Lumipas ang maghapon na wala namang masyadong nangyari, maliban sa panaka-nakang panggugulo at pang-aasar ni Gregory sa kanya. Noong una, inis na inis siya kasi hindi siya makapag-concentrate sa klase.
Pero habang tumatagal ay parang gusto niyang ipagpasalamat na naging katabi niya ito dahil nababaling ang atensyon niya rito, imbes na pagtuunan niya ng pansin ang panaka-nakang inner thoughts na naririnig niya mula kina Mia. Walang imik maghapon si Jameson, pero palagi itong nakatingin nang masakit sa kanilang dalawa ni Gregory.
Umalingawngaw sa buong paligid ang tunog ng bell, hudyat na tapos na ang klase para sa araw na iyon. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa binabalak niya. Bukod sa paghubad sa maskara nina Mia ay may kailangan pa siyang hanapin – iyong taong tumulak sa kanya kaya siya nahulog sa hagdan. Ang taong dahilan kung bakit nakaririnig siya ng mga boses mula sa kaibuturan ng puso ng mga taong nasa paligid niya.
Jackpot ba siya dahil sa ability niyang iyon, or isinusumpa siya?
“I’ll just go to the restroom,” paalam niya kina Mia. “Then we’ll go.” Tumango ang kanyang barkada. Pilit ang ngiting tumayo siya, kinuha ang kanyang bag at tahimik na tumungo sa restroom na nasa kabilang kanto lang ng classroom nila.
Mangilan-ngilan lang ang mga estudyante roon nang makapasok siya. Napatingin ang mga ito sa kanya bago siya pumasok sa pinakadulong cubicle. Normal naman, walang kakaiba sa mga tingin nila. Iyon ang akala niya. Sapagkat maya-maya ay nakarinig siya ng mga bulungan sa labas.
Kung sa ibang pagkakataon, hindi niya papansinin iyon. Ngunit hindi na niya kailangan ng mga listening device para marinig lang ang mga chismis ng mga ito.
“Grabe, akala mo kung sinong maganda! Buti nga pinagtyatyagaan ni Jameson si Avery. Hindi siya kagandahan, kumpara kay Mia.”
“Akala ko pa naman mabait siya. May dumating lang na iba, binalewala na niya agad si Jameson.”
“Kawawa naman si Mia. Nagparaya siya para kina Jameson at Avery, pero may iba na palang gusto si Avery.”
“Bakit ba naging kaibigan ni Mia si Avery? Kung hindi lang mabait si Mia at ipinakiusap na maging mabait kami kay Avery, matagal na siyang nakarinig talaga.”
Hindi agad nakaalis si Avery dahil sa mga narinig niya. Pigil ang luhang napakapit siya sa kanyang bag. Bakit pakiramdam niya, ang dami niyang nagawang atraso na hindi naman niya nalalaman o sinasadya?
“Ganito pala ang pakiramdam ng binabackstab. Ang dami kong naririnig, ang dami kong gustong ipaliwanag, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula,” tahimik na nasambit ni Avery sa sarili.
Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa bag. Binuksan niya ang Messenger app tsaka nag-send ng mensahe sa GC nila. “Avery’s Babies” ang pangalan ng GC nila. Si Mia ang gumawa ng GC at gumawa ng pangalang iyon. That time, she found it sweet. Pero ngayon, napagtanto niyang dahil sa mga sweet na ginagawa ni Mia, nagmumukha siyang self-centered. Na para bang lahat ng mga tao at bagay-bagay ay umiikot lang sa kanya. She never asked Mia to do those things, pero iba pala ang dating niyon sa mga tao sa paligid nila.
She has become the villain in everybody’s eyes because of Mia. Ni hindi niya napansin na wala pa lang ibang nakakalapit sa kanya maliban sa barkada niya. Na buong akala niya, dahil ngumingiti ang lahat sa kanya, ay friendly na siya. She was wrong all along.
Sa nanginginig na kamay, nagtype siya ng message sa GC. “Guys, you can go first. I’ll treat you to dinner some other time. May need lang akong tapusin.”
Hindi na niya hinintay na magreply sina Mia. She turned off her data and wifi, then put her phone back inside her bag. Nang makarinig siya ng mga yabag papalayo, tsaka pa lang siya nagdesisyong lumabas. Akala niya ay wala nang tao roon, ngunit nagulat siya nang bigla ring bumukas ang katabing cubicle at lumabas doon si Angelica. Pareho silang nagulat, pero mas naunang makabawi si Angelica kaysa sa kanya. Halos magkapanabay silang pumunta sa lababo upang maghugas ng kamay.
