Sabrina’s POV Kasabay ng bawat pag-ikot ng gulong ng van sa expressway ang unt-unting pagbigat ng hininga ko. Kulob ang hangin sa loob, at pakiramdam ko ay lalong sumisikip ang espasyo dahil sa halo-halong amoy ng makeup kits at equipment ng crew. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo,parang gusto nang umikot ng paningin ko. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili ko, pero ang paulit-ulit na pagbabalik sa utak ko ng mga salita ni Eli sa tent ay tila mga lason na sumasakal sa puso ko. “Alipin ka pa rin ng kontrata natin, at ako ang designer mo.” “Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ’yon, Sab.” "Sab? Okay ka lang? Bakit parang namumutla ka?" narinig kong tanong ng makeup artist sa tabi ko, pero parang nanggagaling sa ilalim ng tubig ang boses niya.

