Nakaraan...
"Hi! Mukhang malungkot ang magandang binibini natin ngayon ah!" Nakangiti ng tipid ang dalaga ng sulyapan si Marcel. Si Marcel ay nagmula sa mahirap na pamilya. Ang pamilyang ng lalaki ay matagal ng nakatira sa hacienda. Sabay din silang lumaki ng binata. Kaya naman alam niya kung gaano ito kabait sa kaniya at paano siya alagaan.
"Marcel? Do you love me, right?" Hindi nakasagot si Marcel pinawisan ito ng malala.
"Eh, bakit mo naman naitanong iyan? Halata ba ako, ha?" Napakamot ito sa ulo at hindi makatingin ng tuwid sa dalaga.
"Kung mahal mo ako... Itanan mo ako Marcel! Please?" Gulat na reaksyon ni Marcel.
"Haide... Ano ba pinagsasabi mo diyan? Ano ba problema mo at pumasok iyan sa isip mo, ha?"
"Kasi... Kapag hindi mo ako itanan hindi na tayo muli magkikita pa at kahit kailan hindi muna ako makakasama pa like this... Daddy plans to marry me to Arthur so that their wealth can expand and not be divided. If you love me... Do everything Marcel?"
"Haide? Hindi pa ako tapos sa pag-aaral. Paano Kita bubuhayin? Ako lang inaasahan nina Itay at Inay. Iyong pangako ko sa kanila na ihaon ko sila sa kahirapan. Oo, gusto kita pero hindi ko maibigay ang mga bagay na nasanayan muna. Ayaw ko naman isang araw iwanan mo ako dahil sa mga bagay na hindi ko kayang ibigay. Wala akong ibang babaeng gustong makasama ikaw lang. Pero hindi ngayon... Hindi pa ako handa wala pa akong ipagmalaki sa ngayon."
"Pagmamahal mo Marcel sapat na para kayanin ko lahat ng pagsubok sa buhay basta walang susuko. Magkasama tayong harapin lahat."
"Madaling sabihin pero mahirap gawin." Sa malungkot na boses.
"So ayaw mo talaga akong itanan! Hayaan mo na lang ba ako makasal sa lalaking hindi ko gusto." Mapait na ngiting sabi niya kay Marcel.
"Sinong may gustong makita ang taong mahal ikasal sa iba, ha? Wala di'ba? Gustuhin ko man pero hindi ko kayang sirain ang buhay mo. Siguro nga hindi tayo para isa't isa. Kalimutan mo na lang ako at kalimutan rin kita. Haide?"
"Señorita, Haide? Kanina kapa hinanap ng iyong Ama. Dumating na bisitang mamanhikan sayo ang pamilyang mapangasawa mo." Hindi mapigilang madurog at masaktan ang puso ni Marcel.
"Mahal kita Marcel... Kahit anong mangyari. Ikaw pa rin ang mamahalin ko." Madamdaming saad ni Haide sa Binata.
"Sumama kana... " Tanging nasabi ni Marcel sa dalaga.
Dalawang linggong nakalipas magmula ng magkausap sina Marcel at Haide ay hindi na sila muli nagkita pa. Nalaman din ni Marcel na pinagbawalang lumabas si Haide hangga't hindi nakakasal madalas niya din nakitang magkasama si Haide at si Arthur ang mayamang Binata mapangasawa ng babaeng mahal niya. Nakuntento na lamang siyang tanawin mula sa malayo ang dalaga. Kung nagkataon lang mayaman siya, malamang ay aalukin din niya ito ng kasal. Pero hindi.
"Hello, Mahal ko... May dala akong pasalubong. Nagustuhan mo ba?" Si Arthur. Masaya itong binisita ang mapangasawang dalaga.
"Salamat. Pero hindi kana dapat nag abala pa. " Malamig na tugon ng dalaga sa binata.
