Chapter 14

1221 Words

“Carl Wayne...” mahinang niyugyog ko siya sa balikat upang gisingin dahil narinig kong umuungol siya. “Baby girl...” umuusal niyang sambit nang imulat ang kaniyang mga mata. “Nananaginip ka,” aniko. Taimtim na tumitig siya sa’kin na para bang sinisigurong ako nga ang kaniyang kaharap. “Ano’ng nangyayari sa’yo?” naiilang akong salubungin ang kaniyang mga titig. Pakiwari ko’y may gusto siyang malaman na hindi niya lamang maisatinig. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kutson saka humarap sa’kin ng ‘di alintana ang kahubdan ng kaniyang katawan. “Tell me, bakit mas pinili mong lumayo?” Ipinasapo niya ang kaniyang palad sa’king pisngi saka masuyong humaplos doon. Sinalubong ko ang kaniyang mga mata na nagkaroon ng lambong at lumbay sa muling pagbabalik tanaw sa nakaraan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD