Chapter 9: The Warning Before the Fall

1710 Words
Sa loob ng isang linggo, palihim na nagkikita at nag-uusap sina Avery at Angelica. Gumagawa sila ng perpektong plano para ma-expose ang masamang ugali nina Mia at para malaman kung sino ang tumulak sa kanya. Sa totoo lang, sina Mia, Annabelle, Sheena, at Jameson lang ang naiisip niyang pwedeng tumulak sa kanya. Ito ang mga taong may malaking galit sa kanya. Sa loob ng week na iyon ay sumasama pa rin siya kina Mia. Hindi niya ipinapahalatang unti unti na siyang lumalayo sa mga ito. Payo nga ni Angelica, “keep your friends close but keep your enemies closer.” Sa darating na Intramurals, nakatakda nilang hubarin ang maskara ng apat. Sa harap ng maraming tao. Kaya lang ay medyo nahihirapan pa rin silang mag-isip ng trap para kina Mia. Magaling itong magmanipula kaya lahat ng kaklase nila, tiyak na ito ang mas paniniwalaan kaysa sa kanya. Napatingin siya sa hawak na papel. Doon sila nag-uusap ni Angelica para hindi halata. “Sagutin mo kaya si Jameson? Hindi ba, may plano silang ipahiya ka sa oras na sagutin mo siya?” sabi ni Angelica sa sulat. Tama si Angelica. Iyon nga ang pinaka-sensible gawin. Ang pamamahiya ng mga ito ay puwede niyang i-counterattack. Napatitig siya sa hawak na papel. Magre-reply na sana siya nang bigla siyang matigilan. Teka, bakit parang may kakaiba siyang napansin sa hawak na papel? Parang…napasinghap siya. Binuksan niya ang kanyang maliit na body bag at may kinalkal doon. Mula sa isang maliit na pouch, hinugot niya ang maliit na papel na natanggap niya dati bago siya nahulog sa hagdan. “Eyes can’t see everything, but your heart should hear the real thing. Buksan mo ang iyong mga tenga. Mag-ingat ka kina Mia.” Galing sa anonymous concerned citizen ang sulat na iyon. Oh my gosh! Kapareho ng penmanship ni Angelica ang nasa sulat na hawak niya! Si Angelica ba ang nagbigay ng babala sa kanya? O baka naman si Angelica pala ang lihim na tumulak sa kanya? “Boo!” “Aaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!” Napasigaw si Avery nang may biglang bumulong sa tenga niya. Mag-isa lang siya sa rooftop nang mga oras na iyon. Simula noong nag-usap sila ni Angelica ay doon na siya palaging tumatambay. Nagsisinungaling siya kina Mia na kinuha siyang intern sa opisina ng daddy niya, kaya tuwing break time ay doon siya naglalagi. Ayaw na kasi niyang makasama ang mga ito nang matagal. Tuwing uwian na lang sila nagkakasama. Nililibre pa rin niya ang mga ito tuwing lunch at uwian. Tanghali iyon. Katatapos niyang mag-lunch kasama sina Mia, kaya dumiretso siya sa rooftop. Walang naglalagi roon kapag tanghali maliban sa kanya. Iyon ang akala niya. Dumagundong ang malutong na halakhak ni Gregory sa rooftop dahil sa pagsigaw niya. “Masyado ka namang nerbiyosa. Ako lang ito, iyong poging seatmate mo.” “Kainis ka! What are you doing here?” inis na tinampal niya ito sa balikat. “What? Hindi ako aware na nabili mo na pala itong rooftop?” tanong nito pagkatapos sumalampak ng upo sa tabi niya. She rolled her eyes. “Wala namang nag-i-stay rito tuwing lunch. Ako lang palagi ang nandito ’no?” Ngumisi si Gregory. “Sure ka?” Kumunot ang noo niya. “Ha?” “Araw araw ako rito. Umaga, tanghali, hapon.” “Weh? Palagi ako rito, never naman kitang nakita!” “Paano ninyo ako makikita ni Angelica eh masyado kayong seryoso mag-usap? Nandito na nga kayo sa rooftop pero nagbubulungan at nagsusulatan pa kayo? You guys are so childish,” tawa nito. Natigilan si Avery. “N-narinig mo ba lahat ng mga pinag-usapan namin?” Hindi ito sumagot, ngumisi lang. Napapalatak siya. “Ano ang narinig mo? Hanggang saan lang ang alam mo?” “Everything?” kaswal na sagot nito. “As in everything?!” “Yep.” “Pati iyong…” “Nakakarinig ka ng inner thoughts?” Nanggigigil na tinakpan niya ang bunganga nito, sabay kabado siyang lumingon-lingon sa paligid. “Hinaan mo naman! Baka may makarinig!” Hindi makasagot si Gregory dahil sa kamay niya, kaya nakipagtitigan lang ito sa kanya. Sa hindi niya maipaliwanag na rason ay parang tinatambol ang dibdib niya sa sobrang kaba. Noon lang din niya na-realize na magkalapit pala ang mga mukha nila. Nang gumalaw ang labi nito na parang hinalikan ang palad niya ay bigla siyang napaigtad at napaatras. “Bastos!” galit na galit na sigaw niya. Natatawang umiling si Gregory. “Ano’ng bastos doon? You covered my mouth. How else can I answer back?” Napabuntong-hininga siya. Well, technically, tama naman ito. So, alam na rin pala ni Gregory ang secret niya, pati iyong mga plano nila ni Angelica. Sabagay, gusto niya rin itong kaibiganin dahil malaki ang maitutulong nito sa mga plano nila. Simula noong na-reveal sa lahat na anak ito ng may-ari ng school, ay pinangilagan na ito ng lahat. Kahit sina Jameson at Mia ay hindi makalapit rito. Bukod sa pagiging sobrang yaman, na-tag pa itong bagong school bully dahil sa ginawa