Langitngit…
Unti-unting bumukas ang pinto. Ang estranghero ay natahimik habang umiikot ang tingin sa loob. Pagkatapos ay ngumiti.
“Sa wakas…” bulong nito.
Biglang dumilim ang paligid, tila nilamon ng presensya ng vampira ang natitirang liwanag sa loob ng bahay. Dahil sa isang kisapmata lang, ay nasa loob na ito ng bahay.
“Amoy na amoy kita…” bulong niya, dahan-dahang umiikot sa paligid ng bahay, parang mandaragit na sinusukat ang katatagan ng biktima.
Hanggang sa napaatras ang estranghero ng may matamaan siyang matigas sa likuran.
Isang kabaong.
Luma. Inaalikabok. At tila… gumagalaw at may sariwang amoy?
“An...ano ‘to?” nanginginig niyang tanong.
Walang masabi pa ang estranghero. Sumunod, ay lumapit siya sa kabaong at marahang hinaplos ang takip nito, parang matagal na niyang kakilala.
“Tatlong daang taon…” mahina niyang sabi. “At ngayon… gigising na ulit ang gabi.”
KRRAAAK— Kusang bumukas ang kabaong.
Madilim ang loob, ngunit tila may gumalaw.
Una, ang mga ngipin ng estranghero ay lumabas dahil sa sobrang puti at matutulis ang mga ito. Dahan-dahang sumilip mula sa anino, kasunod ang isang mukhang hindi pa lubusang gising.. mga mata’y bahagyang nakadilat, ngunit walang init ng buhay.
Napasinghap si Olivia, hindi makagalaw, ngunit para siyang ginising ng hindi inaasahang besita.
“Sino ka?"” bulong niya sa sarili, boses ng isang takot.
"Anog ginagawa mo dito? Huwag kang lumapit sa akin! Lumayo ka!" sigaw ni Olivia ngunit walang nakakarinig.
Ngunit huli na.
Sa isang iglap, naroon na ang estranghero sa kanyang harapan. Hinawakan niya ang baba ni Olivia, marahang itinaas ang ulo nito, tila ito ay isang mapanuksong ritwal.
“Shhh…” bulong ng estranghero, halos malambing ang tunog na iyon.
At doon, lumabas ang kanyang mga pangil. Mabilis at walang pag-aalinlangan, na nginat-ngat niya si Olivia. Bumaon ang matutulis na ngipin sa leeg ni Olivia. Napahiyaw siya, isang sigaw na agad nalunod sa malamig na hangin ng bahay. Unti-unting nanghina ang kanyang katawan habang sinisipsip ng vampira ang init ng kanyang dugo. Ngunit habang nangyayari iyon
Sa loob ng kabaong, ang isang taong katulad ni Olivia na wala pa ring malay, ay tuluyang nagmulat ng mga mata. Mula sa pagbitaw ng isang malalim na paghinga, si Olivia ngayon ay buhay at ngumiti.
Dahan-dahang nagmulat muli ng mata si Olivia. Walang kandila, at nawala ang estranghero
Napaupo siya, hingal na hingal, parang kakagising lang mula sa bangungot. Hinawakan niya ang kanyang leeg,doon kung saan niya naaalala ang matinding sakit. Ngunit ngayon ay nawala na rin ang sakit, at walang sugat. May malamig na pakiramdam na gumagapang sa kanyang balat.
Kaya tiningnan niya ang kanyang mga palad, iyon ay nanginginig.
“Buhay ako…” mahina niyang bulong, tila hindi pa siya makapaniwala.
Tumayo siya, dahan-dahan. Nakakaramdam siya ng kakaiba, parang mas malinaw ang lahat. Naririnig niya ang pagaspas ng hangin sa labas, ang pagkaluskos ng tuyong dahon, kahit ang sariling t***k ng puso niya… na tila mas mabagal kaysa dati, ay napalingon siya sa paligid.
“Hello?” tawag niya. Walang sumagot.
Walang yabag. Walang hininga. Wala kahit anong senyales na may ibang tao sa loob ng bahay. Ngunit sigurado siya na may nangyari, at may nagbago. Dahan-dahan niyang hinawakan muli ang leeg niya… at doon, naramdaman niya, na may dalawang maliliit na marka.
Napaatras siya. “Ano… ako na ba ‘to?” bulong niya, may halong takot at pagkalito.
Isang alaala ang biglang sumiklab sa isip niya, mga mata sa dilim, malamig na mga kamay, at ang pakiramdam ng unti-unting pagkawala ng lakas. At pagkatapos, nagkaroon siya ng init ng buhay. Ito ay isang bagong simula, para sa kanyang ekalawang buhay.
Unti-unting tumigas ang kanyang ekspresyon. Napalitan ang takot ng isang malamig na determinasyon.
“Sharina…” dahan-dahan niyang banggit, na parang lason ang bawat pantig.
Ang kanyang stepsister. Ang dahilan kung bakit siya napunta sa bahay na iyon. Ang dahilan ng kanyang paghihirap… at halos nagdala sa kanya sa kamatayan.
"Magkikita tayong muli.. ngunit hindi na ako magpapa api sa isang taong katulad mo" sinabi ni Olivia.
Dahil ngayon, hindi na siya ang dating Olivia. May kakaiba sa kanyang mga mata habang tumingin siya sa isang basag na salamin na nakadikit sa gilid ng dingding. Hindi na iyon purong takot, at gutom, dahil iyon ay may kasamang galit.
“Simula pa lang ‘to…” mahina niyang sabi.
Sa labas, unti-unting natatakpan ng ulap ang buwan. At sa kailaliman ng dilim, may dalawang matang nagmamasid sa kanya, at ngumiti.
Samantala, si Marco ang nobyo ni Olivia ay nasa kanyang kwarto, hindi mapakali. May hawak siyang cellphone, at kanya itong tinititigan. Isang lumang message na galing kay Olivia.
Olivia: “I don’t trust her.”
Napakunot ang noo niya. “Her?”
Mabilis siyang napaupo. “At bakit ngayon ko lang ‘to napansin… sino ba ang tinutukoy mo?”
Tinignan niya ang petsa. Ilang araw bago mawala si Olivia. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Marco, dahil kinukutuban na siya.
“Sharina… siya ba ang tinutuko mo?”