Sa mga nagdaang araw pa weird nang pa weird ang tatay niya at si Liam. Hindi talaga alam ni Celine kung bakit parang may tinatago ang dalawa sa kanya. Minsan na aabutan niya ang dalawa na nag-uusap pero kapag dumadating siya biglang nalang tatahimik ang mga ito. Klaro din sa mga kilos nito na may tinatago talaga. "Bakit ba kayo nagbubulungan diyan? Kanina pa kayo nag-uusap ng patago." Usisa ni Celine sa dalawang baliw na palihim na nag-uusap. Nasa likod bahay sila ngayon at nakatambay lang. Nagagawa kasi si Liam ng maliit na tree house sa likod bahay nila. Maganda ang view at mahangin doon kaya naman doon sila namamalagi tuwing umaga. Ngumiti lang sa kanya si Liam. Yung ngiti na parang nagsasabi na 'huwag mo akong pagalitan'. Ganon ang tipo nang ngiti ni Liam ngayon. "Wala 'to. Sekre

