Lumipas ang mga araw na gulong-gulo si kim. Mahal na nga ba niya ang binatang si warren?
'Wala namang masama kung susubukan kong muli.'
Madalas sabihin ni kim sakanyang sarili kapag siya ay naguguluhan ng husto sakanyang sitwasyon.
Limang taon na din ang lumipas ng huling makipagrelasyon ito ng seryoso. 19 siya noon, kaedad ni warren ngayon. Minahal niya ng tunay ang lalaking iyon, ganun din naman ang isinukli sakanya ng lalake. Tumagal sila ng halos isang taon. Halos, kase hindi ito umabot sa anniversary nila dahil sa isang pangyayari na gumulat at nakapagpabago kay kim.
Isang linggo bago ang kanilang anniversary ay nakipagkita sakanya ang kanyang nobyo. Bakas sa mukha ni kim ang ligaya tuwing magkikita sila. Nang dumating ang lalake, para namang namatayan ang mukha nito. Halatang may pinagdadaanan.
Kaagad na lumapit at yumakap si kim sa nobyo niya. Niyaya siya na kumain sa paboroti nilang japanese restaurant. Maganang kumain si kim ng kanyang paboritong Steak, madami din siyang baong kwento para sa mahal niya.
Kung anong saya at daldal ni kim, yung naman ang lungkot at tahimik ng lalake.
"may problema ka ba?" tanong ni kim sa lalake.
"Kase kim, may sasabihin sana ako."
"Eh ano naman iyon?"
"Ano' kase eh, bukas lilipad na kami papuntang Canada."
Ikinagulat ito ni kim, hindi niya inaasahan na may inililihim sakanya ang kanyang nobyo.
"Kaya pala lagi siyang busy." Napagtanto ni kim sakanyang sarili lamang.
Hindi napigilan ni kim ang kanyang pagluha. Akala niya ang pagalis ng kanyang nobyo lamang ang kanyang problema.
"Kim, ikakasal na ako doon. Sorry."
Napasinghap si Kim na tila ba' ybinuhusan ito ng malamig na tubig. Napahinto ito. Nablanko. Tanging luhang pumapatak lamang ang makikita at ang ekspresyon na gulat sakanyang mukha. Napakasakit ng kanyang naramdaman, nanikip ang dibdib niya.
Tumayo na lamang ito at nagpaalam sakanyang nobya, mali, sakanyang dating nobyo.
Pinagpaubaya nalamang ni kim ang nangyari sa panginoon. Naniniwala kasi siyang ang taong nagmamahal sayo ay kailan man ay hindi ka niya iiwan kahit ano pa ang sitwasyon niyo.
Masama ang kanyang loob at mababa ang kumpyansa sa sarili ay ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay. Hindi niya hinayaang mahadlangan ng nangyari ang kanyang pangarap sa buhay.
Hindi niya pinansin ang mga nagpaparamdam sakanyang mga lalaki. Nagmistulang bingi siya sa mga ito. Hindi niya pinakikinggan ang mga mabubulaklak na salita nila. Hindi siya nagpaapekto. Itinuon nito ang atensyon sa pag-aaral na naging dahilan upang siya'y maggraduate sa ng walang probleman.
Kaagad na humanap ng trabaho si kim. Ipinasok siya ng kanyang tita sa kumpyang pinpasukan nito. Sakto namang naghahanap silang kapalit ng isa nilang empleyadong nagresign na dahil buntis at magmamigrate na sa canada.
Nang malaman ni kim ang tungkol sa Babaeng nagmamigrate sa canada ay bigla naman niyang naalala ang lalaki. Ang lalaking nagpamanhid sakanya.
Tinanggap ni kim ang trabaho. Kasama sa trabaho ay ang madestino sa iba't ibang lugar sa probinsya. Sagot ng kumpanya ang gastusin sa bahay at may sari-sarili pa silang kotse na bigay ng kumpanya kapag ikaw ay magaling magbenta.
Ginawa lahat ni kim ang kanyang makakaya upang tumaas ang kanyang posisyon. Nagbebenta sila ng gamot. Ngunit hindi tulad ng sa pharmacy, sila ay deretso sa hospital at doktor.
Dahil buo ang kanyang loob at determinado ito, pagkaraan ng limang taon ay nakamit niya ang kanyang posisyon ngayon. Na masasabi mong Boss na siya.
Sa loob ng limang taon na yun ay nanatiling single si kim. Pero hindi siya nawawalan ng lalaking nakasama tuwing gabi. Naging mapusok si kim at halos nakalimutan na ang pag-ibig. Nilamon siya ang kamunduhan at galit.
...
"Anong plano mo?" Tanong ni Kim kay Warren ng mapagusapan nila ang tungkol sa babaeng nakakuha sa atensyon ng Binatang si Warren. Kakatapos lang nilang magsiping ng gabing iyon. Kakauwi lang ni kim sa pampanga galing sa Cebu, si warren ang sumundo sakanya sa Clark Airport.
"Hindi ka ba nagseselos?" Tanong naman ni Warren kay Kim.
Ang totoo niyan, mabigat ang pakiramdam ni Kim ng mabanggit ni Warren ang tungkol sa Babae. Hindi man niya maamin sakanyang sarili na unti-unti nang lumalambot ang puso niyang matigas. Unti-unti na din itong bumubukas.
"Paano kung sabihin kong, Oo nagseselos ako." tapos ay yumakap ito sa bandang tiyan ni warren.
"Hindi ko na papansinin yung babae, Kakalimutan ko siya para sayo." Sagot naman ni warren at yumakap din kay kim.
Napa-isip naman si kim. Parang pinapaasa lang niya di warren sa gingawa niya.
"Warren alam mo namang komplikado akong tao diba?"
"Oo. Hindi lang yan, madalas ka pang may Topak. Tapos minsan hindi kita maintindihan kung anong gusto mo."
"Yun na nga eh, hindi mo ako maintindihan minsan."
"Pero pilit kitang iniintindi kase mahal kita." Sabay halik sa ulo nito.
Nakaramdam naman ng kilig si Kim sa sinabi ni warren.
"Ano ba ako saiyo?" Tanong ni kim.
"Importante ka saken Kim. Sobrang Importante.. Eh ako ano naman ako saiyo?"
"Future Boyfriend ko?"
Natigilan naman si Warren na para bang inaabsorb ang mga sinabi ni Kim.
"Oh ayaw mo?" Biro naman ni kim.
"GUSTO! I love you kim! Woohoo!" Para namang batang binigyan ng bagay na gusto niya sa sobrang tuwa ni Warren. Napatalon pa ito mula sa kama.
"Warre wala kang damit.. umaalog oh Hahaha!"
"I Love You Kim!" Sigaw nito.
Bilang unang gabi na sila ay nagkayayaan silang kumain sa labas kahit na 11:30 na nang gabi.
Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain silang dalawa.
...
Kahit ano pa ang nangyari sa ating nakalipas, sobrang sakit man nito ay siguradong darating ang panahon na maghihilom ito. Oo, maaaring matagal pero nasisigurado komaghihilom ito abutin man ng taon o dekada, Maghihililom ito at may darating na isang taong tutulong upang maghilom ito.
Sa kwentong ito ang Sinseridad at Pursige ni Warren ang nakapagpalambot kay Kim. Idagdag pa dito ang Pag-ibig na binibigay kay kim.
Tulad mo din ba si Kim na may nakalipas na masakit?
i-Message mo sakin dali! Malay mo mapayuhan kita tulad ng nagawa ko sa iba? :)
Nakarelate ba? Comment na, Friend:)