Humakbang ako palapit kay Carl Wayne saka mahigpit kong iniyakap sa kaniyang baywang ang mga braso ko. Alam kong hindi maayos sa kaniyang pakiramdam ang ginawa naming pagpunta sa tunay kong ama at kahit sinong tao ay hindi magiging okay kung kalayaan ang pag-uusapan. “Baby girl...” usal niya saka masuyong humaplos sa braso ko ang kaniyang mga kamay. “Hindi ako makapapayag na mawala ka sa’min ni Charlie. Kahit muli akong mawalay kila mama at papa, wala akong pakialam. Ang mahalaga sa’kin ay makasama kita!” madamdamin kong wika. Humarap siya sa’kin saka masuyong lumapat ang mga daliri niya sa pisngi ko upang humaplos doon. “I love you, Baby girl!” puno ng damdamin niyang sabi. “I love you too!” Yumakap ako sa kaniya saka kinabig ko siya sa ulo upang halikan sa labi. Halik na puno ng p