"Bakit ba ang lamig ng pakikitungo mo sa akin? Ilang araw na lang ikakasal na tayo Haide? Ano pa ba inaarti mo diyan. Mapalad ka nga sa ibang babaeng nakilala ko. Dahil ikaw pakakasalan ko." Pagyayabang na sabi sa kaniya ni Arthur.
"Sana sila na lang bakit ako pa? Alam mo naman hindi ikaw gusto ko." Deretsahang sabi niya dito.
"Bakit sino ba may gusto ng arrange merrage, ha? Kahit ako ayaw ko din pero anong magagawa ko. Pinagtagpo tayo at pinagkasundo makasal! Napaka arti mo!" Lumabas ang tunay na kulay ni Arthur, madaling uminit ang ulo.
"Kahit ano pa dahilan mo ginusto mo din ikasal tayo Arthur?"
"Well... Yes of course! Ano pa ba hanapin ko sayo maganda na at virgin pa! Pariho tayong makikinabang Baby..."
"Bastos!" Sabay sampal niya dito.
"f**k!" Malutong na mura ni Arthur sa babae. Matapos makatanggap ng sampal.
"Ahh!!" Hinawakan siya sa leeg ng mariin.
"Anong problema mo, ha?" Gigil na gigil na sabi ni Arthur sa babae.
"Nasasaktan ako..." Nahihirapang huminga si Haide sa ginawang pagpilipit sa leeg niya.
"Masasaktan ka talaga sa akin."
"Hindi pa nga tayo kinakasal pinapakita mo na sa akin ang sungay mo!" Naiiyak niyang sabi dito at takot sa galit na mukha ni Arthur.
"Dahil ginagalit mo ako! Kahit anong gawin mo wala ka ng magawa kakasal kana sa akin at magiging asawa mo na ako habang buhay!" Tinulak siya nito Dahilan para masubsob siya sa sahig at masugatan.
Pagkarating galing sa eskwelahan ni Marcel. Pumunta siya agad sa kagubatan para manguha ng panggatong wala silang kahoy na magagamit mamaya magluto. Madilim din ang langit mukhang uulan ng malakas. Kaya naman mabilis niyang pinuno ang dalang sako bago pa bumagsak ang ulan. Malakas din ang simoy ng hangin. Pauwi na si Marcel ng mapadaan siya sa kubong gawa sa pawid. Naalala niya si Haide sa kubong iyon. Silang dalawa ni Haide ang nakaisip na gumawa ng kubo sa gitna ng gubat. Para lang tambayan kapag walang pasok o kaya masama ang loob. Sa kubong iyon ang takbuhan nila sa tuwing gusto nilang mapag-isa o magpalipas ng sama ng loob.
Humugot ng malalim na hininga si Marcel at aalis na sana. Pero may narinig siyang umiiyak sa loob. Kinakabahan man na baka namamahayan na ito ng maligno. Pero nanaig pa rin ang curiousity niyang tingnan ito. Kung may tao sa loob.
"May tao ba diyan?" Kinakabahang tanong niya.
"Kung sino ka man labag ang ginawa mong pagpasok sa exclusive na property. Trespassing ka! Ako sayo umalis kana bago pa may makakita sayo na iba. Sa akin okay lang. Kapag iyong may-ari na... Baka hindi ka mapatawad at ipakulong ka pa. Umalis kana ngayon. Isipin ko hindi kita nakita dito."
"Marcel? Marcel?" Si Haide. Lumuluha ito at magulo ang buhok.
"Haide?" Gulat ang reaksyon nasa mukha ni Marcel agad nitong nilapitan ang dalaga at yumakap ito sa kaniya habang humagulgol ng iyak.
"Bakit?"
"Marcel? Ayaw ko na umuwi ayaw kong magpakasal kay Arthur! Sinaktan niya ako... Please? Ilayo muna ako... Kahit saan sasama ako basta malayo dito." Sumbong ng dalawa. Kaagad naman naawa si Marcel sa babae.
