"Ang tamis nga talaga nang pag-ibig. Kapag ang tao talaga ay tinamaan nang pag-ibig, ay sus, lutang kamo! Paran naka-high din eh. Lahat ng bagay sa mundo kala mo ay kay dali. Laging masaya. Bawat araw ay kay gaan at kay liwanag. Pero kahit gaano katamis ang pag-ibig darating din ang punto na mauumay ka. Doon na pumapasok ang mga araw na para kang pinagsakluban. Lahat ng bagay parang nakakapagapalungkot sayo kasi naalala mo siya. Andiyan na rin yung pumait na ang paningin mo sa mundo."
"Nako naman ah! May pinaghuhugutan?!" Asar ni Betty
"Ganon?! Sadyang may alam lang."
"Ang sabihin mo kamo naaalala mo lang si-"
"Hoy andiyan na yung Bagong Boss natin!" Anunsiyo ng katrabaho namin.
Tumayo na kami at pumunta sa lobby upang salubungin ang boss namin. Anak nung may-ari. Galing ata sa America.
Kaasar naman si Betty eh. Pinaalala pa yung lalaking yun. Ayos na eh. Nakalimutan ko na siya.
kumusta na kaya si Jaba?
'FLASHBACK'
"GOOD MORNING JULIAN!" Pagising ni mama sakin.
"Ma naman ang aga-aga pa eh!"
"Nako si Juju ko talaga! Hmm ang cute cute. Tayo ka na, pinagluto kita ng paborito mong almusal na daing!"
Mas mabilis pa sa habagat ang karipas ko sa kusina. Aba, daing ba naman eh!
"Nay di na ako baby, 13 na ako. wag niyo na akong binebaby!"
"Juju, hayaan mo na si Nanay. Tayong dalawa na nga lang-" Pakonsenya ni nanay.
"Oo na nay. Jusko, wag ka na magdrama." Kinurot niyang muli yung pisngi ko tapos ay bumalik na sa pagluluto, habang ako naman ay naghugas ng pinagkainan namin.
Fiesta sa Barrio Matutay, sigurado masaya ang araw na ito!
"Nay labas po muna ako!"
"Sige nak, wag magboboypren ah?!"
"Nay talaga! Bata pako! Haha!"
Alam ni nanay ang tungkol sa pagiging Early bird(gay) ko. Kaming dalawa na nga lang ay maglilihiman pa ba kami?
Baby palang ako namatay na ang tatay ko. Isa kasi siyang pulis. Nabaril siya, kaya ayun, plakda. Kahit ganoon ang nangyari sa aming pamilya ay hindi iyon naging hadlang upang maging masaya
kami ni Nanay ko.
"Ay palaka!"
"Hahaha! Si juju talaga magugulatin!"
"Hoy Alex tigil-tigilan mo ako ah! Alis!"
"Sungit. San ka ba pupunta?"
"Wala lang, lilibot."
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko habang nakabuntot si Alex sa likod ko. Ang saya ng mga tao. Walang bahay ang hindi maingay. Ang daming mga palaro sa daan. Tapos amoy na amoy ang lutong ulam. Ang daming mga taga ibang lugar na nakikikain.
Pinagmamasdan ko ang mga masayang barrio namin ng madako ang tingin ko sa Malaking bahay. Ang Barrio Matutay ay napakasayang lugar. Kahit hindi fiesta ay buhay na buhay ang lugar namin. Tanging ang malaking bahay na ito lamang bukod tanging napakalungkot. Ngunit ngayon ay tila nabuhayan ito.
"Oi alex, ano meron at matao ata sa Bahay na to?"
"Ah, parating daw yung may-ari pati yung anak niya. Kala mo naman artista eh. Atat na atat mga tao sa pagdating nila."
Nakatayo kami sa gilid nang biglang dumating ang tatlong sasakyan at pumasok sa malaking bahay ang gagara nang mga ito parang mga kotse ng mga Politiko.
Nang palakad na kami palayo sa bahay ay may pamaswit sa amin.
"Psst! Batang maputla!"
Pag lingon ko ay nakita ko ang isang lalaki, siguro matanda lang siya ng isang taon sakin (14). Ang tangkad naman niya at ang gwapo. Akala ko ba galing america? Bakit di siya ganoon kaputi? Pero mas bagay niya yung kayumanggi niya. Lalo siyang gumagwapo.
"Oy bata, parang natulala ka diyan?" Sabi nung lalaki na nasa harap ko na at iwinawagayway yung kamay niya sa mukha ko habang nakangisi siya.
