Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng babaeng pinakamamahal at saka hinawi ang nagkalat niyang buhok sa pisngi. Masaya akong muling makatabi at mamasdan siya ng ganito kalapit sa’kin. Akala ko ay tuluyang guguho ang mundo ko sa kunwaring kamatayan niya. Mabuti na lamang at hindi pa iyon niloob na maganap. Hindi sapat ang buhay ko mula nang mawala siya noon. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang pakiramdam ko kung sakaling mawawala siyang muli. Kaya nga kung kinakailangang hindi umalis sa tabi niya ay aking gagawin. Hindi sana ako pabor sa suhestiyon ni Marissa na turuang humawak ng baril si Krishna. Ayoko dahil sa natatakot akong sambahin niya ang bagay na siyang sinamba ko noon sa panahon ng kalungkutan. Ngunit mayroon din namang punto si Marissa nang sabihing hindi sa lahat ng pana