Walang imik noong una, hanggang sa binasag niya ang katahimikan.
“H-hi,” nahihiyang bati niya. As usual, tumingin lang sa kanya si Angelica at tumango. Nagpatuloy ito sa paghuhugas ng kamay. “Pauwi ka na?” Tinapunan siya nito ng nagtatakang tingin. Mukhang wala itong balak sumagot kaya nagsalita ulit siya. “Pauwi na rin ako.”
“Pauwi na ako,” tipid nitong sagot. Itinapat nito ang mga kamay sa hand dryer. Parang sinasabing ayaw niya nitong marinig ang susunod niyang sasabihin.
If she were the old Avery, she would have snapped. Hindi niya ito kasundo. Ni minsan ay hindi siya nito pinansin, kaya madalas niyang isipin dati na mababa ang tingin nito sa kanya porke't mas matalino ito.
“I think she’s lowkey telling you na you can’t talk to her kasi she’s smarter than you. Never ka nga niyang pinansin,” Mia once told her.
“She’s also prettier,” dugtong pa ni Sheena na pasimpleng siniko ni Annabelle. “Well, tigin niya lang naman iyon. Avery is pretty naman ’no!” bawi nito.
Hindi naman siya bulag. Sa kanilang apat, siya ang pinakaless attractive. Mia was the prettiest, Sheena and Annabelle also looked great. Siya? Sakto lang, madalas na ijoke ni Annabelle. Napatitig siya sa maamong mukha ni Angelica. At the back of her mind, alam niyang isa sa mga dahilan kung bakit lihim siyang naiinis rito ay dahil napakaganda ng mukha nito. In fact, kahit walang make-up ay hamak na mas maganda ito kay Mia.
She couldn’t beat Angelica in the class ranking, mas lalong hindi niya mahihigitan ang kagandahan nito. Hearing everyone’s inner thoughts slowly revealed her insecurities. She was never the best.
The best option for Mia and her friends, maybe.
“Pwede bang sumabay sa iyo, pauwi?” tanong niya.
Kunot-noong napabaling si Angelica sa kanya. Strange. Sigurado siyang may iniisip si Angelica. Sigurado siyang nagsasalita na ito sa utak nito. Pero bakit hindi niya naririnig ang inner thoughts nito? Hindi niya gustong makipagplastikan kay Angelica at biglang maging super friendly rito. But she needed to know why, of all people, only Angelica had the power to conceal her inner thoughts.
“Naglalakad lang ako pauwi, wala akong kotse.”
Napakibit-balikat siya. “So? May sundo naman ako. Puwede kitang isabay pauwi.”
“Exactly. Bakit mo ako sasabayang umuwi, eh halos kapitbahay ko lang ang school? Diyan lang kami nakatira sa may squatter’s area, ’di ba?”
Napansin niya ang pagdiriin nito sa mga salitang “squatter’s area.” Kung hindi siya nagkakamali, minsan na niyang nasabi iyon noong una silang mag-away noong Grade 7 sila. Galit na galit siya noon kasi sinabi ni Mia na pinagtatawanan daw siya ni Angelica dahil may 3 maling sagot siya sa exam. Angelica got a perfect score that time.
Narinig pala nito ang nasabi niya. Somehow, ngayong hindi na siya sobrang galit ay nakaramdam siya ng kaunting guilt sa mga nasabi niyang salita dati.
“How about meryenda? Kumain muna tayo bago ka umuwi? Like coffee or tea?”
Umiling ito. “Huwag mo akong itulad sa iba, Avery. Hindi mo ako kailangang i-offer-an ng kung ano-ano para lang magustuhan kita. Hindi mo ako kailangang i-please. Hindi ka ba napapagod? Gusto mo lahat ng tao friends mo. Tingin mo ba, totoo ang friendship nila sa iyo? Gumising ka nga.”
It was a hard kick in the gut. She was speechless.
Bumuntong-hininga si Angelica. “Buksan mo ang mga mata mo. Para makita mo ang totoo,” makahulugang payo nito bago siya iniwang hindi makaimik sa loob ng restroom.
Napatingin siya sa salaming nasa harapan niya. She saw her reflection. There she was, looking like someone she never knew. Si Avery pa ba ang nakikita niya? O ito na ang Avery version na binuo ni Mia sa loob ng apat na taon? Tumulo ang luha niya.