"A-ako ba tinatawag mo?" Tanong ko.
"Oo. Tara pasok ka muna sa bahay namin. Wala ako kalaro eh."
"Pero may kasama ako eh. Eto si-" Pero nang lingonin ko sana si Alex ay andun sa mga naglalaro ng trumpo. "Osige na nga lang."
Pumasok kami sa malaki nilang gate. Grabe ang ganda pala sa loob ng Malaking Bahay garden palang parang kasing laki na nang bahay ni nanay Puring. Sa sobrang pagkabana ko sa magandang lugar ay di k napansing nagkekwento pala si Pogi.
"Di ka naman nakikinig eh." Sabi niya habang nagkakamot nang batok.
"Ay sorry Pogi. Ang ganda kasi nang garden niyo eh. Ano ba sabi mo?"
"Nako, wag mo na tignan yang garden namin. Ako nalang tignan mo. Ang sabi ko ano ba pangalan mo?" Sabi niya habang nakangisi. Umakbay pa. Pogi ha chansing yan.
Pasimple ko naman siyang inamoy. Ang bango niya. Parang binata na talaga siya. Di tulad ko amoy ulam kaya na ang taba ko eh. Siya ang payat niya.
"Ak nga pala si Julian. Ikaw ano pangalan mo?"
"Benedicto. Kasing cute mo pala pangalan mo." Sabay pisil sa pisngi ko. Kanina pa pala niya pinanggigilan yung pisngi at tiyan ko.
Simula nung fiesta nang Barrio Matutay hanggang sa summer vacation ay lagi na kami magkasama ni Jaba. Yun yung nickname niya. Tinatawag na niya din akong juju kahit nakakabusit na kasi parang pang baby wala ako magawa, si Nanay Puring ang nagbigay nun eh.
Pinapanood ko siya maglaro ng basketball ngayon sa court nila sa bahay. Magaling siya magshoot ng bola. Di sumasablay. Nakakatuwa nga siya panoorin maglaro magisa eh, siya ang player siya din ang announcer. Ganito siya maglaro 'Woohoo! Here comes lebron on his dunk shot! and its in! woooo!' tapos nun tatakbo siya paikot sakin na kala mo pinagmamalaki yung dunk niya.
"Lika na kasi Juju eh, laro tayo. Nakakasexy to." Sabi niya habang hinihila ako papunta sa court.
"Eeeh. Ang init diya eh. Tsaka nakakapagod yan Jaba."
Pinisl niya mukha ko.
"Kaw talaga Juju ko. Ang cute mo! Sige panoorin mo nalang ako ha."
Ganyan lang kami lagi nung bakasyon. Magkasamang naglalaro (pero si Jaba lang talaga naglalaro at nanood ako) tapos madalas pinagluluto kami ni Nanay Puring ng masarap na meriyenda. Paborito ni Jaba yung turon at ako naman yung banana cue.
Masaya kami lagi. Minsan nagkakatampuhan kami, si Jaba lagi may kasalan kapag umiiyak ako. Inaasar niya ako eh. Tapos di niya tinitigalan sa pagpisil yung tiyan ko.
Pero naalala ko nung unang beses na nagaway kami ni Jaba. Kasi nakipaglaro ako kina Alex tapos hinahanap niya daw ako. Yun yung unang beses na nagkatampuhan kami na ako ang may kasalanan. Ang hirap nung magsorry.
"Jaba sorry na." Sabi ko habang nakahiga sa tabi niya. Nakahiga pa kasi siya sa kama niya. "Uy, Jaba."
Bigla siya humarap sakin at niyakap ako. Nilamig siguro. Wala kasi damit kung matulog eh.
"Bati na tayo ah." Sabi ko
"Bati na tayo pero kiss mo muna ako." Sabi niya. Hinampas ko naman yung braso niya na nakayakap sakin.
"Sumbong kita kay Nanay Puring sige ka Jaba!" Sabi ko.
"Di na tayo bati!" Sabi naman niya.
"Eeeeh! Jaba naman eh."
"Isa lang eh! Diba gusto mo magbati tayo?!" Sabi niya tapos tumango naman ako. "O dali na. Kiss mo na ko sa pisngi!"
Lumapit naman ako sa kanya. Gumagwapo talaga lalo tong si Jaba. Binatang binata na. Ako eto mukha padin baby boy. Ang bango niya lagi, nahawa na nga ako sa kabanguhan niya eh.
*Tsup*
"Ang tagal mo eh. Nakatitig ka lang sa pisngi ko kaya ako na nagkiss sayo." Sabi niya.
