Inilayo si Raquel ng mga magulang nito sa kanyang nobyong si Nick kahit pa panay ang palahaw niya ng iyak at pagmamakaawa subalit wala pa rin silang nagawa. Her father even warned Nick na sisirain nito ang negosyo at buhay kapag hindi siya tinigilan at nilayuan na dahilan para matakot ang binata. Wala silang nagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng mga magulang niya lalo na ng kanyang istriktong ama na handa ring pumatay 'wag lang siyang mapunta kay Nick. Na-depress siya noon dahil nga sa labis na pagmamahal sa binatang Australiano pero tuluyan pa rin silang nagkahiwalay ni Nick, subalit dumating ang isang nakakagulantang na balita. She was pregnant at ito ang ama. Lalong nanggalaiti ang ama niya nang malaman na buntis siya at muntik pa siyang bugbugin kung hindi lang halos lumuhod ang mama niya sa pagmamakaawa. And then they compromise na ipapanganak niya ang sanggol at pagkatapos ay ibibigay niya ang custody ng bata sa ama nito na agad sinang-ayunan ng papa niya. Sapagkat ayaw daw nito ng apong bastardo. Hindi naging madali ang pagdadalantao niya dahil araw-araw siyang sinusumbatan ng ama niyang sukdulan pa rin ang galit sa ginawa niyang pakikipag-relasyon kay Nick kahit pa halos lumuhod na siya sa harap nito sa paghingi ng tawad. Matigas at marahas ang papa niya at mahirap itong kalabanin kaya nang makapanganak nga siya ay agad na nilang ibinigay ang batang pinangalanan niyang Bradley sa ama nitong Australianong si Nick Wooper.
Paglipas ng ilan pang buwan ay nabalitaan na lamang niyang umuwi na ang mag-ama sa Australia at doon na siya lihim na tumangis at napoot sa kanyang malupit na ama. years have past at bumalik na ulit siya sa pag-aaral and after about a year ay nakapagtapos na siya sa kursong Tourism and applied a job as an FA and her first destination ay ang bansang Italy sa Europe. Nang mga panahong iyon ay mahina na ang papa niya dahil sa sakit na diabetes kaya nawalan na ito ng kontrol sa kanya. May galit pa rin siya rito pero hindi na siya umiimik pa at ipinararamdam na lamang iyon sa pamamagitan ng pakikitungo rito coldly. Sa Italy ay nakilala naman niya ang isang gwapong Italyanong piloto and eventually fall in love with him hanggang sa ipaubaya na naman niya sa isang lalaki ang kanyang p********e. Mabait naman si Alfonso Crawford subalit may pagkababaero ito na siyang dahilan ng kanilang madalas na hindi pagkaka-unawaan. Tumagal ang relasyon nila ng higit na isang taon kahit pa LDR madalas sila, hanggang sa mabuntis siya nito nang minsang magkasama sila. They planned to get married but her father urge her to goes back home dahil nararamdaman daw nitong hindi na magtatagal ang buhay kaya pinagbigyan niya ito. She went back home at noon ay tatlong buwan na ang tiyan niya. Pinayagan naman siya ni Alfonso at nangako pa itong susunduin siya sa Pinas subalit isang malagim na trahedya ang hindi niya inaasahang mangyayari. Ang eroplanong minamaneho ng kanyang nobyong si Alfonso ay bumagsak at lahat ng sakay niyon ay namatay kasama siya. Doon muli na naman niyang naramdaman ang walang pagsidlan na sakit at sama ng loob lalo pa at nagdadalantao siya. She was so lonely that time at binalak pang magpakamatay pero hindi iyon niloob ng Diyos at nakaligtas sila ng baby niya. One day ay dumating ang nagpakilalang kapatid daw ni Alfonso na noon ay nakapangasawa ng isang Pilipinang abogado na naka-base sa Laguna. Kinausapa siya ng mga itong nakahanda raw ampunin ang batang nasa sinapupunan niya kung hindi niya kayang alagaan dahil nangako raw ang Italyanong heneral sa kapatid na si Alfonso na siya na ang bahala sa kanilang mag-ina. Noong una ay nakaramdam siya ng galit dahil inaalisan na naman siya ng karapatan sa pangalawang pagkakataon na alagaan ang sarili niyang supling subalit wala siyang ni kahit na ano noon at nagkaka-problema pa ang pamilya niya sa financial dahil sa papa niyang kinakailangan ng maintenance due to his health condition kaya sa huli ay nagpaubaya na naman siya at ibinigay sa mag-asawang heneral at abogado ang kanyang pangalawang anak na pinangalanan niyang Morgan Stanley bilang pagsunod sa habilin noon ni Alfonso. Pagkatapos niya noong maisilang si Morgan ay agad na nga itong kinuha ng mag-asawang Crawford at legal na inampon kahit sobrang sakit niyon sa kanya ay wala pa rin siyang nagawa kundi ang tahimik na namang tumangis at magpaubaya.
Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at taon, until sa naka-usad na rin siya kahit na paano at nakapagtrabaho na sa isang tourism agency bilang isang kawani. Tuluyan na rin noong namaalam sa mundo ang papa niya kaya nagpasya siyang mamuhay na ng mag-isa. Doon naman niya nakilala sa isa nilang outreach program ang isang Amerikanong nagngangalang Steve Buenavista na isang car racer na businessman at dayuhan na noon ay nagbabakasyon sa Pilipinas. Sa Cebu sila nagkakilala at nagkagustuhan hanggang sa naging pursigido ang lalaking kuhanin ang loob niya at sinundan pa siya sa lungsod para mas makilala. Steve is very adventurous and carefree at kapag magkasama sila ay para silang ibon na nakawala sa hawla kaya naman naging mabilis ang pagkahulog ng loob niya sa binatanag amerikano na noon ay mas bata pa sa kanya ng dalawang taon. She was in her nearly 30's by that time and Steve is only at his 27 but they were really good and compatible with each other and so they decided to live together. Steve invested in a big car company na noon ay based sa Pilipinas at talagang hindi na siya iniwan pa and after 8 months of being together ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan. Steve marries her when they learned about her pregnancy and they lived happy together, until she gave birth to a baby boy again for the third time and she named him Clyde Buenavista. Naging hands-on naman siya sa pag-aalaga ng anak nila ni Steve at pinatigil na siyang magtrabaho nito, but their marriage became rough after a year and eventually when Clyde turns to 2 years old ay nagdecide na sila ni Steve to file an annulment. But the custody of their child is not easy to fight dahil nga sa mapera ang Amerikano at ginamit pa nito ang mga koneksyon nito sa lipunan kaya sa huli ay ito ang pinaboran ng korte bilang siya ay wala namang stable noon na trabaho. Sa ikatlong pagkakataon at sa hindi niya ginustong sitwasyon ay inalisan ulit siya ng karapatan sa anak niya at muli ang tangi niyang nagawa ay umiyak at magdasal sa Panginoon na sana isang araw ay makasama niya ang tatlo niyang anak.
She again fought back at nag-umpisang ituloy ang buhay without her children na sa gabi-gabi bago siya matulog ay laman ng dasal niya na sana ay lumaki ang mga itong maayos at mabuting tao. Paglipas ng ilang buwan ay may job opportunity na dumating sa kanya at sa Japan naman siya magta-trabaho bilang entertainer. She was 33 by that time pero mukha lang siyang 27 dahil nga sa maganda niyang mukha and youthful glow. Madali siyang natanggap at lumipad agad sa Japan para magtrabaho. Hindi na siya noon namili ng mapapasukan dahil nga mahirap na ang buhay and she wants to earn money para sa goal niyang makita at muling makasama ang tatlo niyang anak. Pero sa pagdating niya sa Japan ay nakursunadahan siya ng isang Yakuza na nagngangalang Jiro Nikoto. Binili agad siya ng mayamang Yakuza sa manager ng bar na siya niyang pinata-trabahuan at wala siyang nagawa sapagkat ma-impluwensya ang hapon at mayaman pa. Iniuwi siya ni Jiro sa malaki nitong bahay sa Osaka Japan at doon ay pauli-ulit na inabuso sexually hanggang sa magbunga nga ang pakikipagtalik niya rito. Marahas si Jiro pero nang lumaon ay naging mabuti na sa kanya lalo pa ng malamang buntis siya. Agad siya nitong pinakasalan at ginawang reyna sa palasyo nito but she just couldn't love him back kahit pa ibigay nito ang lahat ng mamahaling bag at damit ay wala talaga siyang mapigang pag-ibig para sa hapon hanggang sa isilang niya ang anak nila. Isa ulit lalaki ang iniluwal niya at sobrang saya rin niya ng masilayan ang pang-apat niyang anak that they named Riku Migz Nikoto. Kamukha nito ang ama pero may feature na nakuha sa kanya and he was equally handsome katulad ng mga kapatid nitong nauna niyang isilang. Apat na lalaking bata ang iniluwal niya subalit hindi naman siya nabigyan ng pagkakataon para makasama ang mga ito. This time she decided na i-work out ang pagsasama nila ni Jiru at pinilit ang sariling mahalin ito subalit dumating ulit ang isang pangyayaring hindi niya inaasahan. Pinatay si Jiro ng kalaban nitong Yakuza at nabyuda siya ng wala sa oras.Pero hindi pa rin siya pinaboran ng tadhana sapagkat nanganganib ang buhay ng anak nila ni Jiro kaya naman nagpasya siyang bumalik ng Pilipinas dala ang anak nila ng Yakuzang hapon, subalit dahil sa kawalan niya ng trabaho at ang kayamanan ni Jiro ay kasalukuyang naka-freeze ay napilitan ulit siyang ipaampon si Riku na eventually ay pinangalanan ng umampon ditong Migz na isa ring mayamang hapon that was based in the Philippines at napag-alaman pa niyang kamag-anak rin pala ng ama nitong si Jiro. Iyak lang siya ng iyak habang papalayo sa bahay ng mag-asawang Morales na siyang kumupkop kay Migz at nakita pa niyang halos madapa ang anak niya sa paghabol sa kanya subalit tinapangan niya ang loob at nagpatuloy sa paglalakad palayo kay Migz. Masakit para sa isang ina na sa pang-apat na pagkakataon ay mawalay na naman ang pinakamamahal niyang supling pero wala siyang mapagpipilian dahil hindi niya kayang bigyan ang mga ito ng maginhawang buhay. Siya ay walang-wala rin at wasak na wasak pa dahil sa ilang beses na pagkabigo sa pag-ibig at pagkadapa but she swear na balang araw ay makasama ang mga anak niya. 'Babangon ang mama mga anak at kukunin ko kayong lahat, panagako 'yan.' Ang taimtim niyang usal na noon ay nakasakay na ng jeep patungo na naman sa kung saan na hindi niya pa alam.
After a year at sa awa ng Maykapal ay unti-unti na siyang nakakabangon. She is working by that time sa isang tindahan ng mga damit na ang nagmamay-ari ay isang mayamang Chinese. Maayos naman ang trato sa kanya ng mag-asawang Mr. and Mrs. David Wong at sobrang bait pa nga mga ito sa kanaya, subalit walang anak ang mag-asawa and they already on their nearly 40's kaya medyo nababahala na ang dalawa, hanggang sa isang offer ang natanggapap niya sa mga ito and they were asking her to bear a child for them since pahapyaw niya noong nabanggit ang mga pinagdaanan niya. At first ay para siyang nainsulto pero when the couple offered a huge amount of money para lang pumayag siyang maging surrogate mother ay para siyang nagdalawang isip at sa huli ay pumayag siya. Isa lamang ang pera sa naging dahilan niya para umuoo sa alok ng mag-asawa, dahil din sa napapalapit na rin ang loob niya sa mga ito lalo na kay Mrs. Carmen Wong at para siyang naawa dahil talagang gustong-gusto nitong mabigyan ang asawa nito ng anak pero dahil nga sa ito ang may deperensya ay wala naman itong magagawa. And the only option they think is to have a surrogate baby at siya ang gusto ng mga itong magdadala ng magiging anak kung sakali. Hindi naging madali ang proceso ng surrogation but good thing that the couple is very supportive sa pagdadalantao niya at ginawa pa siya ng mga itong parang princesa habang dinadala sa sinapulunan ang magiging anak ng mga ito. Thirty-three years old na siya noon at medyo hirap nang magbuntis pero sa tulong ng mag-asawa ay maayos at normal naman niyang iniluwal ang pang-lima niyang anak at ang matindi ay lalaki ulit ang isinilang niya na pinangalanan ng mag-asawang Dale Gavin Wong. At katulad ng apat na nauna niyang ipinanganak ay labis na naman ang tuwa sa puso niya when she saw her child sa unang pagakakataon lalo pa nang ipakarga agad ng doktor sa kanya ang napaka-cute at singkit ang mata niyang bunsong anak. 'Mahal na mahal kita anak, tandaan mo 'yan ha pero katulad ng mga kuya mo hindi rin kita maalagaan, but mama promise na pag kaya ko na at maayos na ulit ang buhay ko ay hahanapin ko kayong lima ng mga kapatid mo. I love you my baby.' Ang una at huling sambit niya sa sanggol na nasa kanyang mga bisig. Hinalikan pa niya ito sa noo habang tumutulo ang luha tsaka iniabot pabalik sa nurse para malinisan na ang baby.
Nang maka-recover siya sa panganganak ay nagdesisyon siyang lisanin na rin ang bahay ng mag-asawang Wong at tuluyan nang ipina-ubaya ang bunso niyang anak na si Dale, alam niyang maalagaan ng maayos ni Mrs. Carmen Wong ang bata kaya naman kampante na ang loob niya at muli sa pang-limang pagkakataon ay tumangis na naman siya. Tiningala niya ang payapang langit at doon ay umusal ng taimtim na dasal para sa lima niyang anak na sila. Bradley, Morgan, Clyde, Migz at Dale na balang araw ay makakasama niya muli ang mga ito at hindi siya magsasawang ipaki-usap kay Lord na bigyan siya ng pagkakataon para bumawi sa lahat ng mga araw at panahon na wala siya sa tabi ng mga pinakamamahal niyang anak na pawang mga Bastardos.
A/N
This is it pansit ang pagsisimula ng aking pinaka-unang baby.... Abangan n'yo po ang una kong handog na kwento featuring Bradley Wooper ang una sa Bastardos Men Series.Eto na siya at makakapareha si Maria Elsa Adsuara.