“Kanina ka pa tahimik mula nang manggaling tayo ng ospital. May problema ba?” tanong ko kay Carl Wayne nang lapitan ko siya sa may balkonahe. Napansin ko ang mga upos ng sigarilyo sa ashtray na nasa kaliwang kamay niya. Niyakap ko siya mula sa likurang bahagi ng kaniyang katawan saka isinubsob ko ang mukha roon. “Baby girl...” usal niya na tila hirap na hirap ang kaniyang kalooban. Humarap ako sa kaniya upang magtagpo ang aming mukha. Taimtim ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata at nasilayan ko roon ang lungkot na kaniyang itinatago. “Huwag mong ilihim sa ‘kin ang mga bagay na nagpapahirap sa’yong kalooban. Sa palagay ko naman ay tungkol lang din sa’kin iyan. Marahil nagkita na kayo ng tunay kong ama,” malungkot na wika ko. Mapait akong ngumiti nang iiwas niya sa’kin ang kaniyang

