ANDREA Sobrang sama ng loob ko sa mga nakita ko. Ang kapal niyang manligaw saakin tapos makikita kong nakikipag halikan siya sa iba sa mismong office pa niya at hindi na siya nahiya. Paano kung iba ang naka kita sakanila, eh 'di masisira ang image niya, hindi rin siya nag-iisip. Ano nga bang pakialam ko sa'kaniya nang maalala ko na naman ang inis ko. Bumaba muna ako para uminom ng tubig sa kitchen. Naupo sa sala at nanuod ng balita. Hanggang sa naisipan kung lumabas para makasagap ng hangin. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ako. Nang mahimasmasan ako pumanhik na rin ako sa itaas at pumasok ng kuwarto. Patulog na sana ako ng tumawag si sir Draeden. Nagtataka man at kung bakit niya ako tinatawagan ng hating gabi. Gusto lang pala nito sabihin na naglalasing ito. "

