STEVENSON Sa sobrang pagka taranta ko bigla kong binuhat na lang si Andrea nang walang pasabi, hindi ko rin naman siya nakitaan ng pagtutol pa. Dahil sa nangyari hindi ko magawang iwan ito. Itinawag ko na lamang saaking secretary na hindi muna ako makakabalik ng opisina. Nag bilin na lang rin ako ng kanilang gagawin habang wala pa ako. Nang matapos ko ang lahat lahat ng bilin ko binalikan ko na si Andrea na sakasalukuyang ginagamot ang kaniyang sugat sa paa. "Kumusta na 'yang sugat mo. Dalhin na kaya kita sa ospital," tanong ko rito kasi mukhang malalim ang sugat nito. "Eto ba, na'ko malayo sa atay at balunbalunan," sagot nito. "Ha? ano?" tanong ko rito. Dahil hindi ko alam kung ano ba ang pinag sasabi niya. "Wala ho, sabi ko baka kailangan munang bumalik ng Manila." sambit nito.

