Nakaupo ako rito sa may bandang gilid kung saan malayo kina Carl Wayne, Marissa at Marco. Pawang mga abala sila sa pagsasanay sa pagputok ng hawak nilang mga baril habang ako ay nananaghiling nakatunghay sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako para sa sarili gayong hindi naman dapat sapagkat wala kaming kalabang kinakailangan pang harapin. Sa paglipas ng mga araw ay namuhay kaming matiwasay at payapa sa isla na tanging kami lang ang mga taong nakatira. Para tuloy kaming mga turista na dinadayo pa o ‘di kaya naman ay kami pa ang dumadayo sa mga karatig bayan. Ang mga pagkaing kinakain namin ay madalas na pawang binibili ni Marco paglabas sa malawak na bakurang may ilang kilometro rin ang layo mula rito sa bahay. Kung may magagawi man na ibang tao sa lugar na ito, iyon ay

