Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabing iyon ng aking anak. Nalagay ako sa sitwasyong noon pa man ay pahirap na sa buhay ko. Mahal na mahal ko si Karissa kaya nagawa ko siyang dukutin at ilayo noon sa asawa niyang si Samuel. Akala ko’y makabubuti iyon sa amin dahil wala pa naman silang anak at alam kong malabo din na magkaanak dahil may diperensiya sa pantog ang kaibigan ko. Sinubukan kong pakitaan ng pagmamahal si Karissa sa panahong kasama ko siya at napagtagumpayan ko rin makaniig siya ng ilang beses hanggang sa makasiguro akong nakabuo ako ng bata sa loob ng kaniyang sinapupunan. Akala ko’y iyon na ang magandang umpisa ng relasyon naming dalawa, ngunit nagkamali ako ng akala. Higit na pinili ni Karissa ang kaniyang asawa at sa ikalawang pagkakataon ay tinanggap