nitong pambubugbog kay Jameson. Kinuha ni Gregory ang papel na inilapag niya sa bench kanina. Nasa ibabaw lang no’n iyong note na natanggap niya bago siya naaksidente. “Let me guess. Napansin mong magkapareho ang penmanship?” Tumango siya. “Kanina lang.” “And this note is?” “Natanggap ko iyan bago ako naaksidente.” “Shouldn’t you thank Angelica for giving you a warning?” “I think I should. Kaya lang, nakakapagtakang hindi niya minsan man nasabi sa akin na siya ang nagbigay ng warning.” “Maybe just because you never asked?” “Iniimbestigahan na namin kung sino ang tumulak sa akin. Kaya may opportunity na sana siya para mag-confess.” “Maybe I can help?” Nabuhayan ng loob si Avery. “Really? Pero paano?” “Tell me everything that happened bago ka naaksidente.” Nagsimula siyang sabihin kay Gregory ang kani-kaniyang mga dahilan nina Mia kung bakit hindi sila sumabay sa kanyang umuwi nang hapon iyon. “Kay Angelica, I never asked her alibi pa.” “Did you check your phone?” “What about my phone?” nagtatakang tanong niya. “Call logs? Messages? Location tags? Your phone’s location history?” “Na-check ko na ang call logs ko. I only called my daddy, sina Mia, at Jameson that afternoon. Sa messages naman, just our GC lang. Pero iyong location tags at history ang hindi ko pa natsa-check. Bakit ko kailangang i-check pala iyon?” “You need to trace kung saang places ka pumunta that day. Malay mo, buong araw ka pa lang binantayan nung tumulak sa ’yo. So, malaki ang possibility na makakuha ka ng clues sa location history ng phone mo.” “Wow. Genius. Matalino ka rin pala?” tawa niya. Inilabas niya ang kanyang cellphone at iniabot iyon kay Gregory. “Hindi ko alam kung paano i-check.” “Ang location tags, makikita sa social media accounts mo.” Binuksan nito ang f*******: account niya. Nag-navigate ito sa profile niya at chineck ang photos. Hindi siya gaanong nag-u-update doon, kaya wala itong nakita. Isinunod nito ang IG niya. Mas active siya roon kaya hindi nahirapan si Gregory na ma-trace ang photos na na-share niya noong araw ng aksidente niya. Nakakita sila ng apat na photos. Sa umaga, nag-post siya ng picture ng kape galing sa Starbucks. Pero iyong picture ay nasa loob ng classroom nila ang setting. Sa tanghali naman, ang groupie nila nina Mia ang nakapost habang nagla-lunch sila sa kalapit na restaurant sa harap ng school nila. May dalawang picture sa hapon. Iyong isa, sa rooftop, at iyong isa naman ay sa school library. Sa parehong pagkakataon, siya lang ang nasa picture. “School library?” Wala sa loob na naitanong niya. Nagkatinginan sila ni Gregory. Ang school library ay katabi ng bakanteng bahagi ng ikatlong palapag. Malapit iyon sa hagdan kung saan siya nahulog. Iyon ang last stop niya sa araw na iyon. At pagka-check nila sa oras ng posting, ilang minuto lang iyon bago siya naaksidente! Walang ibang napapagawi sa lugar na iyon kung hindi sila nagpunta sa library. Kaya ibig sabihin, ang taong tumulak sa kanya ay kagaya niyang galing din sa school library. Bahagyang sumakit ang ulo niya. “Do you know what’s scary? Hindi ko maalala ang lahat ng details ng mga ginawa ko bago ang aksidente. Parang nabura lahat ng events na nangyari sa araw lang na iyon.” “I think it’s normal. I read it somewhere na kapag ang tao, nakaranas ng sobrang physical or emotional trauma, nagiging defense ng isip natin na i-shut down ang event kung saan sila nakaranas ng sobrang sakit. I could be wrong, though.” “What was I doing in the library? Never akong pumunta roon.” “Hindi ka ba nagsusulat ng note? Or maybe like a diary or something? I mean, girls usually do that, right?” A diary… Napaisip siya. “I don’t…” “Well?” “No, I don’t write diaries,” iling niya. “Video? Audio? Something na pwede ka mag-record. I think you are an intelligent girl. Imposible namang pupunta ka roon na wala ka man lang kaplano-plano or any backup plan. Did you ask your father kung ano ang pinag-usapan ninyo that day?” “Actually, kahit si daddy ay nagtataka. Kasi noong bago raw ako naaksidente, I called him and asked kung gumagana ang CCTV camera sa third floor. And he already told me na hindi nga. So nagsuggest daw ako na need iyon ipagawa. Kaya nga 2 days after ng accident ko, may na-install na agad na CCTV cameras doon.” “Kung alam mong hindi gumagana ang CCTV camera, and nagpunta ka sa lugar na halos walang dumadaang tao, ano ang pinaka-sensible na pwede mong gawin?” tanong ni Gregory. “Mag-set up ng sarili kong camera?” Nanlaki ang mga mata nila. Maybe she really did set up one! “Ano kaya ang ginamit ko?” “Iyon ang dapat nating malaman.” AUTHOR’S NOTE: The mystery is getting closer to the truth. Avery knows someone pushed her, but knowing who to trust is becoming harder. Who do you think pushed Avery? Drop your theory below. I’ll be reading your comments. 👀
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD