"Mukhang maganda ang panahon ngayon. " Si Carol.
"Oo," tanging sagot ni Daryll habang nakatingin sa laptop nito.
"Hmm, mag isang buwan na ako dito pero hindi mo pa ako niyayang lumabas at kumain manlang sa labas." Malambing na sabi niya sa Binata.
"Busy ako. Madaming paperwork. Ilang buwan din ako nawala. Alam mo iyan kaya tambak ang trabaho ko."
"Hindi ba, Boss ka naman. Hawak mo ang oras mo. Anytime pwide kang mag- enjoy at lumabas labas naman kahit minsan lang. Sige na, labas naman tayo at manood ng sine." Pangungulit ni Carol sa Binata na hanggang ngayon hindi pa rin inalis ang mga mata sa laptop.
"No, look! Hindi mo ba nakikita busy ako. If you want ikaw na lang manood ng sine o kumain mag-isa sa labas."
"Daryll, bago lang ako dito sa Manila. Wala akong alam pa sa pasikot sikot dito. Paano kung naligaw ako. Anong gagawin ko? "
"Pasamahan kita kay Amalia. Okay na ba? May reklamo kapa ba?" Seryosong sabi ni Daryll sa dalaga. Hindi sumagot si Carol. At hindi maipinta ang mukha.
"Wait, hindi ba may inaaplayan kang trabaho kamusta naman?"
"Okay naman, tatawagin na lang daw ako." Tinatamad na sagot niya sa Binata at sa labas nakatingin.
"Bakit?" Kunut-noong tanong ni Daryll kay Carol at saglit lang ito tinapunan ng tingin at muling binalik ang paningin sa laptop.
"Hindi ko alam, ginawa ko naman lahat pero wala pa rin." Sagot niya.
"Kunting sipag pa. Matatangap ka din. At matupad ang mga pinapangarap mo."
"Oo naman, basta nandiyan ka at hindi ako iiwan. Ikaw ang magiging inspiration ko, Daryll!" Nakangiting sabi niya kay Daryll.
Agad naman napalunok ng laway si Daryll at tumango na lamang. Ayaw niya ng makipagtalo pa kay Carol. Kahit malaking disagree sa kalooban niya. Ayaw niya naman paasahin si Carol sa anomang status ng relationship na mayroon sila ngayon. Pero wala din naman masama kung susubukan niyang bigyang chance sa buhay niya ang dalaga.
"Okay."
Matagal ng nakaharap sa malaking salamin si Rheanna sa loob ng malaking silid. Longing ang kaniyang pakiramdam. Pero pinipilit niyang magpakatatag. Napagpasyahan niyang kalimutan na ang lalaking dahilan ng paghihirap ng kaniyang kalooban. Susubukan niyang ibigay ang boung tiwala at puso kay Arthur ang kaniyang asawa ngayon. Bahala na kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Naramdaman niya ang mga kamay ni Arthur na hinahaplos ang bawat parti ng kaniyang katawan. Humugot na lamang siya ng hangin mula sa dibdib at hinarap ito.
"May kailangan kaba sa akin?" Malumanay niyang tanong dito.
"Hmm, ang bango ng asawa ko." Rinig niyang sabi nito. At inaamoy ang makintab niyang buhok na katutuyo lang. Naligo kasi siya ng maaga.
"Arthur... Naisip ko lang wala naman akong gagawin sa bahay na ito. At minsan wala ka nasa trabaho. Pwide ba akong mag-aral ulit. Bata pa naman ako. Madami pa akong gustong matutunan." Sabi niya. Matagal niya ng pinag-iisipang mag- aral ulit.
"Okay. "
"Pumapayag kana?" Excited niyang sabi.
"Yes, bata kapa at madami ka pang matutunan sa mundong ito. Pero hatid sundo ka ng driver at ako ang pipili sa magiging eskwelahan mo."
"Okay lang. Ang importante pumapayag kana."
"Mabait akong tao Rheanna. Basta lahat ng rules ko susundin mo lang at wala kang lalabagin dito kahit isa. Dahil oras na lumabag ka. I'm sorry, pero ibabalik kita sa silid na ito at dito kana manatili habangbuhay. Naitindihan mo ba?"
"Sige. Walang problema Arthur at tatandaan ko lahat."
Ngumiti ito at saglit na hinaplos ang kaniyang buhok.
"Good. Akin ka lang, Rheanna? At walang sino mang makakaagaw sayo mula sa akin." Ngumiti lang ng tipid si Rheanna at mahigpit nakakapit sa kaniyang damit.
Dumistansiya ito sa kaniya at dinukot agad ang cellphone mula bulsa ng pantalon nito.
"Kakausapin ko lang Sy. Hintayin mo na lang ako sa dining sabay na tayo kakain." Sabay talikod sa kaniya para kausapin ang si Sy ang left hand nito.
"Sige." Sabay paglabas niya ng hangin mula sa dibdib. Kanina pa kasi siya kinakabahan sa tuwing lalapit si Arthur sa kaniya at hahaplosin ang balat niya. Hindi niya maiwasang tayuan ng balahibo sa boung katawan. Hindi niya mapigilan. Instead na kilig ang madama. Pero hindi, pananayo ng balahibo sa tuwing hahawakan siya nito. Tumingala na lamang siya sa langit at nakikita niyang madaming star sa kalawakan. Lalo lang siyang nasasaktan pero kakayanin niya ang lahat huwag lang ipakulong ang kaniyang Ama. Dahil wala na siyang magagawa pa sa ngayon, ito na ngayon ang sitwasyon niya. Asawa niya na si Arthur.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising para puntahan ang university napili ni Arthur na papasukan niya. Hatid sundo siya ng driver at hawak ni Arthur ang boung schedule niya kaya naman wala siyang oras pumunta sa kung saan saan. Mayroon din siyang bodyguard na kasa kasama sa araw araw. Nag fucos na lamang siya sa pag aaral. Kaya lang, hindi maiwasang pag chismisan ka ng mga tao. Kahit anong gagawin mong pag mamalinis. Madumi ka pa din sa paningin nila.
"May bodyguard si Miss Beautiful hirap pormahan." Rinig niyang sabi. Saglit niya lang ito sinulyapan. Mga grupo ng mga kabataan. Hindi nalalayo sa edad niya. Tumoloy lang siya sa paglalakad papasok sa eskwelahan at bawat malalagpasan niyang grupo nakatingin sa kaniya dahil sa bodyguard na kasama niya. At gustuhin niya mang huwag ito sumunod wala siyang magawa. Sumusunod lamang ang mga ito sa utos ni Arthur.
Humugot na lamang siya ng hangin mula sa Dibdib. Masasanay din siya balang araw.
"Hi!" Bati sa kaniya ng isang babae at tumabi ito ng upo sa kaniya.
"Hello!" Sagot niya dito.
"Ako nga pala si Angel? Ikaw?" Pakilala sa kaniya.
"Rheanna..." Maikling sagot niya kay Angel.
"Yeah, nice name. I know bagong transfer ka sa school nato. Dahil ngayon lang kita nakita. Alam mo ba madami na curious sayo. Kasi may kasama kang bodyguard. Gusto namin isipin na nag iingat lang parents mo sayo sa safety mo. Kaya may body ka." Ngitian niya ito ng tipid. Kung alam lang ni Angel ang kalagayan niya ngayon. Baka maiyak ito. Pero semprey wala siyang balak mag kuwento lalo na sa mga taong hindi niya pa lubos kilala.
"Iyong kasama mo kahapon na matanda is your Dad? So super strict niya naman sayo. Sabagay sobrang ganda mo kasi. Lahat ng boys dito hinahangaan ka."
"Thank you for the compliment." Sagot niya.
"You're welcome, Rhe?" Masayang sagot nito.
"So Let's be friends!"
"Ha?"
"Wala kang kaibigan dito o kilala kaya ako na ang lumapit sayo para maging kaibigan mo. Okay?"
Tumango na lang siya sa kakulitan ni Angel. Tama naman ito.
"So Daddy mo iyong kasama mo kahapon. C'mon? Trust me safe ang sektrito mo sa akin." Sabi sa kaniya ni Angel. Mukhang wala naman siyang dapat itago dito at wala naman siyang pakialam sasabihin ng ibang tao.
"Hindi ko siya Ama. Asawa ko si Arthur..."
"Ano? As in husband mo? Pero kalahati ng edad mo ang edad niya. Ano ito arrange merrage?"
Humugot siya ng malalim ng hininga. Bago nagsalita.
"May malaking utang ang pamilya ko kay Arthur. Para makabayad pumayag akong magpakasal sa taong iyon. Kahit labag sa loob ko. Kapag hindi naman ako pumayag makukulong naman ang Tatay ko. Pumayag na ako..."
"Kawawa ka naman pala. Ano okay ba siya? Hindi kaba sinasaktan, ha?"
Hindi siya sumagot.