madali lang naman pala. Ganito lang 'yan..." Aniya at sinimulan turuan ang bata. Hindi siya mismo ang sumasagot sa assignment nito, tinuturan niya lang. Madali lang naman turuan si Tamtam kaya hindi siya nahirapan sa pag explain.
"Madali lang talaga ate beng ang mga assignment ko kapag ikaw ang nagtuturo. Kapag si ma'am kasi hindi ko maintindihan. Buti nalang hindi kana bumalik sa maynila."
"Hindi ka kasi nakikinig sa teacher mo kaya hindi mo naiintindihan."
"Nakikinig po ako ha," depensa naman agad nito. "Hindi ko lang talaga naiintindihan si ma'am. Mabilis kasi mag salita. Napaka judgemental mo talaga kahit kailan, ate Beng."
"Sinasabi ko lang naman ang totoo."
"Hindi kaya totoo sinasabi mo. Nakikinig kaya ako Kay teacher. Wala lang talaga pumapasok sa utak ko." Nakanguso na saad ni Tamtam. "Sana ikaw nalang teacher ko ate Beng. Ang galing mong magturo, e."
Pinisil ng dalaga ang pisngi ng bata, "Sus, idol mo na naman ako."
"Yuck, pangarap," sabi pa nito ma ikinatawa niya. "Alis na ako ate Beng, baka tangayin pa ako ng hangin dito."
Tumawa lang ang dalaga habang pinapanood ang bata na tumakbo pa labas ng bahay nila dala-dala ang notebook nito.
"Huwag kang tumakbo ng mabilis baka madapa ka!" Paalala niya sa bata.
"Opo, salamat sa assignment ko." Sigaw din nito pabalik dahil medyo nakakalayo na ito.
Celine laughed again and continue her mukbang session that being interrupted earlier.
She bite the last piece of manggo, "Hmmm, cravings satisfied..."