CHAPTER 2
PARANG ligaw na bata si Aldin at hindi na alam kung ano na ang kaniyang ginawa. Simula pa kagabi ay puro lakad at tila hindi napapagod ang kaniyang paa para lumakad pa ng mahabang milenyo. Kumakalam na rin ang kaniyang tiyan ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin. Pasuray-suray siyang naglalakad sa tabi ng daan. Wala siya sa sarili at umiikot pa rin sa isipan niya iyong mga masasakit na salita ng mga magulang niya at ang pagtaboy ng mga ito sa kaniya.
He was like a lost child. Tumindi na rin ang sikat ng araw na diretsong tumatama sa kaniya. Dama niya iyon sa buo niyang katawan. Hindi niya alam kung saang lugar na siya napunta, basta patuloy lamang siya sa paglalakad.
Ngunit kabigla-bigla ay umiikot ang kaniyang paningin. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Huminto muna siya sa paglalakad at umupo sa gilid. Sinapo niya ang ulo at pilit nilabanan ang sakit niyon. Kumukulo na ang kaniyang tiyan na siyang dahilan para masapo niya rin iyon, sumasakit na rin. Ngunit nangingitim na ang kaniyang paningin. Nanghihina ang katawan niya. At walang kaano-ano ay nawalan siya ng malay sa kinalalagyan niyang iyon.
NAGISING sa hindi pamilyar na silid si Aldin. Nagdilat siya ng kaniyang mga mata ng may pagtataka. Dahil sa kaniyang pagkasurprisa at pagtataka ay naisapilit niya ang kaniyang sarili na tumayo ngunit naibagsak niya rin ang sarili sa kama dahil hindi niya makayanan ang sakit ng katawan. Napahawak siya sa kaniyang kumukulong tiyan. Iyon ang hudyat na gutom na siya, na kailangan na niyang pakainin ang sarili. Nailibot niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Maganda ang buong kuwarto. Kulay puti ang motif nito at nababagayan ito ng mga mabubulaklak na kurtina na nakasabit para matabunan ang malaking bintana, may sariling banyo rin ang kuwarto, may apat namalalaking paintig na nakasabit sa bawat corner ng kuwarto, at red oval study table ang naroon sa malawak na espasyo na pinapalibutan din ng limang upuan na gawa sa narra tree. Noong madako niya ang kaniyang paningin sa isang sulok ay naroon ang isang maliit na espasyo para doon man kung sakali magkakape ang sino mang nagmamay-ari nitong kuwarto.
“Nasaan ba ako?” nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang isang family picture.
Nang makita niya iyon ay literal na kumirot ang kaniyang dibdib. Naiinggit siya sa batang masayang akay ng papa nito sa braso habang parehas ang suot ng mga ito. Buti pa ang batang iyon tunay ang ngiti sa mga labi habang siya noong nag-family picture sila ay napipilitan pa ang kaniyang mga magulang na ngumiti. Habang kinatitigan niya ang litratong iyon ay hindi niya namalayan ang kaniyang sariling luha na kumawala sa kaniyang mga mata.
Ilang saglit lang ay naagaw ang kaniyang atensyon sa pagbukas ng pinto. Bumaling siya roon at hinintay ang kung sino mang papasok. Walang pasabi ay pumasok ang isang lalaki. Hindi ito pamilyar sa kaniya. Nang magtagpo ang kanilang mga tingin ay nakaramdam siya rito ng hiya. Kumabog din ang kaniyang dibdib. Gusto niyang salubungin ang titig nito ngunit nagbago ang isip niya at yumuko siya.
“Gising ka na pala. Heto’t kumain ka. I’m really sure na gutom ka na,” kapagkuwan na saad nito. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito, nanatili siyang nakayuko.
Inilapag nito ang hawak na kitchen tray sa maliit na mesa katabi ng hinihigaan niya na nagdulot din ng ingay na dahillan para lumingon siya rito.
Napatitig siya sa inilapag ng lalaki sa mesa na `yon. Sakto namang tumunog ang kaniyang tiyan na siyang umagaw sa atensyon ng lalaki.
“Ahm...” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Magkahalong emosyon ang naramdaman niya sa mga oras na `yon. Hindi pa nakikisama ang kaniyang buwisit na tiyan at pinapahiya siya sa lalaki.
Pinapanatili na lamang niya ang kaniyang tingin dito at hindi na lang umimik. Hindi naman makapal ang kaniyang mukha para sabihin sa lalaki na nagugutom na siya at kailangan na niyang kumain dahil din na tumunog ang kaniyang tiyan.
Dahil nga sa pagtunog ng kaniyang tiyan ay ngumisi ito sa kaniya na naging dahilan para ilayo niya ang kaniyang tingin dito. Huwag pa sana siya nitong asarin o ano man ang gusto nitong gawin sa kaniya.
Tumitig ito sa kaniya kapagkuwan. May gustong sasabihin ang mga mata nito ngunit parang pinipigilan lang ng lalaki ang gusto nitong sasabihin. Hindi na lang niya iyon binigyan pa ng atensyon. Ang problema niya ngayon ay kung paano niya ito haharapin o kakausapin bagaman nahihiya siya rito ng sobra.
“Kumain ka muna. Makilala mo rin ako. Eat first.”
Parang nabasa nito ang nasa isip niya dahil totoong gusto niyang malaman ang pangalan nito.
Nagdadalawang-isip siya. “Salamat pero busog pa ako, eh,” pagsisinungaling niya rito. At ang pagsisinungaling niyang iyon ay nabuko na nang ikatlong beses nang tumunog ang kaniyang tiyan at sigurado siya sa pagkakataong iyon ay narinig iyon ng lalaki.
Mahina pa itong tumawa, pinigilan ang sarili. “Ako na nga ang nagmagandang loob, eh, ikaw pa itong aayaw.”
Mabilis siyang sumagot. “`Di ko kailangang kumain. Aalis na ako.” Husto iyon para matigil ang lalaki sa kinatatayuan nito.
Pinilit ni Aldin ang sarili na makatayo kahit masakit ang pangangatawan niya para lamang makalabas sa kuwartong iyon at makalayo sa lalaki.
Ngunit pinigilan siya nito. Hinawakan siya nito sa braso. Natigil siya at nanlaki ang kaniyang mata habang nakatingin sa kamay nitong nakasabit sa kaniyang braso. Humaplos pa ito roon. Pamilyar ang haplos ng palad nito. Parang naramdam na niya ito noon.
“Kung gusto mong umalis, hindi kita pipigilan pero sana naman ay magkaroon ka ng respeto sa sarili mo. Mahina ka na. Take a rest first.” Binitiwan na nito ang pagkahawak sa braso niya. Sa boses ng lalaki ay nadama niya roon ang pag-alala nito.
“Wala kang karapatan—” natigil siya sa gusto niyang isagot.
“Mayro’n akong karapatan. Nakita na lang kita kanina sa tabing daan na walang malay. Ano ba’ng pinaggagawa mo sa buhay mo?” may awtoridad sa boses nito.
Dahil sa sinabi nito ay napayuko siya. Nanghina muli ang kaniyang katawan at ang kaniyang luha ay unti-unting namuo sa kaniyang mga mata. He was really too weak, mabilis lang maiyak.
“Wala ka nang pakialam do’n! Hindi mo alam ang kung ano ang naramdaman ko!” hasik niya rito. Wala na siyang pakialam kung naging bastos siya sa lalaki. Maluluha na rin siya. Sa oras na `yon, gusto na lamang niyang maging emosyonal.
The sad feeling filled his heart.
Hindi niya alam kung bakit gano’n na lang ang naramdaman niya bigla sa harap nito. Sa harap nitong hindi niya kilalang lalaki ay gusto niyang umiyak at sabihin dito ang pighati ng kaniyang puso at ang mga kinikimkim niyang bigat sa katawan.
“May pakialam ako kasi naawa ako sa `yo,” depensa naman nito. “At saka, kung balak mong patayin ang sarili mo, h’wag `yong hindi ka diretsahang ma-dead. Pinapahirapan mo lang sarili mo.”
Natamimi si Aldin. Wala siyang maisagot dito. Muli na namang gumulo ang isipan niya. Tuluyan nang bumitiw sa mata niya ang pinipigilang luha. Tila ang mga luha niya’y hindi pagod sa pag-agos sa pisngi niya. Mula pa kagabi ay hindi napagod ang mga mata niya sa pag-iyak.
Napaupo na lamang siya sa kama at humagulgol na siya. Pilit niyang pinunasan ang kaniyang mga mata ngunit dumarami pa ang luhang tumulo na tila hindi na hihinto pa.
“S-sorry...,” anas niya, sa mahinang boses. Nahihirapang magsalita. “I’m so weak. Sorry...”
Hindi sumagot ang lalaki. Naramdaman niya itong tumabi sa kaniya. May panyo ring ibinigay ito sa kaniya.
“Sige, umiyak ka lang. Ibuhos mo iyan dito. Makikinig na rin ako. Ano ba’ng problema mo? Kagabi ka pa’t hanggang ngayon ay parang pasan mo pa ang problema ng mundo,” usal nito. May awa sa boses nito.