Natulala naman ako. Hinalikan nia ako sa labi. Wala nama siguro masama dun diba? Hinahalikan din naman ni Nanay Puring ako eh, pero sa pisngi lang yun. Si Jaba hinalikan ako sa labi.
Tumayo si Jaba habang ako nakatulala padin. Napansin ko na nakatayo yung 'pototoy' ni Jaba kaya natawa ako nang malakas. Tapos napansin din ni Jaba yun kaya tinakpan niya tapos namumula siya. Nahiya siguro.
"Sino mas gusto mong kaibigan samin ni Alex, ha Juju?" Tanong niya habang nagsusuot ng tshirt at sweatpants.
"Pareho ko naman kayo kaibigan ni Alex eh." Sabi ko pero tutok talaga ang mata ko sa Gameboy ni Jaba.
"Gusto ko sabihin, sino ang Bestfriend mo?"
"Ah, diko alam eh. Diba pwede pareho?"
"Hindi pwede. Isa lang dapat Juju."
"Ewan." Sabi ko nalang at humiga sa kama ng patagilid.
Tinabihan naman ako ni Jaba at niyakap ako mula sa likod.
"Pwedeng ako nalang Bestfriend mo ha Juju ko?" Sabi niya.
"Osige!" Masaya kong sabi. Siyempre sino ba naman di masaya kapag may Bestfriend ka na diba. Niyakap niya ako nang mahigpit.
Simula noon lalo kaming naging close ni Jaba. Tapos nakikitulog pa siya sa bahay ni Nanay Puring eh. Ang saya namin lagi.
Kaso nung patapos na ang bakasyon ay di ko alam na patapos na din pala ang pagsasama namin ni Jaba ko.
"Bakit di mo sinabi sa akin na aalis ka na?" Malungkot ko tanong kay Jaba. Umiiyak na ako nun. Tapos nagulat siya at nilapitan ako.
"Ah eh.. ayoko kasi malungkot ka. Tignan mo umiiyak ka na ngayon." Sabi niya habang pinupunasan ang pisngi ko.
Nung gabing yun natulog si Jaba sa bahay ni Nanay Puring. Ang saya namin buong gabi. Nagalalaro tapos kumakain ng mga nilutong merienda ni Nanay.
Pero pagising ko wala na si Jaba. Hinanap ko siya kay Nanay Puring pero sabi niya Maaga umalis si Jaba. Tunakbo ako papunta sa Bahay na Malaki at pinagtanong si Jaba.
"Manag asan po si Jaba?" Tanong ko sa katulong nila.
"Ay umalis na sila Sir. Bumalik na sa America." Tapos ay may inabot siyang kahon sakin. Pinapabigay daw ni Jaba.
Umiiyak akong umuwi sa amin. Ang lungkot ko nang araw na yun. Galit ako kay Jaba kasi bigla na lang siya umalis. Galit ako sakanya kasi di siya nagpaalam sakin, kala ko bang Bestdriend kami.
Lumipas ang isang linggo bago ko binuksan yung kahon na galing kay Jaba. May laman iyong sulat.
'Juju ko, sorry kung umalis ako nang walang paalam ha? Ayoko kasi makita na umiiyak ka eh. Ayokong malungkot ka kaya umalis nalang ako nung tulog ka pa. Sana wag ka magalit sakin. Juju, wag mo ko kalimutan ha. Tandaan mo ikaw lang Bestfriend ko. Mahal na mahal kita, sana hinatayin mo ulit yung paguwi ko. Hinatayin mo ko Juju ko ha? Iniwan ko sayo yung Gameboy ko pati yung mga paborito mong laro. Laruin mo kapag naiinip ka. Wag ka makikipagbestfriend kay Alex! Akin ka lang! Sayo na din yung bola ko. - Jaba'
Yan yung laman ng sulat. Tapos nilabas ko yung laman ng box. Yung gameboy niya at mga bala. Tapos iniwan niya din yung Picture niya. Huli kong nilabas yung bola na lagi niya ginagamit. Nakasulat sa bola yung 'juju' at 'jaba'. Naiyak ulit ako nang makita ko mga gamit niya.
"Bakit ka pa kasi umalis eh! Jaba naman eh!" Habang kinakausap/inaaway yung picture niya.
END OF FLASHBACK
"Hoy Julian! Para kang tanga diyan! Kanina ka pa kinakausap ni Boss!" Pabulong na sigaw ni Betty sakin.
Nang tignan ko kung sino kumakausap sakin ay yung boss pala namin.
"Jaba?"
"Juju?"