"Sigurado ka bang gusto mong sumama sa akin. Mahirap lang ako Haide? Wala akong maipangako sayong marangyang buhay." Madamdaming saad ni Marcel. Hindi niya man maibigay ang marangyang buhay sa babaeng ito pero mamahalin naman niya ito ng boung puso at tapat na pag-ibig hanggang sa pagtanda.
"Oo... Marcel."
Bumuhos ang malakas na ulan na tila parang galit na galit ang kalangitan. Kumulog at kumidlat na parang may nagbabarilan sa itaas. Dahil sa malamig at walang kumot na magagamit sa loob ng kubo. Tanging mainit nilang mga katawan ang pinagsanib upang matanggal ang lamig at hindi mamatay sa sobrang lamig lalo pa napapalibotan ito ng bundok at punong kahoy. Mas lalong lumamig ang paligid.
"Haide? Ang lamig..." Nanginig sa ginaw si Marcel.
"Ako rin. Nilalamig ng sobra."
"Gusto mo bang yakapin ako. Huwag kang mag-aalala. Wala akong gagawin na labag sa loob mo. Haide? Ang mahalaga mawala ang malamig na pakiramdam natin." Kita ang kulay ubeng labi ni Haide. Hindi na hinintay pa ni Marcel sumagot ang dalaga. Lumapit na siya dito at niyakap ito.
"Marcel... Nilalamig ako." Mas niyakap ito ni Marcel sabay halik sa noo sana. Pero umangat ang ulo ni Haide. Sa labi ng dalaga lumapat ang labi ni Marcel. Si Haide ang nagbigay ng signal para mas lumalim pa ang kanilang halikan. Hangga't sa nakalimot sila pariho.
Isang timbang tubig ang binuhos nagpagising sa mahimbing nilang pag- tulog.
Napabalikwas sila pariho ng magising at gulat na gulat ng makitang may ibang taong nakatingin sa kanila.
"Iyan lalaking iyan! Kinidnap ang anak ko. At sinamantalahan! Hulihin niyo siya!"
"Ha?" Si Marcel. Hindi makakibo si Marcel sa bilis ng pangyayari. Hindi niya akalaing magising sa umaga na dinadakip ng mga police.
"Papa? Walang kasalanan si Marcel---?" Malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Haide. Galit na galit si Señor Manuel.
"Manahimik ka! Isa kang pasaway! Nakakahiya ka! Ikakasal kana pero heto nakipaglandian ka sa lalaking iyan na anak ng ating magsasaka!"
"Papa... Nagmamahalan kami ni Marcel!"
"Magbihis ka at umuwi na tayo. At wala akong pakialam kung nagmamahalan kayo! Magbabayad siya sa pananamantala sayo. Walang utang na loob! Mula ngayon pinalayas ko na sila sa HACIENDA at wala na silang karapatan pa. Kaya ikaw tigilan mo iyang kahibangan sa hampas lupang iyon!"
"Papa? Please? Huwag mo ng ipadampot si Marcel sa mga police. Ipapangako ko sayo na kalimutan ko na siya at susunod sayo. Please? Papa?" Umiyak si Haide. Habang lumuhod sa lupa.
"Haide... Okay lang ako. Huwag mo akong isipin. Malinis ang kunsensiya ko. At mahal kita."
"Ayaw kong makulong ka Marcel ng dahil sa akin. Alam ko may mga pangarap ka. At ayaw ko sirain ang pangarap mong iyon. Patawarin mo ako..."
"Haide..."
"Paalam... Marcel?" Sapilitang hinila palayo si Haide kay Marcel.
"Haide? Babalik ako... Pangako ko iyan sayo... Mahal kita."
Flash back end.
Hindi namamalayan ni Haide ang pagtulo ng mga luha sa kaniyang pisngi. Matagal ng panahon nakalipas pero wala pa din Marcel nagpakita kahit anino nito. Ayaw niyang isipin na patay na ito at hindi na matupad ang pangakong babalik ito para ituloy ang pag-iibigan nila.
Hindi na rin siya umaasa pa. Dahil kung talagang babalik ito. Dapat noon pa nito ginawa.