DRAKE “May kilala ka bang Lee Min-Ho?” bungad na tanong ko sa kaibigan kong si Jake ng sagutin nito ang tawag ko. “Mm… Lee Min-Ho? Bakit, ano ang meron sa lalaking ‘yon? Bakit interesado ka sa kanya? Damn it, Drake. Don’t tell me… Lalaki na ang type mo ngayon, ha!” sagot ni Jake sa akin na siyang mas ikinainis ko dahil alam ko naman na nang-iinis lang ito sa akin. “Bwesit! Sasagutin mo lang naman ang tanong ko kung kilala mo o hindi ang Lee Min-Ho na ‘yon, ang haba na ng sinabi mo. Sige na, mukhang wala akong mapapala sa ‘yo!” salubong ang mga kilay na sagot ko. “Loko ka pala—-” hindi ko na pinatapos si Jake sa pagsasalita niya dahil ini-end call ko na ang tawag. Nayayamot na napakamot ako ng ulo. Lee Min-Ho… Hindi ko alam kung saan ko narinig ang pangalan na ‘yon. Sino nga ba an

