PRECIOUS ANGEL “Maghihiwalay din ‘yan!” may gigil na saad ni tita habang nakatitig sa magkasintahan naglalampungan sa harapan namin habang namimili kami ng stock para sa aking nursery school. “Ito Mahal, kailangan mo ba nito?” malambing na wika pa ng lalaki sa kasamang babae. Nakayakap ang lalaki sa babae habang ang palad ay malikot na pumipisil. Hindi ko tuloy maiwasang maalala si Drake sa akin sa tuwing yakap niya ako, ganun din kasi ang ginagawa niya sa akin. Feeling yata niya, stress ball ang balat ko sa aking baywang dahil gustong gusto niya na pinipisil ito ng paulit-ulit hanggang sa makatulog ito. “Hmp! Pag ganyan ka-sweet ang lalaki. Sure na may ginawang kasalanan ‘yan sa asawa or sa kasintahan. Sure ‘yan! Nakita mo ‘yung mga mata ng babae, malamlam. Parang may nakatagong

