Hindi alam ni Celine kung paanong napapayag ni Liam ang Divine Medical Hospital pero nakalabas agad sila ng walang masyadong inasikaso. May kasama pa silang private nurse para tingnan ang lagay ni Lianna. Ngayon pauwi na sila. Si Liam ang nagmamaneho habang siya naman ay nasa passenger seat at karga ang kanilang anak na tahimik na dumedede sa kanya. "Ang lakas dumede ni Lianna..." Aniya habang hinahaplos ang pisngi ng kanilang anak. Nag breastfeeding si Celine dahil 'yun ang sabi ng doktor. Mas healthy daw kasi ang breastfeeding kaysa sa formula drink. Tumingin saglit si Liam sa dalaga saka binaling ulit sa daan ang mga mata. "Are you fine with breastfeeding? Hindi ba nakaka-ilang?" Tanong ni Liam. Nakatingin naman si Celine sa binata dahil panay ang tikhim nito habang pasulyap-sul