Napatitig si Aldin sa lalaki kapagkuwan nang banggit nito iyon. Dahil sa sinabi nito ay naalala na niya ang lalaki. Itong lalaking nasa harapan niya’y ito rin ang nagpasilong sa kaniya noong gabing nasa gitna siya ng tulay habang umuulan.
Ngumiti ito sa kaniya. At tama nga siya. Ang ngiti nito ay kaparehas n’ong lalaki kagabi.
“Ikaw `yon?” manghang kumpirma niya rito.
Tumango ito. “Oo. Iyong nagpasilong sa `yo sa payong. I’m Krishley.” Muli itong ngumiti sa kaniya. Tumayo na rin ito. “Mamaya mo na sabihin `yang problema mo sa `kin. Magpabusog ka muna.”
Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pinatayo siya. Tila nahinto ang oras n’ong magkalapat ang kanilang mga kamay.
Mabilis niyang inilayo ang kamay niya at umupo na lamang sa harap ng maliit na mesa.
“Salamat dito. Tatanawin ko `to ng utang na loob. Babayaran kita kapag nakaluwag ako.” pilit siyang ngumiti rito.
“So problematic,” anas nito. Tinapik nito ang balikat ni Aldin. “I’ll be back. Magdadala ako ng wine.” Lumabas na ito ng kuwarto.
Napahinto si Aldin sa kaniyang pagkain. Napaisip siya’t ba’t ganoon na lamang kabait iyong lalaki sa kaniya kahit hindi naman talaga sila magkaano. Pero sa kabila no’n, nagpapasalamat pa rin siya dahil kung hindi dahil kay Krishley ay siguro namatay na s’ya sa tabi ng daan. At hindi niya alam kung nagkataon lang ba or ano’ng tawag do’n, sa ikalawang beses ay nasagip siya nito. Matatawag niyang ikawala dahil noong nasa gitna siya ng tulay ay may balak siyang kitilin ang buhay niya. Tatalon sana siya roon. Wari niya’y parang anghel ito para sagipin siya. Krishley was like his guardian angel. Pero sa kabila no’n, nagpapasalamat pa rin siya rito.
“Thanks to him,” naisaad niya.
“You’re welcome.”
Napitlag si Aldin dahil sa nagsalita sa likuran niya. Mabilis niya itong tiningnan. “Kanina ka pa d’yan?”
Ang bilis lang pala nito. O hindi niya napansin na matagal na pala siyang nag-iisip?
Ngumisi ito. “Not really. Ako ba `yong pinapasalamatan mo?” usisa pa nito.
Hindi siya sumagot sa tanong nito bagkus ibinaling niya ang tingin sa dala nitong alak.
“Wine?” tanong niya.
“Tubig `to,” biro nito.
“Gago!” usal niya.
“Biro lang. Pinapatawa lang kita,” anito.
Napangisi si Aldin. “Thanks.”
“Ayan! Ngumiti ka na! Oh, `di ba? Dahil d’yan mag-iinum tayo!” bigla ay itinaas nito ang hawak na bote ng alak at malapad na ngumiti.
“Para kang ewan!” Pero hindi niya naiwaglit ang ngiti sa kaniyang mga labi. Kahit papaano ay natuwa siya rito.
“Hahaha. Inom na nga lang tayo. Hali ka rito, Bro!” masigla nitong wika.
Tinapos niya ang kaniyang pagkain saka siya umupo sa kama kaharap si Krishley. Mag-iinum sila. Ayos `yon! Hindi naman siya kj at kahit papaano ay may background siya sa pag-iinum.
Nagsalin ng alak itong si Krishley. “Ayan! P’wede na nating pag-usapan problema mo. Makikinig ako.”
Nakatitig lamang si Aldin kay Krishley. Nag-alinlangan siyang mag-share ng problema niya rito. Baka `tulad ng kaniyang mga magulang ay pandidirian siya nito. Baka katulad din ito ng kaniyang mga magulang na hindi siya tanggap. At nahihiya rin siya rito.
“Nahihiya akong i-share sa `yo,” diretso niyang saad. “At baka katulad ka ng mga magulang ko.” Bahagya pa siyang yumuko.
Naihinto ni Krishley ang pagsalin ng wine sa baso ni Aldin. “No, I don’t! Kahit ano’ng problema pa `yan, makikinig ako.” Ngumiti ito ng walang pag-alinlangan. “Ito, o.” Inilahad nito ang alak.
Hindi naman siya nag-alinlangan. “Salamat.”
“I’m open-minded, Bro. H’wag mo akong itulad sa iba.”
Natamimi si Aldin at napatitig sa kaniyang hawak na baso. Ayaw niya sana pero he felt that Krishley was not like his parents.
“Kasi...,” pinigilan niyang maluha. “I’m straight. You know... `yong LGBT.” Tumingin siya kay Krishley.
Sa kaniyang inaasahan, para itong nakakita ng multo. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla. He became straightforward.
“`Di ako bakla! Hindi rin trans! Naguguluhan pa ako sa sarili ko,” dagdag pa niya. Gusto niyang punan ang pagkabigla nito.
Hindi kaagad nakasagot si Krishley. Biglaan itong napainom ng alak. Lagok lahat.
Nagsalita muli si Aldin. “Ayos lang na ganyan ang ekspresyon mo. Ayos lang!”
Tila naman parang nabalik sa reyalidad si Krishley. “S-sorry. Hindi ako makapaniwala. Straightforward ka kasi. Nabigla lang ako. Don’t get it wrong.”
“Nandidiri ka sa `kin, `no? P’wede naman akong umalis kaagad.” Umakto siyang tatayo ngunit pinigilan siya ni Krishley. Nakahawak ito sa kaniyang braso.
“Dito ka lang. Let’s talk until you feel better. You can cry or whatever you want.” Hawak pa rin nito ang kaniyang braso.
Para namang nabunutan ng tinik si Aldin. Sa wakas, may isang taong gustong makinig ng kaniyang hinanakit. Sa wakas, may isang taong gustong makinig sa kaniya na noon pa man ay hinahanap na niya.
“Magkuwento ka na!” hiling nito. Tumunga ito ng alak kapagkuwan.
Siya rin ay lumagok. Iyon nga’y ikunuk’wento niya ang lahat. Simula sa kung paano siya itinakwil ng kaniyang magulang hanggang sa nagising na lang siya sa isang malaking kuwarto. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagkukuwento ay hindi niya nakontrol ang sariling damdamin. Tumulo na nga ang kaniyang luha. Hindi na siya nagpigil ng sarili because in that moment with Krishley, he felt secure and comfortable. Nagkukusa na rin ang kaniyang mga labi na maglabas ng mga hinanaing.
“Ang gusto ko lang naman ay tanggapin ako ng mga magulang ko.” muli siyang lumagok ng alak. Maraming baso ng alak na rin siyang nainom. Umiikot na ang paningin niya’t lasing na.
“You know what, Aldin. Siguro ay nabigla lang ang mga magulang mo,” tugon nito. Nababakas sa boses nito na lasing na rin ito.
“Krishley, salamat kasi nakinig ka.” Lumagok muli siya ng alak. Nahihilo na siya ng sobra.
“Walang ano man. Basta’t may gusto ka pang ibig sabihin, h’wag lang mahiya. Share it with me anytime.” Itiniaas nito ang hawak na baso.
Pinagtagpo nila ang kanilang mga baso.
“Kasi kung wala ka, hindi mababawasan itong dinaramdam ko. Itong sama ng loob at sakit.” He drank again.
Bigla ay natigil si Krishley. Tumitig ito sa kaniya. Nailang siya. Bigla rin siyang hinawakan sa kamay nito. “Alam mo, tanggap naman kita, eh. Kahit ano ka pa.”
Natigilan si Aldin. He didn’t expect it. `Yong paghaplos nito sa balat niya ay kakaiba at iyong titig ni Krishley ay gano’n rin. Pero hindi niya iyon binigyan ng kahit anong kahulugan. Dala lamang iyon ng kalasingan nila.
Pero, patuloy sa paghaplos-haplos si Krishley sa kaniyang braso.
“I think. . . .” Nagpikit-pikit na rin ito. “I think . . . I. . . . ”
Hindi niya alam kung bakit napatitig na rin siya kay Krishley. Nakatitig din kasi ito sa kaniya. At unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kaniya mukha.
“I think, I li—” Hindi nito natuloy ang sabihin dapat dahil bigla itong sumandal sa kaniyang balikat.
Iyon pala’y lasing na lasing na ito’t nais lang matulog dahil do’n. Napabuntong-hininga si Aldin. Akala niya’y hahalikan siya nito. Pero sa isip-isip niya’y imposible iyon. Lalaki si Krishley. At wala itong balak na gano’n sa kaniya. Inayos na lamang niya ito sa kama at iniligpit niya ang mga kalat nila. Nang matapos siya sa pagliligpit ay tumabi siya rito at natulog na rin.
Sa kaniyang pagtulog, dala niya ang isang maliit na ngiti sa mga labi. At dahil iyon sa kahit papaano ay may tao rin pa lang gustong makinig sa kagaya niya. At wala nang iba iyon kung hindi si Krishley. And he thought, he like him, gano’n kabilis. Aldin appreciated Krishley. He liked Krishley for being a gentleman. Hindi siya nito pinandidirian.