"Hindi mo ba talaga kakausapin si Liam, anak? Kanina pa 'yun sa labas na nakaluhod. Hindi mo ba talaga lalabasin?" Ani Enan sa anak. Nag-aalala siya para sa binata. Tatlong araw nang pabalikbalik ang binata sa bahay nila para humingi ng tawad pero matigas talaga itong anak niya. "Hayaan mo siya doon, Tay." Sagot ni Celine habang isinasayaw ang anak. Nasa sala sila ngayon, nanonood ng balita. "Hindi kaba nag-aalala sa binatang iyon?" pabalikbalik ang sulyap ni Enan sa anak at sa binatang naka luhod sa may pintuan nila. "Mukhang uulan pa naman ngayon. Hindi mo ba talaga siya papapasukin?" Matalim na tiningnan ni Celine ang kanyang tatay. "Samahan mo do'n, Tay kung nag-aalala ka, total alam mo naman lahat nang ginawa niya. Kasabwat kapa nga, eh." Marahan na bumuntong hininga si Enan. M

