“I have something for you, Sweetie.” Inilabas ni Carl Wayne mula sa kaniyang likuran ang bola. “Yey! Is this really mine?” masayang tanong pa ni Charlie sa kaniyang ama. “Yes!” nakangiting tugon ni Carl Wayne. Masaya akong makita ang mag-ama sa ganitong scenario. Napakasarap sa pakiramdam na maayos na silang nagkaka-usap at wala ng kahit anong parunggit pa akong naririnig mula sa bibig ni Charlie. Kagaya ng pangako ni Carl Wayne, unti-unti nga niyang kinuha ang loob ng anak namin sa ilan araw naming pagkakasama. Nagagawa na nilang maglaro sa may hardin na silang dalawa lamang. May mga pinanonood silang palabas mula sa telebisyon na madalas din nilang abangan. Hindi pa man kami ganap na pamilya, alam kong darating din ang sandaling mabubuo kami bilang isang pamilya. Nakangiting huma

