Umaga palang pero halos hindi na mai-drawing ang mukha ni Liam. Nakadungaw ito sa may pintuan nila na para bang may inaabangan na dumaan. Siya naman ay nasa sala nila at panay ang kain ng mansanas na sinasawsaw sa Nutella habang nanonood ng palabas sa TV. "Sino ba ang inaabangan mo na dumaan diyan, Kuya Liam?" Tanong niya na hindi tinatapunan ng tingin ang binata dahil nakatutok ang atensyon niya sa pinapanood. Medyo nagulat pa ang dalaga ng biglang tumabi dito ang binata na masama ang tingin sa kanya. "Why do you keep calling me kuya?" Liam inquired with pissed tone. "Hindi mo naman ako tinatawag na ganyan noon, ah. Liam lang ang tawag mo sa 'kin dati. Why change now? Kasi nandito na ang gago mong ex tapos nakikipagbalikan pa sayo?" Liam eyed her. "May I remind you little feisty dwarf

